CHAPTER 7

4.3K 190 11
                                    

A/N: Unedited





Bianca Pauleen Dela Vega

Eeee!.. Anong gagawin ko?. Teka ano ba to? Magkakilala sila? Si ate na nagbigay sakin ng 100? At yung epal na babae na ninakawan ko?" Paano? Paano nangyaring?ーhala! anong gagawin ko? Im dead now!

Nakita ko na tumayo silang dalawa mula sa kinaka-upuan nila at papunta na sila sa pwesto ko. My body was shaking due to tension at sa takot na nararamdaman ko. Anong gagawin nila saakin? Nagpapanic na ako.

"Dungis! Ano ginagawa mo dito?" Tanong ni Ate 100.

Natulala ako kaya di ako agad nakasagot. Ang lalaki nilang tao. Nakakatakot ih! Pero natangal ang tulala mode ko nang pinapik ni ate 100 nag braso ko.

Nagtama ang tingin namin ng epal na babae. "Patay na!" ang sama ng tingin nya. Di ako pwede magpasaway dito sa loob ng bar kundi lagot ako kay manong Cardo.

Bubuksan ko na sana yung pinto ng Bar nang bigla akong inakbayan ni Ate 100. Hinila nya ako patungo ng sa counter at saka pinaupo sa isang upuan.  Lasing na yata to eh.

"Umiinom kaba ng alak?" Tanong ni ate 100, umiling naman ako.

"Okay.. kuya lemonade po isa." Saad nya kay manong Cardo.

"Alam mo, try mo kaya na maghilamos tapos mag dress sigurado cute ka. Diba kai?" Sabi ni ate 100.

"Akalain mo sya lang naka-appreciate sa fezlak ko."

Napaangat ang muka ko at tumingin kay manong Cardo. Nakatingin din ito sakin. Lagot ako nito, baka malaman ni lala na namamalimos ako sa Manila at ang masaklap pa pag malaman pa na nagnanakaw ako lagot ako siguradong malulungkot si Lala.

"Ano bang pangalan mo dungis? Yung real name ah? Sinulyapan ko ulit si manong Cardo at nakatingin parin ito saamin. Napabuntong hininga ako. Gusto ko na umalis dito. Muli kong itinoon ang atensyon ko kay Ate 100. Ngumiti ako bago ko sinagot nag tanong nya.

"B-Bianca po." Sagot ko.

"Ow! Bagay mo name mo, ang cute din."

Lasing ka lang Ate, wag mo akong i-spoiled sa mga compliments mo baka masanay ako.

"Salamat.." Sagot ko.  Pasimple kong sinusulyapan si babaeng epal na hanggang ngayon ay ang sama ng tingin sakin. Kaya Umismid ako.

"Anong ginagawa mo dito sa baguio? Tanong ni babaeng epal.

"May dinadalaw lang ako." Sagot ko. Tatanong tanong pa halata naman sa muka nya na hindi sya naniniwala.

Binigyan ako ng lemonade ni mang Cardo. Agad kong kinuha yun at ininom. Grabe ang uhaw ko. Ang sarap ng lemonade.

"Uminom ka lang ng gusto mo, ako na magbabayad." Sabi ni ate 100, ang bait talaga nya, tapos ang ganda-ganda pa nya. Kaya una ko palang syang nakita ayoko na syang nakawan kasi hindi nya deserve.

"A-ah Ate mag totoilet lang po ako." Pagpapaalam ko saka ako tumayo. Pero bago pa ako makalayo ay nagsalita yung babaeng epal.

"Dalian mo mag toilet dahil naiihi din ako." Masungit na anas nito.

Tumango lang ako nilang sagot saka nag'ismid. Isang pang boys at isang girls lang kasi toilet dito. Kaya isa-isa lang ang makakapag toilet.

Pumasok ako sa banyo at inikot ko ang paningin ko. Ayun may maliit na bintana. Sigurado kasya ako dyan dahil pumayat na ako.

Pumatong ako sa ibabaw ng toilet at inabot ko ang maliit na bintana at saka ito binuksan. Ilang saglit lang may narinig akong magkakasunod na katok.

"Di kapa tapos? Naiihi na ako ang tagal mo!" Sigaw mula sa labas ng toilet, for sure si babaeng epal yun.

Stole My Heart Tempat cerita menjadi hidup. Temukan sekarang