CHAPTER 22

6.3K 110 28
                                    

“A-ANONG ginagawa mo rito,” ani Sheena na napatayo na.


Nagugulat pa rin siya sa biglaang pagsalita ni Thaddeus. Napapagitnaan ito ng kanina lang ay magkatabi na dalawang bartender na abala sa paghahalo ng mga inumin.


“This is my bar. Am I not allowed to go here?” Thaddeus chuckled.


Sheena on the other hand was busy playing her nails. She was nervous. Who wouldn’t be? Nakita niya lang naman ang lalaking akala niya ay abala sa kompanya nito tapos ngayon nasa harapan niya at pangisi-ngisi pa.


“I thought you’re busy, then suddenly, you’re here,” she mocked. She bowed her head while still playing her nails.  Her heart beating triumphantly.


“Who told you that I’m busy.” He chuckled. “Let’s leave this place, sweetie. Gusto kitang masolo.”


“Saan naman tayo pupunta, mister? Saka hindi ko naman puwedeng iwan si Yna rito,” ani Sheena na paunti-unti nang nawawala ang kabang kaniyang nararamdaman.


“Malaki na siya, kaya niya na ang kaniyang sarili.” He retorted. “Come on, hon, come with me. We will be going to the place na tayong dalawa lang ang makakaalam. Lugar na tayong dalawa lang ang laman.” He added.


“Okay. Pero mabilis lang ah. Baka tumawag si Daddy kay Yna at hanapin ako,” sabi na lamang ni Sheena, “Dadalhin ko ang kotse ko.”


“Sasakay na lang ako sa ’yo. Iwan ko na lang rito ang aking kotse. You will be my driver today.” Sang-ayon naman ng binata na ikinangiti ni Sheena.


“I like that! Let’s go,” excited na turan ni Sheena na ikinatawa ni Thaddeus.


Nagpatiunang naglakad si Sheena na sinundan na lamang nang nakangiti pa ring si Thaddeus.


Lahat ay nakita ni Thaddeus. Ang pagsayaw ni Sheena at ni Thomasz. Pati na rin ang paghingi ng binata sa number ng dalaga pero wala siyang naramdaman na selos at kung ano pa man. Sapat na iyong sinabi ng dalaga na may boyfriend na ito. Wala mang pangalan na sinabi, pero alam niyang siya ang tinutukoy nito.


Wala namang dapat na ikaselos doon. At saka hindi rin siya iyong lalaki na agad-agad na nagseselos. He’s old enough to act immature.


Sumakay na sila sa kotse na kaagad namang binuhay ni Sheena.


“Saan ba tayo pupunta?” biglang tanong ng dalaga kay Thaddeus na kanina pa siyang tinitingnan na kung nakakatunaw lang ay kanina pa siya tunaw sa paraan nang pagtitig nito sa kaniya.


“Just drive, babe. Sasabihin ko na lang ang daan.” Hindi pa rin nawawala ang ngiti sa labi ng binata.


“Kanina ka pa paiba-ibang tawag sa akin. Siguro ang dami mong babae!” naiinis na usal ni Sheena.


“Wala akong ibang babae. Ikaw lang at sa iyo lang ako. Gusto ko lang tawagin ka sa iba’t ibang endearment.” He chuckled.


“Nyenye!”


Nagpatuloy na lamang si Sheena sa pag-d-drive. Sinusunod ang direksyon na sinasabi ni Thaddeus. Hanggang sa makarating sila sa daan patungo sa mansion nila Thaddeus na walang kaalam-alam ang dalaga.


Maya-maya lang ay nakarating na sila sa teritoryo nila Thaddeus. Napapahanga si Sheena sa postura ng sanga ng mga puno na nadaraanan nila na nagmumukhang parang dumaraan sila sa Royale Palace. Nagagandahan pa siya sa mga dahon na nagsisipaglaglagan kapag daraan na ang kotse niya na para bang may sumasadyang ilaglag ang mga naggagandahang mga dahon na iyon.


Her Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon