CHAPTER 32

3.6K 60 1
                                    

NAKAUPO sa kaniyang swivel chair si Thaddeus. Katatapos niya lamang magpirma ng mga papales na inilagay ng kaniyang sekretarya.


He was sipping his coffee while looking at the framed picture of Sheena that he purposely put in his office to make his more inspire and motivated. He badly misses her.


Ilang linggo niya na itong hindi nakikita dahil masyado siyang abala. Gusto niya itong tawagan pero wala siyang cellphone. Na-snatch kasi iyon. Nagpabili pa lang siya sa kaniyang sekretarya.


Katatapos lang niya sa problema ng plantasyon ng kaniyang pagawaan ng langis, sumali pa ang problema sa kaniyang hotel and restaurant. Buti na lang kaagad na niya iyong natapos.


Sa katunayan ay kauuwi niya lamang galing sa Cebu. Pumunta siya roon nang tawagan siya ng katiwala niya roon na nagkakandamatay-matay raw ang kaniyang mga alagang layer na manok pati ang mga baka, kaya kaagad siyang napapunta roon para tingnan iyon.


Nagmamay-ari siya nang nasa labing-limang hektaryang lupa sa Cebu. Ginawa niya iyong farm. Mayroon siyang mga baka roon at mga mangingitlog na manok na nagiging kabuhayan ng mga tagabantay niya roon sa pamamagitan ng pagbibinta ng mga iyon. Hindi niya na kinukuha pa ang mga kita roon dahil sapat na sa kaniya ang nakukuha niya sa kaniyang plantasyon ng langis at pati na rin sa kaniyang mga hotel and restaurant.


Napilitan siyang alisin na lamang ang mga baka at manok at pinalitan na lamang nang pagtatanim ng coffee beans, saging, at pinya. Alam niyang mas darami ang kita ng mga tagabantay niya roon. Sigurado siya roon dahil mabenta ang mga tinanim nila. Matagal pa man ang hihintayin nila para maani iyon pero sigurado si Thaddeus na magiging kapaki-pakinabang iyon.


Bukas na bukas din ay pupuntahan niya si Sheena sa  bahay nila. Sobra na niya talaga itong namimiss. Gusto niya nang maramdaman ang yakap, halik, at pati na rin ang ngiti ng katipan ay kinasasabikan niya ring makita.


Inubos niya muna ang kape sa kaniyang tasa saka isinubsob ang mukha sa lamesa. Iidlip muna siya. Galing pa siya sa  Cebu. Gumawa siya nang paraan para saktong alas singko ng umaga ay makarating siya sa kaniyang kompanya para simulan ang iniwang trabaho.


Kapipikit pa lamang ng kaniyang mga mata ay kaagad na siyang ginupo ng antok at nakatulog.






















NAKATAAS ang sulok ng labi ni Margarette habang kausap ang mga kinuhang bayarang tauhan para isagawa ang plano niya kay Thaddeus. Matapos ang ilang linggong pagpaplano’y ngayon niya na iyon isasagawa. Sisiguraduhin niyang sa gagawin niyang iyon ay tuluyan nang magkakahiwalay sina Thaddeus at Sheena.


She’ll get Thaddeus by hook or by crook and it’s starting to happen.


“Siguraduhin niyong madadala niyo ang lalaking ’yan sa kaniyang bahay within 6 o’clock in the evening,” ani Margarette saka ibinigay sa nag-aaktong lider ng mga kalalakihan ang litrato ni Thaddeus.


“Makakaasa ka sa amin, Ma’am.” Ngumisi pabalik ang lider na sinabayan naman ng mga kasamahan ng mga ito.


“Makakaalis na kayo,” usal ni Margarette na ikinatango na lamang ng mga ito.


Pagkaalis ng mga kalalakihan ay lalo pang lumaki ang pagkakangisi sa labi ni Margarette. Siguradong-sigurado siyang magkakahiwalay sina Thaddeus at Sheena ngayong araw din.


Ang isipin na makukuha niya si Thaddeus ay mas lalong pang nagpangisi kay Margarette.


Lumapit siya sa hilera ng mga alak sa kaniyang bahay. Dumukot siya ng Isang bote roon saka kinuha a wine glass. Kaagad niyang binuksan iyon at nilagyan ang hawak na baso ng alak. Saka kaagad na sumimsim doon.


Her Daddy's FriendTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon