CHAPTER 21

6.3K 123 10
                                    

IT’S BEEN two weeks since the confession of Thaddeus about what happened between them. Dalawang linggo na rin ang nakalilipas nang akyatin ng binata ang puno papunta sa balkonahe ng kuwarto ni Sheena para malinaw na ipagtapat dito ang kaniyang nararamdaman na nauwi sa isang mainit at makamundong aktibidad.


Dalawang linggo na ang nakalilipas pero malinaw pa rin sa isipan ng dalaga ang pag-amin ni Thaddeus at ang masusuyong haplos nito sa kaniya. Malinaw pa rin sa isip niya ang bawat katagang binitawan ng binata noong nagniniig sila. At tinotoo nga nito ang sinabi. Araw-araw siya nitong nililigawan. Binibigyan ng mga bulaklak at marami pang iba.


Dalawang linggo na rin siyang hindi kinakausap nang matino ng kaniyang ama. Isang beses pa lamang siya nitong kinausap. Iyon ay nang ipaalam nito na magsisimula na siya sa training niya as a business woman. Dahil siya ang hahawak lahat ng business nila. Hindi naman siya tumanggi dahil alam niya na iyon dati pa, kaya kahit ayaw niya sa kurso niya noong college ay iyon ang kinuha niya. Though, hindi siya pinilit ng ama na kunin ang  kursong iyon ay iyon pa rin ang pinili. Isa na doon ang dahilan na hindi niya pa rin alam kung ano ba ang gusto niya, up until now. Kaya inisip niya na lang na para talaga siya sa business world.


She already expecting that she’ll handle half of their businesses once her training was done. That’s why she’s planning to enjoy her life now. Dahil hindi niya na iyon magagawa pa kapag nagsimula na siyang gawin ang trabaho as a business woman.


Sheena just finished fixing her self. She was wearing a red peplum dress paired up of a big ring earrings and a silver Louise Vuitton purse. As she watched herself in the whole body mirror she smiled. After that, she stormed out of her room.


Kaagad siyang bumaba sa hagdan habang inaayos ang kaniyang suot.


“Where are you going?” Napapitlag si Sheena nang marinig ang boses ng kaniyang ama. Kaagad din siyang nilukuban ng takot.


“At the party, dad. Yna invited me to come over at her friend’s birthday,” she answered honestly.


“Umuwi ka before ten o'clock.” With that, her father left her and went upstairs.


Napansin niya ang kaniyang mama Minda pero nginitaan lamang siya nito at hindi na lumapit pa. Nginitian niya lang din ito at lumabas siya sa kanilang bahay. Pagkalabas ay kaagad siyang dumako sa kanilang garahe at sumakay sa kaniyang kotse. Binuhay niya iyon at kaagad na pinasibad palabas sa  garahe. Kaagad ding binuksan ng guard ang pinto. Tapos na ang day off ng mga kawani nila sa bahay kaya naroroon na itong muli para gawin ang kanilang trabaho.


Nang makalabas na mula sa gate ay kaagad nang pinaandar ni Sheena ang kaniyang kotse palayo sa bahay nila.








NASA PARKING area pa lang si Sheena ay rinig na rinig niya na ang malakas na tunog na nagmumula sa bar kung saan ginaganap ang party ng kaibigan ni Yna. Hindi alam ng dalaga kung bababa ba siya o aalis na lang gayong ang bar na iyon ay pag-aari ni Thaddeus kung saan minsan na siyang nabastos.


Sigurado naman siya na wala sa loob ang binata dahil abala ito sa kompanya nito, lalo na sa pagawaan ng langis na pag-aari ni Thaddeus.


Alangan pa rin siya pero naroon na siya. Sabi niya nga ay susulitin niya na ang mga araw na natitira bago niya pasukin ang magulo at nakakaubos ng lakas na mundo ng mga negosyante. Kaagad niya nang pinatay ang kotse saka inilagay ang susi nito sa kaniyang purse. Saka bumaba na siya sa kaniyang kotse. Nagsimula na siyang maglakad papasok sa bar hawak ang kaniyang purse at ang invitation card na binigay sa kaniya ni Yna. Dahil nirentahan ng kaibigan nito ang bar ay walang ibang makakapasok na outsider, kung hindi ang mga imbitado lamang. Fierce look, chin up, and walking as a model. She’s confidently walking papunta sa bukana ng bar.


Her Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon