CHAPTER 27

4.6K 75 0
                                    

NANG MAKARATING sila sa mall ay kaagad na ginarahe ni Thaddeus ang kotse sa parking area saka bumaba sila.


Tiningala ni Thaddeus ang gusali. Malaki at mataas iyon. Nasa pitong palapag ito. Ipinalibot niya ang kaniyang paningin sa buong palagid saka tumango-tango.


“Pasok na tayo,” ani Sheena saka kumapit sa braso ni Thaddeus. Tumango lamang ito saka serysong nagpapatangay sa kasintahan.


Inilagay ni Thaddeus ang isang kamay niya sa kaniyang bulsa.


“Hoy, Sheena!” Napatingin silang dalawa sa tumawag  sa dalaga.


Si Thomasz iyon na papababa na sa escalator. May hawak-hawak itong mga shopping bag sa kaliwang kamay nito habang sa kanan naman, sa braso nito, nakalingkis ang mamula-mulang babae na nakasuot ng pulang dress. May nakalagay na sunglass sa ulo nito. Maaliwalas ang mukha.


Biglang naningkit ang mata ni Thaddeus dahil sa pamilyar na mukha ng lalaki. Sa pagkakaalala niya, ito ang kumausap kay Sheena sa kaniyang bar.


“Hi!” bati ng babae na kasama ni Thomasz nang makalapit na ito sa kanila. Ngumiti na lamang si Sheena sa babae. “I’m Alessandra Camoan. Ikaw?” dagdag pa nito.


“I’m Sheena Hontiveros. Nice meeting you, Alessandra.”


“Wait! Kaano-ano mo si Roi Hontiveros? Is he your brother?” anito saka ngumiti.


“He’s my father,” mabilis na aniya.


“Oh my God! Hindi halata. Parang nasa 20 pa lang siya kung titignan. Matanda na pala. I guess marami pa ring nagkakagusto sa kaniya.” Kumunot ang noo ni Sheena dahil nagtataka siya kung bakit kilala nito ang kaniyang ama. “Your father is popular for his toy industry and for being one of the people who became billionaire for a young age. Nakikita ko ang malaking question mark sa noo mo, dzai.”


“Ang daldal talaga eh,” rinig ni Sheena na bulong ni Thomasz.


Naramdaman ni Sheena ang paghigpit ng hawak ni Thaddeus sa magkasaklop na nilang kamay na hindi alam ng dalaga kung paano naging magkasaklop ang mga kamay nila gayong kanika lang ay nakalingkis siya sa braso nito.


“Epal ka talaga kahit kailan!” Mabilis na pinalo ni Alessandra ang balikat ni Thomasz.


“Nice meeting you again, Sheena,” ani Thomasz saka binalingan si Alessandra. “This noisy girl is my fiancee. We’ll getting married soon. And I’m inviting you,” dagdag pa ng binata na hindi pa rin nawawala ang tingin sa fiancee nito. Ganoon siya tignan ni Thaddeus. Punong-puno ng pagmamahal.


“Hi, I’m Thaddeus. Sheena’s boyfriend. Nice meeting the both of you,” ani Thaddeus saka nakipag-shake hand kay Thomasz. Niluwagan na rin nito ang hawak kay Sheena.


“Ang guwapo mo naman, Thaddeus. Ganiyan ang pinapangarap ko na maging ama ng mga anak ko.” Humahagikhik si Alessandra saka binalingan si Sheena at itinaas-baba ang kilay.


“Hey! Guwapo naman ako, Hon!” Protesta ni Thomasz saka inilapit ang mukha sa fiancee na ikinatawa lamang nito.


Sheena just chuckled. “Ang cute niyo. Bagay na bagay kayo,” masayang turan niya sa mga ito.


“Ako lang ang cute. Pangit ’yang baliw na fiance ko. Hindi ko nga alam kung bakit ko ’yan nagustuhan.” Pagbibiro ni Alessandra na lalong ikinasama naman ng tingin ni Thomasz dito.


“Kuwento ng babaeng bigla na lang akong hinarang sa entrance ng bar tapos biglang nang halik, tatlong taon na ang nakalilipas.” Ngumisi si Thomasz kay Alessandra na ikinapula ng mukha nito.


Her Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon