CHAPTER 17

7.4K 103 3
                                    

HANGGANG NGAYON ay nakakunot pa rin ang noo ni Sheena dahil sa pag-alis nang biglaan ng binata kanina. Ni hindi man lang nito sinabi sa kaniya.


Nakatapis na siya nang kulay puting tuwalya. Kahit sa gamit pampaligo ay organisadong-organisado ang mga ‘yon. Mas lalo tuloy sa kaniyang napamukha na isa siyang pabaya. Buti naman at nawala na ang sakit sa gitna niya.


Nasa tapat na siya ng pader. Hinawakan niya muna iyon. Maya-maya lang ay dahan-dahan niya na ‘yong itinulak paloob na ikinamangha niya. Akala niya deretso iyong bubukas papasok pero ilang segundo niya lang iyong itinulak tapos nagbukas na para isang pinto. Bigla ring nagliwanag sa loob niyon kaya tuluyan na siyang pumasok.


Naroon nga ang mga sinabi ni Thaddeus sa kaniya. Alam naman niya kung saan kukunin ang mga isusuot kaya madali na siyang lumapit isa-isa. Nang matapos ay ipinalibot niya ang kaniyang mga mata. Hindi nakaligtas sa mata niya ang iba’t ibang uri ng sapatos. Nakalagay ang mga iyon sa kani-kanilang uri. Naroon ang iba’t ibang brand ng black shoes, sneakers at iba pa. Halos lahat ng ‘yon ay naghuhumiyaw nang kamahalan, ka-elegantihan, at halatang bagong-bago pa.


Napansin niya rin ang nga mannequin na nakasuot ng mga kasuotan na katulad sa mga nakikita niya sa mga pelikula sa ibang bansa. Walang duda, mayaman ngang tunay ang binata.


Nang makuntento ay naisipan niya nang lumabas sa silid. Lalo pa siyang namangha nang saktong paglabas niya ay awtomatikong sumara iyon. Hindi talaga siya makapaniwala na may kuwarto roon dahil hindi pansin ang bahaging iyon ng pader na kapag itinulak ay may kuwarto pa. Para tuloy siyang nasa loob ng libro na mga nababasa niya.


Napakunot ng kaniyang noo si Sheena nang marinig niya ang lagaslas na nagmumula sa shower room. Sigurado naman siyang napatay niya iyon bago siya lumabas.  Dahil sa kyuryusidad ay pumasok siya roon. Doon mula sa labas ng shower nakita niya ang nakatalikod na si Thaddeus na mabilis na pumasok sa kuwarto at dumako sa shower room matapos ang makamundong aktibidad nito.


Doon na sana ito maliligo sa lugar kung saan narating niya ang langit gamit ang kaniyang palad ngunit wala siyang masusuot na dala kaya sa kuwarto niya na lamang siya pumasok at maligo para mawala ang kalagkitan sa katawan dahil sa pawis at orgasmo.


Bumaba ang mga mata ni Sheena sa likuran ng binata na kapansin-pansin ang v-line. Nadako rin ang kaniyang mga mata sa ibaba pa nito kung saan kitang-kita ang matambok na puwet nito. Mas matambok pa sa puwet niya. Natulala siya roon. Pero nang gumalaw ang binata na animong paharap ay mabilis pa sa alas kuwatrong lumabas siya sa silid. Nang makarating siya sa kuwarto ng binata ay napa-sign of the cross siya at nagbigkas ng dasal. Pagkatapos ay nagbihis na siya. Ang kaninang nakatapis na tuwalya sa katawan niya ay ipinulupot niya sa kaniyang ulo.


Umupo siya pagkatapos niyang makapagbihis. Nakatingin siya sa pintuan ng shower room. Nagmumukha tuloy siyang naghihintay roon. Maya-maya lang ay bumungad sa paningin niya ang  nakatapis na binata. Ginugulo nito ang buhok na lalo lamang nitong ikinakisig. Mas lalo itong naging atraktibo sa mata niya.


Ang tubig na mabagal na dumadaloy mula sa dibdib nito pababa sa pusod ng binata ay nagdudulot nang kakaibang pakiramdam sa kaniya. Para bang nag-slow motion ang lahat sa paningin niya at ang binata ay kumikinang sa kaniyang mga mata. Lalo siyang nakikisigan dito.


Napabalik lang sa reyalidad ang dalaga nang tumikhim ang binata. Dahil roon ay napayuko siya para itago ang namumula niyang mukha dahil sa pagkapahiya. Talagang nakakahiya ang pinaggagagawa niya. Sobrang nakakahiya!


“I thought nasa labas ka?” patanong na aniya sa mahinang paraan. Nahihiya pa rin talaga siya.


“Ang init kaya naisipan ko nang maligo. I badly need a cold shower,” makahulugang turan ng binata na ikinatango niya na lamang, “magbibihis lang ako and then pupunta na tayo sa dining area. Alas dose na pala. We haven’t eaten yet. Just wait me here.” Tumango na lamang siya muli saka pumunta na sa pader at bahagyang itinulak ang kaunting bahagi saka iyon bumukas.


Her Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon