#NoGunsNoEntry Jokes are... Damn.

41K 1.4K 623
                                    

Nanatiling nakatulala si Dark sa akin habang patuloy naman sa pagsasayawan ang mga tao sa paligid namin. Walang gustong  mag-alis ng tingin sa amin na para bang ang unang bumitaw ang talo. Ano bang meron sa titig at ang unang bumawi ay talo? Para bang nasusukat sa paraan ng pagtitig ang determinasyon o pagkatao ng isa't - isa.


"Ganito ka ba talaga?" tanong ni  Dark matapos ang silang segundo.


"Ano? Bitch? Heartless? Terrifying? Insensi--" Naputol ang sasabihin ko ng hawakan nya ang braso ko na para bang natatakot sya na tatakbo ako.


"Parang si Zitty." Seryosong sabi nya. Naikuyom ko ang kamao ko sa sinabi niyang iyon, pero ang mas ikinagagalit ko ay ang paraan niya ng pagtitig sa akin.


He used to look Zitty like that.


Agad na tinabig ko ang pagkakahawak niya sa braso ko. Kinuha ko ang kuwelyo ng suot niya at inilapit ang mukha niya sa mukha ko.


"Kung anuman ang ginagawa mo, stop it. Don't you dare fall in love with me dahil sa naalala mo si Zitty. I  am not her. I will never be her." sabi ko saka bitaw sa kaniya. Medyo napaatras siya pero hindi kababakasan ng pagkagulat sa ginawa ko ang mukha niya.


Damn it. 


"Hindi mo ako magiging rebound, Dark Lee."


Nagmartsa ako papalabas ng party hall. I hate that look. When will he ever acknowledged na wala na si Zitty?


Nagpunta ako sa may garden na medyo malayo sa party. Walang masyadong ilaw pero pabor sa akin iyon. Umupo ako sa isang bench na natatabunan ng mga anino ng halaman. I could really use some cigarette right now.


I really hope no one find me here.


"You look really pissed off."   Narinig kong sabi ng isang boses mula sa kabilang panig ng garden.


Edi wow. Kasasabi ko lang na sana walang maghanap sa akin dito. Sinundan niya siguro ako.


"May yosi ka?" tanong ko na agad niyang sinagot sa pamamagitan ng pagabot ng yosi at lighter.


"It's just a baby. Malay mo hindi  Kay Dark ang dala niya." Sabi Ni Thres habang magkatabi kami sa upuan at tahimik na nagyoyosi.


"Hindi ko iniisip iyon." sabi ko sabay buga ng usok. Mukha na akong tambutso ng jeep sa EDSA. 


"Bored ako. Tara maglaro ng jak en poy na truth or dare version."

No Guns, No Entry | Gangster Academy: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon