CHAPTER 36

3.4K 127 36
                                    

Unedited







Bianca Pauleen Dela Vega

Naghahanatay ako sa labas ng Albany Hospital, usapan kasi namin ni Kai na sabay kami uuwi sa condo nya after ng work namin. Sa di kalayuan nakita ko sya na naglalakad palapit dito sa kinakatayuan ko. Ang lawak ng ngiti nya, gusto ko tuloy matawa. Parang bata kasi. Pagbibigyan ko sya ngayon na doon sa unit nya matulog. Buti nga si Monique ang bilis mapapayag. Nagtataka na nga ako kasi parang pag binabanggit ko ang pangalan ni Kai, walang reklamo halos pagtulakan pa ako palabas ng bahay.

Kahit si Lala mukang nakakahalata na dahil kaninang umaga pag alis ni Kai, kinausap nya ako, nagtatanong sya kung bakit kami palaging magkasama ni Kai. Minsan pa daw nakikita nya kami na magkahawak ng kamay at magkadikit palagi. Hindi naman ako nakasagot nun, tingin ko alam na din ni Lala. Naghahantay nalang siguro sya na magsabi ako. Si Lala naman madaling makaintindi at sobrang bait kaya alam ko maiintindihan nya kami ni Kai pag umamin na ako.

"Biang uwi na tayo." Hinawakan nya agad ang kamay ko, kaya nahintuan ako sa pag-iisip.

"Ang bagal mo maglakad." Pabirong saad ko. Pansin ko madalas na dala nya yung car nya, ayaw na yata nyang mag commute. Last time kasi na nag commute kami pawis na pawis sya, kamuntikan pa sya masuka sa loob ng jeep.

Nasa biyahe na kami, dumaan muna kami sa market para mamili ng gulay at karne, magluluto kasi ako ng nilaga para sa dinner namin, request kasi ni Kai. Ayoko rin kasi kumain sa labas gusto ko magluto nalang at mag relax sa place nya habang nanonood ng movie.

"Okay na ba to Biang?" Tinignan ko yung mga nasa cart.

"Oo Kai okay na yan. May bawang naman sa unit mo diba?" Tumango naman sya kaya naglakad na kami papuntang cashier. Pagkatapos namin magbayad ay umuwi na din kami.

Abala ako sa pagluluto habang si Kai naglilinis at nag aayos ng mga libro nya. Ayoko din na tumulong sya dito sa kitchen nasisikipan kasi ako pag dalawa kami dito kaya tama lang na maglinis nalang sya. Habang hinahantay ko na kumulo yung linuluto ko kinuha ko lahat ng labahan namin. Ayaw pa sana nya dahil makikita ko daw underwear nya pero wala na syang nagawa nung naagaw ko yung laundry basket at saka sinalang yun sa washing machine.

Pagkatapos namin maglinis at maglaba, sya na ang sampay ng mga damit at ako ang naghain ng dinner.

"Kai kumain na tayo." Tawag ko sa kanya.

"Oo Biang malapit na to matapos." Sagot nya, nilapitan ko sya para tignan kung gaano pa kadami ang sampayin.

"Madami pa ba?"

"Unti nalang." Sagot naman nya. Napansin ko yung hawak nya, pucha! panty ko. Agad kong inagaw sa kamay nya yung hawak nyang panty.

"Bakit?" Tanong nya. Halatang nabigla sya sa ginawa ko.

"Umupo kana dun ako na magtutuloy nito." Utos ko sa kanya, Nagsalubong yung kilay nya, tila naguguluhan.

"Unti nalang, kaya ako na ang tatapos." Pagpupumilit nya, pero di ako pumayag.

"Ako na nga. Ang kulit mo nanaman." Mariining sabi ko. Wala na sya nagawa kundi umupo at nagsandok ng kanin. Mabilis kong tinapos yung natitirang sampayin. Pagkatapos kong magsampay sumunod na din ako sa dining area.

"Ang sarap ng luto mo Biang".

"Syempre masarap talaga ako magluto." Pagyayabang ko. Pinipigil ko ang matawa, biro ko lang kasi yun.

"Wag kang iinom ngayon Kai. Matulog tayo ng maaga." Bilin ko sa kanya, inunahan ko na syang pasabihan dahil baka uminom nanaman sya, akala nya hindi ko napapansin na pagnapaparami ang inom nya ng alak napaka-clingy nya.

Stole My Heart Opowieści tętniące życiem. Odkryj je teraz