CHAPTER 5

10K 183 14
                                    

PAGKARATING sa lugar ay kaagad na tumambad sa kanila ang sandamakmak na iba’t ibang uri nang mamahalin na kotse. Sa dami ng mga iyon, tanging ang isang kotse lamang ang nakakuha ng atensyon ni Sheena. Iyon ay ang itim na Lamborghini Terzo Millinio. Sigurado siyang lalaki ang may-ari niyon. Sa katabi nito ay doon sila nag-parking ng kotse.

Pagkatapos ay bumaba na sila at naglakad papasok sa bar. Buti na lang ay hindi ganoon kahirap ang seguridad kaya kaagad naman silang nakapasok.

Kaagad na bumungad sa kanila ang malakas na tunog ng musika. Hindi na nagulat pa si Sheena sa dami ng taong naroon. Ang iba ay nasa gilid, umiinom lamang. Samantalang ang iba naman ay nasa gitna, sumasayaw.

Napapangiwi na lamang si Sheena sa mga nakikita niya. May naghahalikan—hindi lamang normal na halik dahil may kasama ng dila at ang mga kamay ay naglalakbay. Sanay na siya sa ganoon ngunit hindi niya pa rin mapigilan ang magkaroon nang ganoong reaksyon dahil mayroong mga babae roon na nakikihalikan sa mas matanda pa sa mga ito na lalaki. Ang pinaka-ayaw na ayaw niya. 

Imbis na pansinin at mandiri pa sa mga iyon ay lumapit na siya sa may bar counter kasama ang kaniyang kaibigan na taliwas ang itsura sa kaniya. Tuwang-tuwa sa nakikita.

Umupo siya sa may stool at nag-order na siya ng inumin sa bartender. Pinili niya lamang ang inumin na medyo hindi ganoon kalakas ang tama. Ayaw niyang umuwi ng lasing.  May mga waiter na lumilibot ng iba’t ibang alak kaya imbis na umorder din ang kaniyang kaibigan at umupo na lamang sa may stool sa bar counter ay nakihalo ito sa mga taong sumasayaw na ikinailing niya.

ILANG SANDALI pa’y napaparami na rin siya nang naiinom. Hindi niya alam kung kailan at saan dumaan ang lalaking nasa harap niya. Hindi pa naman siya ganoong natatamaan kaya malinaw niya pang nakikita ang mukha ng binata. Sigurado siyang hindi ito gagawa nang matino kaya alam niya na kaagad ang gagawin sakali mang yayain siya nitong sumayaw.

“I’ve been watching you for almost an hour. You alone? Let’s dance, you want?”

“Thank you but I don’t want to. I drank a lot, baka mahilo ako.”

“Come on! We won’t take this long. I just want to have dance to a pretty girl like you. I saw you alone and looking at them. ” Tinuro ng binata ang mga sumasayaw sa gitna. “Naisip ko lang na baka gusto mong sumayaw.”

Humawak ang binata sa balikat ni Sheena at sensuwal na hinimas iyon.

“Ano ba! Sabing ayaw ko ’di ba! Alin ba ang mahirap intindihin do’n!? Ang dami namang babae riyan na puwede mong yayain!” napatayong sigaw ni Sheena dahil sa ginawa ng hindi kilalang binata, dahilan para maagaw ang atensyon ng mga taong malapit sa kanila.

“Pakipot pa kasi. Akala mo naman isang Maria Clara.” Ngumisi ang binata saka pahablot na hinawakan ang kaniyang kamay.

“Ano ba! Let me go!” sigaw pa rin ni Sheena saka nagpupumiglas.

“Bitawan mo ang kaibigan ko! You jerk—ahhh!” Napasalampak sa sahig si Yna matapos na ibalibag ito ng binata nang pilit niyang tinatanggal ang pagkakahawak nito sa kamay ni Sheena na sa sobrang higpit ay paniguradong mamumula iyon.

“Huwag kang makialam dito!” singhal ng binata kay Yna.

“Yna! Damn you, asshole! Let me go! Ayaw ko ngang makipagsayaw sa iyo.” Patuloy pa rin sa pagpupumiglas ngunit hindi pa rin bumibitaw ang binata, lalo lamang nitong hinihigpitan ang pagkakahawak sa kaniyang kamay.

“Let her go, bastard!” Isang baritong boses ang nagpalingon sa mga taong naroon sa direksyon ng kung sino mang ekstrangherong iyon. Pamilyar kay Sheena ang boses nang nagsalita. Walang iba kung hindi ang lalaking dahilan kung bakit siya hindi makatulog kung kaya naparito siya bar. “Are you that stupid to not understand what she said!?” nanunuyaw na dagdag pa ng binata na nagsisimula nang maglakad kaya ang mga taong nakaharang sa daraanan ng ekstranghero ay nagsipagtabi para makaraan ito.

“Sino ka naman sa inaakala mo!?” padaskol na tanong ng binatang may hawak kay Sheena. Ngumisi pa ito.

“Don’t ask who I am. You might die if you knew who the hell I am.” He retorted, mocking.

“Kung ako sa iyo, huwag kang makialam. Mind your own business, asshole!”

“If there’s no woman involved, I won't fucking stop you. You’re just a trash, you’re not worth it for my time. Kaso babae ang ginugulo mo, sa bar na pag-aari KO pa.”

“I don’t care if you owned this place. I will do everything I wanted to.”

“Okay. If that’s what you want.” Tumalikod na lamang ang binata ngunit hindi pa ito naglakad.

Dahil sa ginawa niya ay napangisi ang lalaking may hawak kay Sheena saka dahan-dahan na inilapit ang mukha sa pumupumiglas na dalaga.

Bago pa man magawa nito ang balak na gawin ay lumapat na ang kamao ng lalaking may-ari ng bar. Tumama ang katawan ng binata sa may bar counter. Tatayo na sana ito para gumanti ngunit nahawakan na ito ng dalawang bouncer.

“I’m Thaddeus Vinzon. Don’t you ever fucking forget my name and my face because this name and face is the one who will bring you in hell. And burn you and your unworthy body there.” Thaddeus smirked and turned his gaze to Sheena.

Kaagad niyang hinawakan ang kamay ng dalaga at hinila iyon palabas ng kaniyang bar.

“Does your father knew that you were here. Did you even ask for his permission?”

“No. Ano bang pakialam mo?”

“God, woman! Paano kung wala ako roon!?”

“There’s a lot of people naman doon,” giit ng dalaga.

“Iyon na nga eh, ang daming tao roon pero ni isa man lang walang lumapit para tulungan ka. Pinagsasawa lang nila ang kanilang mga mata na tingnan ka habang sinisigaw-sigawan at pinip’wersa ng gagong lalaking iyon.”

Sheena realized that Thaddeus was right. Kung may tutulong sa kaniya sana hindi na nadamay pa ang kaibigan niya.

“Babalikan ko si Yna sa loob. She's hurt,” aniya nang mapansin na hindi pa nila kasama ang kaniyang kaibigan.

“I will accompany you. Baka balikan ka nong basurang iyon.” Hindi na lamang nagsalita si Sheena. Naglakad na lamang siya pabalik sa loob ng bar. Si Thaddeus ay nakasunod lamang sa kaniya.

Pagkapasok niya ay kaagad niya namang nakita si Yna na hinihimas ang puwetan.

“Bestie, are you okay?” She asked, worryingly.

“I’m fine. Ikaw?”

“Ayos lang din. Uwi na tayo.” Tumango na lamang si Yna.

“Sa akin na sasakay si Sheena. If it’s okay with her.”

“Kay—”

“Sure.” Pamumutol ng kaibigan niya sa kaniya. Pinandilatan niya ito ng mata ngunit ngumisi lamang ito.

With that, Yna went to her car and hopped in. She starts the engine and maneuvered it.

Pinagbuksan ng binata ng pinto ng kotse si Sheena sa unahan ng driver’s seat. Ayaw man ng dalaga na sumakay sa kotse ni Thaddeus, ngunit wala siyang magagawa. Alangan namang magpaiwan siya.

Nang makapasok ang dalaga ay pumasok na rin si Thaddeus sa driver’s seat at kaagad na binuhay ang sasakyan.

Si Thaddeus pala ang may-ari ng itim na Lamborghini Terzo Millinio na kanina lang ay nakakuha ng kaniyang atensyon na ngayon ay sinasakyan niya.

Sa biyahe ay tahimik lamang sila. Animo’y mag-isa lamang sila.

“Thank you.” Pambabasag ni Sheena sa katahimikan.

Hindi nagsalita si Thaddeus ngunit nang tumingin siya sa rear mirror ay nakita niyang bahagyang ngumiti ang binata.

Problema ng gurang na ito?

Her Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon