#NoGunsNoEntry The Forest and its Guards

115K 3K 461
                                    

Inabot lang kami ng ilang Segundo bago makaakyat sa pader at muling makababa. Tiningnan namin ang paligid.

Okay. Hindi ko alam kung na-time space warp ba kami sa isang movie pero parang ganito iyong mga kagubatan na nakikita ko sa doon. Madilim ang kagubatan na papasukin namin at pakiramdam ko ay may kakaibang aura sa loob nito.

“It’s creepy!” Bea stated what's exactly on my mind right now. The forest screams death and sorrow. Hindi na ako magtataka kung maya-maya ay may lumabas na halimaw diyan.

“Let’s go.” malamig na sabi ko. Hindi naman kami nag-aksaya pa ng panahon at pumasok na sa kagubatan.

---

“Boss, they are already inside the forest.” report ng isang lalaking walang pang-itaas. Nakasuot lamang ito ng isang military colored maong shorts at may bitbit na isang espadang nakasabit sa kaniyang likuran.

“Great. All we have to do is wait.” saad naman ng tinawag nitong boss habang nakatingin sa apoy na nanggagaling sa fire place ng kuwarto.

Hindi makita ng lalaki ang itsura ngayon ng boss niya dahil nakatalikod ito. Isa lang ang naaninag niya.

Her tattoo on her back.

---

We are walking inside the forest. Napakatahimik ng paligid pero hindi kami kumakampante. Alam namin na ang katahimikan ay hindi dapat pagkatiwalaan.

Maka-ilang segundo ang lumipas at nagkatinginan kami ni Bea. Pareho kami ng nararamdaman. We are being followed. Agad na tumakbo kami nang sobrang bilis. Iniiwasan ang mga puno at nagtatago sa pamamagitan ng dilim.

Gumalaw na din ang sumusunod sa amin at tumakbo sa aming likuran. Tsk. Dalawa sila. Kahit hindi kami nag-u-usap ni Bea alam na namin ang gagawin. In an instant, she turned left and I turned right.

One on one battle ang magaganap.

Naghiwalay din ang mga sumusunod sa amin para kami ay harapin at kalabanin. Tsk. Nang masiguro kong medyo malayo na kami ni Bea sa isa’t-isa ay tumigil ako sa pagtakbo at sumandal sa isang puno.

It’s time to wait for my opponent.

At hindi nga ako nabigo. Isang bulto ng tao ang tumigil ilang metro malayo sa akin at nanatili sa anino ng mga puno.

Ilang segundo ang nagdaan bago siya nagpasyang magsalita.

“Bakit kayo nandito?” He asked. Lalaki ang isa sa sumusunod sa amin. I can’t recognize his voice so I presume hindi siya isa sa mga taong nakakasalamuha namin sa Dorm.

“None of your business.” sabi ko sabay ngisi. Lumapit sa akin ang lalaki matapos kong magsalita.

“Back out and I will be nice.” Hindi ko maintindihan ang sinabi niya. Hindi ba dapat ang sinasabi niya ay umalis na ako dahil hindi niya ako papayagang makarating sa kabilang isla.

No Guns, No Entry | Gangster Academy: Book 2Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon