CHAPTER 6

10.1K 176 5
                                    

UNCOMFORTABLE. That was what Sheena’s felt.

Hindi siya komportable gayong ang lalaking kasama niya ay walang iba kung hindi ang gumugulo sa isip niya. Kung bakit ba naman kasi hinayaan siya nang lukarit niyang kaibigan na sumakay sa sasakyan ng binata. Kung alam niyang mauuwi siya sa pagsama sa lalaki, edi sana tinanggihan niya na lamang si Yna na sumama sa bar.

It’s already twelve midnight. Sigurado siyang gising sa ganitong oras ang Yaya niya.

“Can I stay in your place this night? Ayaw kong umuwi ngayon sa bahay. Gigisahin lamang ako ni Yaya kapag nakita niya ako,” pakiusap niya kay Thaddeus na tahimik lamang na nagmamaneho.

“No. Iuuwi kita sa bahay niyo. Takot ka palang magisa pero lumayas ka kahit gabing gabi na.” Wala kay Sheena ang atensyon ng binata.

“No. Please.” Sheena touches Thaddeus’ shoulder, pleading.

Pasekretong tiningnan ng binata sa kaniyang peripheral vision ang kamay ng dalaga na nasa kaniyang balikat.

He didn’t know why he suddenly felt an unfamiliar reaction and feeling towards it but he just hid it from himself.

“Iuuwi kita sa inyo and that’s final.” Nasa tono ng binata ang pinalidad.

“Please! Ayaw ko umuwi nang nakainom,” ani pa rin ng dalaga. Sinadya niyang tumingin sa rear mirror dahil kita niya tumitingin doon si Thaddeus. Doon siya nagpaawa.

She pouted and bit her lips intentionally. She knew that it was a man downfall.

On the back of her head, she was smiling when she saw Thaddeus’ reaction changed. She saw how he gritted his teeth and the way he held the staring wheel, it was tight, controlling to lost his sanity. As a response for the satisfaction she felt, Sheena smirks when she heard how deep Thaddeus’s sigh was while clenching his jaw.

“Okay. Fine. Just stop pouting and biting your lips,” he said, “Baka hindi ako makapagtimpi’t mahalikan kita,” bulong ng binata.

“Thank you!”

May epekto rin pala sa gurang na ito ang pagpapaawa effect ko. Sa isip ng dalaga ay nakangisi siya.






HINDI MAINTINDIHAN ni Thaddeus kung bakit ganoon na lamang siya kadaling nadala sa ginawa ng dalaga. Ilang beses na may gumawa noon sa kaniya ngunit kay Sheena lamang siya naapektuhan.

Gusto niyang sitahin ang kaniyang sarili ngunit hindi niya magawa dahil baka ano pang sabihin sa kaniya ng kasama. Pinagpatuloy niya na lamang ang pagmamaneho. Hindi na siya tumitingin pa sa rear mirror. Mahirap na, baka mawala na talaga siya sa kaniyang huwesiyo.

Buti na lang talaga ay hindi siya uminom. Tumambay lamang siya sa kaniyang bagong bukas na bar.

He was running an oil company but he decided to build a new business. Nang sa gayon ay hindi lamang isa ang pagkakakitaan niya.

Balak niya na i-ban ang lalaking nanigaw at pumwersa kay Sheena. Hindi niya gusto ang ganoong ugali ng lalaki. Oo nga’t hindi niya gusto na magpapasok ng babae sa buhay niya, ngunit hindi niya kaya ang makitang inaabuso ng kapuwa niya lalaki ang mga kababaihan.

He knew how to treat girl. Her mother is a girl. He respected girls the way he respected his mother when she was still alive. Kaya ganoon na lamang siya kung magalit sa tuwing may nakikita siyang babae na sinasaktan ng lalaki.

Kahit na nobya o asawa pa nila ay wala pa rin silang karapatan na saktan ang babae. Hindi na sana ginulo pa at pinasok ang mundo nito kung sasaktan man lang, pisikal o kahit emosyonal pa man.






ILANG SANDALI pa ay nakarating na sila sa bahay ni Thaddeus. Itinigil muna ng binata ang kaniyang kotse saka bumaba para buksan ang gate. Nang matapos ay bumalik siya sa sasakyan at pinaandar itong muli papasok sa may garahe.

Hindi mapigilan ni Sheena ang malaglag ang panga pagkatapos na makita ang dalawa pang kotse na nakagarahe roon. Ang isa ay kulay blue na BMW i7 at saka kulay berde na Porsche 911. Sobrang yaman nga talaga ng binata.

Pinasadahan ni Sheena ang kabuuhan ng bahay ni Thaddeus na isang two-storey house. Kahit ang disenyo nito ay siguradong mga mamahalin ang ginamit. Pati sa paraan ng pagkakatayo nito ay siguradong mahal ang binayad sa trumabaho nito. Nakaplano rin nang maayos ang buong bahay kaya maganda ang kinalabasan.

Mayroon ding terrace na swak sa pagpapahangin kung ayaw sa aircon.

“Let’s get inside. It’s already cold here,” Thaddeus said. Sheena nodded and follow him when he starts walking.

Pagkapasok nila sa loob ay kaagad na bumungad kay Sheena ang napakalinis na sala. May tatlong couch doon. Ang isa ay mahaba na puwedeng higaan at ang dalawa ay pang-isahang tao lamang at kaya lang ay umupo. May lamesa roon na ang paa ay gawa sa bakal at fiber glass naman ang ibabaw. Nakapatong ang isang vase na may tanim na maliit lamang na halaman na may magagandang bulaklak.

Hindi nakaligtas sa paningin ng dalaga ang istante na napapatungan ng flatscreen tv na kasinglaki ng isang refrigerator at sigurado siyang nasa labing-apat na pulgada ang haba niyon.

Sa paglilibot ng kaniyang mata ay nahagip nang paningin niya ang mini bar na may iba’t ibang uri nang mamahaling alak.

Hindi tulad sa mansion-like na bahay nila na may pintuan bawat lugar, mula sa sala hanggang dining room at kusina. Ang ibabang bahagi ng bahay ni Thaddeus ay walang kahit anong dibisyon kaya nagmumukha itong open place. Nakikita niya na ang kusina at ang dining room. Pero kahit ganoon ang ayos ng mga iyon ay maganda pa ring tignan. Siguro ganoon lang talaga ang estilo ng bahay na gusto ng binata.

Sa kalilibot ng ulo ni Sheena ay nakaramdam siya nang pagkahilo. Nakalimutan niyang makainom siya sa sobrang paghanga sa bahay ni Thaddeus. Naramdaman niya na ang tama ng alak sa sistema niya. Buti na lamang ay naroon sa likod ang binata na abala rin sa pagtitig sa kaniya kaya bago pa man matumba ang dalaga ay nahawakan na siya nito.

“You’re too overwhelmed. It’s nothing compared to our mansion. Let’s go upstairs, there’s a guestroom there. Buti na lang talaga ay pinalagyan ko ng isang guestroom.” Tumango na lamang si Sheena rito. Hindi na nagprotesta pa ang dalaga nang alalayan siya ng binata paakyat sa kuwarto.

Tatlo lamang ang kuwarto sa taas. Isang guestroom, master’s bedroom at ang office ng binata kung saan naroon ang mga mahahalagang dokumento at working place niya.

Hanggang sa pagpasok sa guestroom ay tinulungan ni Thaddeus ang dalaga hanggang sa makahiga ito.

“Thank you,” mahinang usal ni Sheena. Suminok ito na ikinangiti na lang ni Thaddeus.

“By 4 o’clock in the morning, I will wake you up. Ihahatid kita sa bahay niyo. Don’t worry about your dad, ako na ang bahalang makiusap roon sakali mang gising na siya paghatid sa iyo.” Sinserong ngumiti ang binata kay Sheena na kaagad ding napawi nang makitang nakapikit na ang dalaga.

Talagang tinamaan na ito ng alak dahil kaagad itong nakatulog. Idagdag pa ang hilong nararamdaman nito.

Bago lumabas si Thaddeus ay pinasadahan niya muna nang tingin ang mukha ng dalaga.

Sheena was beautiful. Her heart-shaped angelic face,  hazelnut eyes, and her long and natural wavy hair on its tip just added to her charismatic appearance.

Sa katitig niya sa dalaga, biglang nagharumintado ang puso niya na wari ba ay gusto nitong lumabas sa ribcage niya.

What the hell was happening to me!? Biglang asik niya sa kaniyang sarili at inialis ang tingin sa mukha ng dalaga saka kaagad na lumabas sa guestroom.

Her Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon