CHAPTER 34

3.9K 74 5
                                    

UMIIYAK na dumating si Sheena sa kanilang bahay. Bago pa man siya tuluyang makapasok sa kaniyang kuwarto ay nakita na siya ng kaniyang Mama Minda, kasama nito ang daddy niya.



"Why are you crying, Princess?" usal kaagad ng kaniyang ama. Nakakunot ang noo nito at saka may mukha nang pag-aalala.



Imbis na tumuloy sa pag-akyat ng kaniyang kuwarto, bumaling si Sheena sa kaniyang ama at saka ito niyakap at umiyak sa dibdib nito.



"D-Daddy, I saw him with tita Margarette. They're having an affair. Nadatnan ko sila sa kuwarto ni gurang, magkapatong. D-Daddy, masakit. Ang sakit-sakit." Nagpatuloy sa pagtangis ang dalaga. Walang pakialam kahit nababasa na ng kaniyang luha ang damit ng kaniyang ama.



"Shhh... Stop crying, Princess. Baka mapasama si baby," ani kaniyang ama saka hinimas-himas ang likuran niya.



"Sa kuwarto ko na lamang po ako, Dad." Tanging nasambit niya na lamang saka kumawala sa yakapan nilang mag-ama.



"I will talk to Vinzon. He must have a valid reason for doing this to you," ani pa rin ng kaniyang ina.



Roi was really sure that Thaddeus has a reason for hurting Sheena. Sigurado rin siya na may kinalaman si Margarette sa kung ano man ang nagaganap ngayon.



Nang makaalis si Sheena, sinundan ito ni Minda. Ilang sandali pa'y kaagad namang may narinig na ugong ng kotse si Roi. Alam niyang si Thaddeus na iyon.
















NANG MATAPOS sa pagliligo'y kaagad na nagbihis na si Thaddeus. Hindi niya na pinansin pa ang kaniyang suot. Ang mahalaga sa kaniya ay ang makaalis na nang sa gayon ay mapuntahan niya na si Sheena. Hindi niya palilipasin ang araw na ito nang hindi sila nagkakaayos.



Nagmensahe naman na siya sa kaniyang sekretarya na ipadala ang kaniyang kotse sa bahay niya. Sigurado siyang nasa labas na ito dahil mayroon na siyang narinig na ugong ng sasakyan mula sa labas ng gate ng bahay niya. Doon niya iyon pinalagay dahil aalis din naman siya.



Kaagad na siyang bumaba sa kaniyang kuwarto at nagmadaling lumabas sa bahay niya at ini-lock ito. Hindi na siya nagdalawang isip pa na lumabas ng gate. Doon nakita niya ang kaniyang kotse. Buti na lang talaga hindi niya tinatanggal ang susi ng kotse niya sa loob nito. Inaalis niya sa pagkakasusi pero hindi niya inilalagay sa kaniyang bulsa. Nasa loob lang ito lagi ng kotse niya.



Binuksan niya na ang pinto ng driver's seat saka pumasok na roon. Kaagad niya na itong sinusian at binuhay. Walang pag-aatubiling pinaandar niya ito. Mabilis pero naroon ang pag-iingat. Gusto niya lang talagang makarating na sa bahay nila Sheena.















ILANG MINUTO lang ay nakarating na siya roon. Kaagad na pinatay niya ang makina ng kaniyang kotse saka lumabas na rito. Kaaga niyang nakita si Roi na madilim ang mukhang nakatingin sa kaniya. Sigurado siyang nasabi na rito ni Sheena ang naabutan nitong nagaganap sa bahay niya.



Hindi siya kinakabahan. Wala namang dapat siyang ikakaba. Alam niya naman sa kaniyang sarili na wala siyang ginawang masama. Kung ano man ang naabutan ni Sheena sa bahay niya, hindi niya iyon ginusto. Paralisado ang kaniyang katawan kaya walang siyang nagawa para pigilan ang ginagawa ni Margarette sa katawan niya.



"May gana ka pang magpakita sa akin after what you did to my daughter. Saan mo kinukuha ang kakapalan ng iyong mukha, Vinzon?" singhal kaagad ni Roi kay Thaddeus, "From not interested to any woman turns into a cheater one. Hindi ko lubos akalain na kaya mong tumuhog ng dalawang babae." Roi was mocking him.



Her Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon