CHAPTER 28

2.7K 121 23
                                    

A/N:Unedited







Bianca Pauleen Dela Vega

Nakauwi na kami galing sa Camping, grabe inaantok parin ako. Hindi naman ako pwede umabsent kasi mapapagalitan ako at saka sayang din yung araw kung hindi ako papasok. Nagtungo ako sa sala at umupo muna sa sofa, napapapikit parin ang mga mata ko. Kelangan kong labanan itong antok.

"Biang magkakape ka ba?" Tanong ni Monique, first day din nya sa work. Night shift talaga sya, kaso dahil training palang nya kaya one week pa syang pang umaga.

"Biang?"

"Bianca!" Tawag nya sa pangalan ko, sa pagkakataon na ito ay sumigaw na sya. Kaya parang doon palang ako nagising.

"Bakit?" Mabilis kong sagot.

"Ano? Tulala for today's video? Tinatanong kita kung magkakape ka para matimplahan kita."

"Oo, gusto ko ng kape." Tinignan lang ako nito saka nag'ismid bago kumuha nang baso.

"Akala ko naiwan pa yung kaluluwa mo sa pinuntahan nyo ni Doc Anderson." Sumimangot lang ako at tumayo para maligo at maghanda na din na gamit ko sa pagpasok sa work.

Nang makarating ako sa Cafe, antok na antok parin pakiramdam ko. Dumating na paisa isa ang mga customers kaya nagiging busy na din kami ni Alice.

"Cafè au lait please". Pamilyar ang boses kaya nilingon ko sya agad.

"Kate.." Nakangiti ito at mukang maaliwalas ang muka nya.

"Ihahatid ko nalang sa table mo Kate." Sabi ko naman, Ngumiti ulit sya at naghanap ng pwesto nya. Mukang nasa mood sya ngayon.

Habang ginagawa ko ang order ni Kate, hindi ko mapigilan ang mapahikab, napansin na din ako ni Alice kaya tinanong nya ako. Sinabi ko naman sa kanya na galing kami sa camping kaso gabing-gabi na nakauwi kaya puyat. Nang matapos ko gawin yung Cafe au lait ni Kate, ay saka ko yun nilagay sa tray para iserve na sa kanya. Kahit nakangiti sya hindi ko parin maiwasan ang ma-paranoid paano ba naman kasi yung last na ginawa nya sa kamay ko grabe lang. Ang higpit kaya ng pagkakahawak nya nun. Nasaktan kaya ako.

"Kate ito na yung order mo". Nilapag ko sa table yung kape nya.

"Bianca about last time, I'm so sorry."

"Okay lang Kate, basta wag mo na uulitin natakot ako sayo."

Kinuha nya yung kamay ko, at tinignan nya yun. Pero binawi ko din yun at nagpaalam na babalik na ako ng counter. Dumadami na din kasi ang mga tao at hindi ako pwedeng makipag-usap sa oras ng work lalo na kung busy na. Habang busy ako sa pagtatrabaho paikot-ikot din ang tingin ko sa paligid. Hinahantay ko si Kai. Simula nakabalik kami from camping wala na syang paramdam. I mean, simula kagabi till this morning walang message.

"Looking for Kai?" Nilingon ko yung nagsalita.

"Kate. Tapos ka na magkape?" Tanong ko, para baguhin ang usapan, nahalata yata nya na si Kai ang hinahanap ko.

"She's not coming today." Mahinang saad nya. Bigla akong nakaramdam ng lungkot pagkasabi ni Kate na hindi darating si Kai para magkape.

"Bakit Kate? Nasa OR ba sya?"

"Dumating ang President ng Albany Medical Hospital Main. Pinabalik sya sa Main at pwedeng sa mga susunod na araw ay aalis na si Kai dito sa Baguio." Sabi ni Kate.

Hindi ako nakapagsalita pa, nang mapansin ni Kate ang pananahimik ko at tinapik nya ang balikat ko.

"Need ko na bumalik sa duty ko Biang, see you around." Saad pa nya, bago ito tuluyang umalis.

Stole My Heart Where stories live. Discover now