#NoGunsNoEntry Party Preparations

80.3K 2.4K 322
                                    

RECAP:

-Nakatanggap ng invitation si Zerah, Dark, at ang buong council para sa isang party tungkol sa termination event next month.

- Sobrang daming clues ang ibinigay about sa party na kinasangkutan ng suicide ni Sarah, ng mga parte ng katawan na natanggap ng Council, Dark, at Neon, at ng isang clue na natanggap ng buong academy.

- Umamin na si Zerah na siya si Zitty upang maging buo ang puwersa ng Council.

- Nagalit si Coldie pero pinatawad din ito at naging paligsahan pa sa pagitan nila ni Bea ang duty na maging BEST BFF.

+++

UNEDITED UPDATE. ENJOY.


Ghad. Hindi ko na alam ang gagawin ko. Anong nangyayari dito sa eksenang ito? Grabe.

"Kanina ko pa sinasabi sa iyo hindi nga bagay yan!" sabi ni Coldie sabay hatak sa black dress na nasa kamay ni Bea.

"No! Arrgh! You listen to me. This is cute on her!" sabay hatak naman Bea sa black dress ulit mula kay Coldie. Pero hindi niya ito binitawan kaya ang nangyari ay naghihilahan lang ang dalawa.

"Bitawan mo nga!" hatak ni Coldie pero hindi papatalo si Bea.

"Stop it, Violet Monster!" hatak din ni Bea.

This is really not a good idea. Literal na matapos ang bangayan nila ay nag-unahan sila papunta sa bahay na tinutuluyan namin nila Thres. Parang mga batang nag-unahan na din sa closet at ngayon na nga ay nag-aaway na kung sinong tutulong sa akin na mamili ng damit.

Mamayang dala na ang party na hinahanda ng Elders para Termination Event. I really think na may gagawin ang mga taga-Elders.

"Singkit na hilaw ka! Stop right now! I will help Zerah so stop. Shu. Shu!" Okay na sana eh. Keri lang na maypa-shushu pa si Bea na nalalaman kaso hindi bagay sa accent niya ang mang-insulto ng tagalog.

"Accent mo ang baho! Amerikanang hilaw! Pilipinong hilaw ka din! Ikaw ang lumayas! Belat!" sabay dila ni Coldie kay Bea. Sinagot din ito ni Bea ng belat.

Wala na. Mababaliw ako sa dalawang ito.

"Girls, how about go out of my room and let me dress alone?" seryosong sabi ko sa kanila. Pero alam mo iyong hindi ako nag-eexist. Hindi nila ako pinansin.

Ayaw nilang umalis. Naiirita na ako. May paa at kamay ako para gamitin para magbihis. I am not f-ucking expecting them to get my underwear and help me wear them for f-uck sake.

Dahil mukhang wala silang balak na tumigil sa kung ano mang ginagawa nila, pumunta ako doon sa mga pigurin na display sa loob ng kuwarto ko at walang kakabog kabog at balewalang binitawan ko ang isa.

Nagdulot ito ng malakas na tunog ng nabasag. Naging dahilan ito ng pagtigil sa pag-aaway ng dalawa. Parang mga sira-ulo. Kanina pa naghihilahan, tingnan mo ngayon sobrang punit na ng damit na hawak nila. Ano ako batang yagit para suotin yan?

"Aalis kayo o hindi ko kayo isasama?"

"Sabi ko nga friends na kami ng bruhang ito. Tara alis na tayo. Baba na tayo. Lab na lab koi tong Bea na ito. Pakyu ka Bea-ntot." Parang tanga si Coldie. Niyakap bigla si Bea. May akbay-akbay pa na parang sinasakal naman si Bea.

"Oh how I f-ucking love your flat ass, my dear Coldie-locks." Bea started hugging Coldie. Sige, para silang tangang kunwari pang yakap at akbay pero ang totoo nagsasakalan na.

No Guns, No Entry | Gangster Academy: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon