CHAPTER 40

3K 94 68
                                    

Unedited






Kai Maureen Anderson




Darn! Lugi ako sa larong ito. Babaero pa naman ako noon. Kahit kasi anong tagal na non may impact parin yung sa present at future ko. Siguradong magagalit sakin si Bianca nito once magkamali ako sa mga isasagot o kaya naman maalala nya yung mga babae ko sa past ko at aawayin ako. Hundred percent sure!

"Ayoko sumali, kayo nalang.." pagtanggi ko, kaya lahat sila napatingin saakin.



"Hindi pwede Anderson!" Agad na pagkontra ni Cyn.



"Anong klaseng face yan Kai? Umayos ka nga laro lang naman." Si Kate naman.


Pinagtulungan ako ng dalawa at hindi talaga sila tumigil hanggat hindi ako sumali. Napapakamot nalang ako sa ulo ko dahil pakiramdam ko wala akong lusot sa larong ito. Sa huli, napapayag na nila ako. Isa lang naman ang kelangan kong gawin ang dumiskarte sa laro na ito. Hindi dapat ako matalo para makaiwas ako sa mga tanong. Ayan pa naman si Cyn walang pakundangan yang magtanong.



"Simulan na ang laro." Deklara ni Happy.


Si Happy ang unang kumuha ng wood block.. sumunod si Kate, then si Bianca, after ni Bianca si Cyn naman. Then ako. Hindi pa nga ako kumukuha parang nag-sway na yung wood block kaya kinabahan ako. Yung tipong mas kinabahan pa ako dito kesa pag nag-oopera ako sa pasyente ko.



Tinignan ko maigi ang wood blocks, at sa bandang gitna ang naisip kong target kasi para balance lang. Mamaya kasi pag sa gilid ako kumuha gumuho sya so matatalo ako. Dahan-dahan kong kinuha yung block sa gitna, gumewang nanaman. Sa una okay naman sya pero after ng ilang segundo bigla nalang syang natumba. "Syet talaga!"



"Dahil talo ka sagutin mo yung mga tanong namin." Nakatawang saad ni Cyn. Pang-asar pa yung pagmumuka.



"Hindi ka makakapag sinungaling dahil alam namin lahat sayo!" Dagdag pa ni Kate. Umismid nalang ako.



"Oh anong tanong nyo. Pakiayos lang." Nakita kong  nagtinginan ang dalawa kong kaibigan.



"Ilang babae ang natikman mo? Yung naging jowa mo lang wag mo na isama yung mga fuck buddies mo baka mahirapan ka pa magbilang." Nakangising tanong ni Kate.




"Anong klaseng tanong yan Kate? With pa-trivia pa talaga?"




Nagtawanan silang lahat bukod lang kay Bianca. Seryoso syang nakatingin saakin, pansin ko din ang isang kilay nya na umaarko na. Alam ko pag ganon. Ibig sabihin banta yun.



"Tagal mong sumagot Anderson." Reklamo ni Cyn.



"Hindi ko alam.." sagot ko.



"Ay hindi pwede yang sagot mo! We can't accept that, we need a specific answer," Si Cyn sabay tawa.



"Madami hindi ko na mabilang. Happy na ba kayo?" Sagot ko ulit. sinulyapan ko ulit si Bianca. Yung tingin nya nangangamoy away mamaya.



"Kung ako din naman yung babae hindi ako tatanggi kay Doctor Kai Anderson." Natatawang gatong pa ni Happy habang naka peace sign.



Nagproceed na kami sa next question. Nakikiusap na nga ako sa kanila na tama na yung isang tanong lang dahil baka masira ang mood ni Bianca pero ayaw nilang pumayag.



"Next question na.."



"Naranasan mo na ba makipag sex sa pasyente mo?" Tanong ni Happy.




Stole My Heart Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon