CHAPTER 23

5.9K 99 5
                                    

AKALA TALAGA ni Sheena ay mangyayari na ulit sa kanila ni Thaddeus dahil ramdam na ramdam niya iyon. Pero nadismaya siya nang iwan siya ng binata sa loob ng music room.


Hindi naman siya marunong tumugtog ng kahit anong uri ng musical instruments kaya umupo na lamang siya sa kaninang inupuan ni Thaddeus habang tumugtog ito ng piano.


Maya-maya lang ay narinig niya na ang langitngit nang pagbukas ng pinto ng music room. Binalingan niya iyon at doon tumambad sa kaniya ang binata na kanina lang ay iniwan siya. Bagong ligo ito. Nakasuot nang plain navy blue polo na hapit sa katawan nito kaya bakat na bakat ang kagandahan ng katawan nito. Natatakam siya sa kalamnan nito na niyayakap ng sleeve ng suot nitong polo. Ang pambaba nito ay isang maong na khaki short at nakaputing converse shoes.


Simple lang ang suot nito pero litaw na litaw pa rin ang karismang taglay nito. Kahit nga sako ata babagay pa rin dito.


“Sorry for leaving you. Pinigilan ko lang ang sarili ko na angkinin ka ulit,” sinserong usal ng binata.


Wala sa sariling napangiti si Sheena. Renerespeto siya nang binata. Kahit init na init na ito dahil sa pagnanasa ay pinigilan pa rin nito ang kaniyang sarili.


“Magpapa-angkin naman ako sa iyo kahit countless pa. Pero thank you. You’re a gentleman.” Tumayo si Sheena at lumapit sa binata.


Ngumiti si Thaddeus at mabilis na ikunulong sa kaniyang bisig ang dalaga saka hinalikan ang tuktok ng ulo nito. A romantic stunt that Sheena was dreaming of.


“I love you, Sheena. I really do. Hindi pa naman matagal simula nang magkita at magkakilala tayo, minahal ka na agad ng puso ko. At handa kong ipaangkin sa iyo ang puso ko hanggang sa ako’y magkanda-ugod ugod na. Mamahalin kita at hindi ko iyon pagsasawaan,” ani binata saka muling hinalikan ang tuktok ng ulo ng dalaga at mas lalong hinigpitan ang pagyakap dito na ikinangiti naman nito.


“I love you too, Thaddeus. Hindi ko pagsisihan na nagtaliwas ako sa aking kagustuhan na makipagrelasyon sa ka-edad ko lamang. Thank you for loving me.” Kumalas si Sheena sa pagkakayakap nila at inangat ang kaniyang tingin sa maaliwalas na mukha ni Thaddeus. Hanggang balikat lamang kasi siya ng binata kaya kailangan niya pang tingalain ito para masilayan ang guwapo nitong mukha na bagama’t matured na ay dumagdag pa ito sa taglay nitong karisma.


Sinalubong naman ni Thaddeus ang mga mata ng dalaga. Naging mapungay ang kanilang mga mata at buong pagmamahal na tinignan ang isa’t isa. Ang tinginan nila ay naging matagal na para bang na-lock sila sa kislap ng mga mata ng bawat isa. Ni isa man sa kanila ay walang gustong tapusin ang tinginan iyon.


Dahil bahagya pang nakayapos ang mga kamay ni Thaddeus sa bewang ni Sheena dahil sa pagyakap niya rito ay kinabig niya iyon palapit sa katawan niya. Ramdam na ramdam nila ang init ng katawan ng bawat isa bagama’t may mga suot pa sila. Ngumiti na lamang si Sheena dahil sa ginawa ng binata.


Unti-unting pumikit ang mga mata ng dalaga ng dahan-dahang inilalapit ng binata ang kaniyang mukha.


Respeto’t pagmamahal. Iyon ang mababakas sa mapupungay na mata ni Thaddeus habang tinitignan ang minamahal na nakapikit. Naghahanda sa anumang gagawin niya.


Palapit nang palapit ang mukha ng binata sa mukha ni Sheena. Sheena is being excited on what will Thaddeus gonna do.


Ilang sandali pa’y naramdaman na ni Sheena ang masuyong pagdampi ng malambot na labi ni Thaddeus sa kaniya. It was very romantic stunt. Tumagal iyon nang ilang minuto. Maya-maya pa ay ang noo naman ng dalaga ang hinalikan ni Thaddeus. Mas masuyo iyon hanggang sa pisngi nito. Mas masuyo. At sa huli, naramdaman na lang ni Sheena ang pagdampi ng labi ng binata sa kaniyang labi.


Her Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon