CHAPTER 15

4.1K 149 10
                                    

A/N:Unedited






Bianca Pauleen Dela Vega

Naglalakad na kami ni Monique pauwi ng bahay. Ang daldal parin nya at walang tigil ang kaku-kwento. Napa'ismid ako dahil naiinis ako sa kaartehan nya kanina. Super papansin talaga nya tapos parang kinikilig pa sya habang nakikipag-kwentuhan kay Doc Anderson.

"Alam mo Monica ang landi mo!" Taas kilay na anas ko, Napahinto sya bigla sa pagsasalita at nagtatakang napatingin saakin.

"Ako malandi? Anong kinalandi ko Bianca?." Nagtatakang tanong nya.

"Ang papansin mo pag nandyan si Doc Anderson. May gusto ka ba sa kanya?" Masungit na tanong ko, nagsalubong ang kilay nya na tila hindi gets ang sinasabi ko. Always naman!

"Nag-usap lang kami malandi na agad? wow ah, FYI maja Bianca mas marami pa nga naging jowa mo kaysa sakin!" Asik nito, mas lalo akong nabwisit dahil sa sinabi nya kaya tinarayan ko sya.

"Atleast ako totoo sa sarili ko, eh ikaw nga nung High School, kung umakto ka conservative pero ilan beses naman kitang nahuli nakikipag halikan sa likod ng building nyo!"

"Ang kapal mo din Bianca! Namemersonal ka masyado! Bakit ka ba naiinis dyan kung kausapin ko si Doc Anderson? May gusto ka ba sa kanya?! Lesbian ka ba?!" Naiiyak na asik nya. Tinulak nya sa balikat kaya napa-upo ako sa kalsada.

Tumakbo sya nang mabilis pauwi nang bahay habang umiiyak.  Nakakainis kasi. Hindi ko talaga gusto yung kaartehan at pagiging papansin nya kanina.

Tumayo ako saka pinagpagan ang pwetan ko. Nakakainis! Kaya imbis na uuwi ako sa bahay ay dumerecho nalang ako sa convenience store para bumili ng alak. Gusto ko uminom, pangpa-wala na inis. Kaya pagdating ko sa convenience store agad akong lumapit sa cashier para magtanong kung ano ang pinaka mild nila na alak.

Sinamahan ako ng Cashier sa liquor section saka tinuro saakin ang isang beer na nasa bote. Kumuha ako ng alak na yun at saka ako nagtungo sa cashier para magbayad.

Nasa labas na ako ng convenience store. Habang binabasa ko yung nakasulat sa likod ng bote ng alak nang biglang may tumapik ng balikat ko. Kaya napapitlang ako.

"Umiinom ka pala?"

"Doc Anderson?" Gulat na tanong ko nang mamukaan ko sya. Agad kong itinago ang hawak kong alak.

Napangiti naman sya bago nagsalita.

"You don't need to hide it, I saw it." Nakangiting saad nya.

Biglang nag-init ang pisnge ko dahil sa hiya. Baka isipin nya magnanakaw na nga ako lasengera pa! Kalabisan na yun duh!. Pero infairness naman sa kanya, sa kabila kasi nang mga nagawa ko sa kanya ang bait parin nya saakin. Tapos palagi na syang nakangiti ngayon hindi gaya noon kulang nalang gilitan ako ng leeg pag-nakikita nya ako.

"It's alright to unwind occasionally and have a drink,..look at this." Tinaas nya ang hawak nya na bottled wine. "Anyway bakit ka pala iinom? May problema ka ba?." Tanong nya.

"Unti, nagkaroon lang kami ng unting tampuhan ng pinsan ko, si Monique yung kausap mo kanina." Sagot ko sa kanya. Tumango naman sya saka kami nagsimulang maglakad hanggang sa makarating kami sa park.

Umupo kami sa isang bench. Binuksan nya yung alak nya kaso hindi ko mabuksan yung saakin. Dapat pala ang kinuha ko ay yung nasa can nalang.

"Let me open that for you." Saad nya. Ibinigay ko sa kanya yung alak ko at saka nya yun binuksan gamit ang ipin nya. Parang nangilo tuloy ako.

"Ano ba yan, parang nangilo yung ipin ko." Saad ko na ikinatawa naman nya bago nya binalik saakin yung alak na ngayon ay open na.

"Cheers?" Nakangiting saad nya habang hinahantay nya na makipag-toast ako sa kanya. After one cheer, uminom na kami.

Stole My Heart Where stories live. Discover now