CHAPTER 22

3.4K 151 32
                                    

A/N : Unedited







Bianca Pauleen Dela Vega

"Are you okay, Biang?" Alice asked.

"Yes, Alice," I answered, but my body was shaking.

"What happened dyan? Bakit yung wrist mo red?" she asked.

"Wala lang ito Alice, napaso lang ako." Pagsisinungaling ko habang pilit kong ikinakalma ang sarili ko.

Maya maya pa nang maging okay na ako ay nagsimula na ulit ako magtrabaho.

"Black coffee please"

Tinignan ko yung customer. "Si Kai!" Tumango ako at saka gumawa agad ng order nya na kape. Nang matimpla ko na yung coffee nya, I immediately handed it to her, However, before I could even retract my hand, she swiftly grabbed it from me and directed her gaze towards my wrist.

"What happened here?" she asked, pero hindi ako nakasagot kaya hinila ko nalang ang kamay ko na agad naman nyang nabitawan. Tinawag nya ulit ang pangalan ko pero hindi ko sya pinansin kaya tumigil nalang sya.

Sinulyapan ko nalang ulit si Kai after ilang minuto at tahimik na syang nakaupo sa isang upuan malapit lang sa may entrance. Nagbabasa sya ng libro nya na neuroscience habang nagkakape.

Nag bus-out lang ako sa mga table na pinaggamitan ng kaalis lang na mga customers, nang mapansin ko na tumayo si Kate sa kinakaupuan nya at palapit to sakin. Nagsimula nanaman akong kabahan dahil halata sa muka nya na wala parin sya sa mood.

"Bianca. Sorry kanina nabigla lang ako." Saad ni Kate.

Mas lalapit pa sana sya saakin  pero agad akong napaatras. Nahintuan ako nang naramdam ko na may tao sa likod ko at paglingon ko "Si Kai!".

"Oh, you're here, Doc Anderson," Kate said, then she turned her gaze towards me.

"Biang, you can go back to work. Kate and I just need to talk," Kai ordered. I could feel the tension between the two of them.

Tumango ako at mabilis na pumunta sa counter. Hindi ko maiwasan na hindi tumingin sa kanilang dalawa. Tinignan ko ulit sila. Nakatayo parin sila at naguusap pero kita sa mga muka nila na seryoso ang mga ito. Sa huli ay naglakad si Kate at binunggo nito si Kai sa balikat, kaya medyo napaatras si Kai saka ito napailing. Bago lumabas si Kate ng Cafe ay binalingan pa nya ako ng tingin kaya napayuko nalang ako. "I don't want to see Kate's eyes, I'm scared,".

"Biang, babalik na ako sa Duty ko" Si Kai, tumango lang ako at pinilit ko nalang ngumiti.

"Okay naba yung wrist mo?"

"Oo Kai, salamat"

"Good.." matipid na sagot bago lumabas ng Cafe.

Nang nakaalis sila parang biglang gumaan ang paligid, kaya nakapagtrabaho ako ng maayos.

Natapos na isang buong araw at nagpapasalamat talaga ako na hindi na bumalik si Kate ng lunch, ewan ko ba kung anong nangyayari sa kanya. kung bakit ganon nalang ang gigil nya saakin kanina at pati pulsuhan ko napag-tripan nya. I can't figure it out.

Habang naglalakad ako papunta sa sakayan ng tricycle ay may napansin ako sa daan na picture. Kinuha ko yun at tinignan. Wait! "Si kate ba ito?" Oo si Kate nga, bata pa sya dito parang high-school lang at may katabi syang babae na mahaba ang buhok. Binulsa ko nalang ito, para ibigay ko nalang kay Kai para sya nalang mag-abot sa kaibigan nya. Ayoko pa lumapit kay Kate natatakot ako sa kanya. Parang hindi sya si Kate na tinatawag ko noon na "Ate 100".

Nang makarating na ako sa bahay ay nagpahinga muna ako dito sa sala nang tumunog yung phone ko kaya kinuha ko yun para tignan. Notification from Instagram.

Stole My Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon