Prologue

94 3 0
                                    

September 06, 2017

It was our school week of welcome nang una kitang makita. Nung una akala ko nagandahan lang ako sayo ngunit hindi ko mawari kung bakit tila di ka na mawala sa isipan ko ni hindi ko nga alam ang pangalanan mo o kahit ang year mo.

Nagdaan ang mga araw na panay ang lingon ko sa loob ng Campus para makita ka lang ngunit nabigo akong makita ka.At ang tanging hiling ko lang noon ay masilayan ka kahit mula sa malayo lang.


Sobrang hopeless ko not until I saw you sa isang event sa school. I was in cloud nine not until I realized na sobrang hirap mo palang abutin. Since  isa ka pa lang VP internal nang SCEA o  Student Council of Engineering and Architecture.



Ganon pa man ay sobrang saya ko dahil nalaman ko ang pangalan mo.

Yu Jimin


Napakagandang pangalan, gusto kong sabihin sayo sa personal kaya lang ilang kilometro  pa lang ata ang lapit ko sayo ay sobrang kinakabahan na ako.






I know na sobrang torpe, duwag o ano pa mang pwede mong itawag sakin pero kasi alam ko naman sa sarili kong di mo ko magugustuhan since I know na straight ka pa sa buhok nang kapitbahay namin na kakarebond lang.


And yes, I'm actually a girl pero yung puso ko babae rin pala ang gusto.



It all started nang ma-attract ako sa kaklase kong babae nung grade 7. At  sa totoo lang lagi ko siyang inaasar tuwing break time tapos sobrang cute nung reaction niya.Kamukha niya kasi  si Lynn nang Chinese movie na So Close tapos mas lumala pa nung malaman kong matalino, at magaling siyang magpinta idol niya daw kasi si Vincent van Gogh. Kaya lang kung kailan ko narealize na gusto ko siya ay doon ko naman nalaman na may crush na pala siya tapos kaklase lang rin namin na may ka fling na.

Araw-araw namin siyang kinakantahan nang Kung siya man ni TJ Monterde o kaya Hasula ni DJ Young.

Sobrang tagal na pala parang kailan lang lagi akong nakaabang sa bintana para abangan ang pagpasok ni Lia, although di man talaga niya kamukha si Lynn. Ngayon ay dito naman ako nakaabang sa CEA Building  hinihiling sa librong hawak ko na sana makita ko siya ulit pero di ko na talaga siya nakita.





Hanggang sa aksidente ko siyang nakasabay sa escalator ng SM, hindi naman siya totally accident coincidence siguro? Basta ewan. Kaya lang wrong timing, nagmamadali kasi yung kaibigan kong si Ningning.Meron kasing pinadalang pera yung Mommy niya  kaya lang malapit nang magsara yung Palawan na pera padala kaya naman halos takbuhin na namin pababa yung escalator. Gusto ko man siyang tingnan nung panahong yun ay di ko na lang ginawa kasi nakakahiya na nga yung pagtatakbo namin SM tapos lilingonin ko pa siya edi na double dead ako non.



By the way, meet Ning Yizhou o Ningning bestfriend ko since highschool. At paglilinaw lang po di po siya kagaya ko dahil straight pa sa ruler ang bruhang to pero tanggap naman daw niya ko kasi di daw siya judger, baliw lang. Mahilig rin kumanta tong si Ningning sa choir nga kami naging mas close niyan di ko naman alam na abot hanggang langit ang boses niya. We're both Soprano pero alam ko namang mas magaling sakin tong bff ko kaya nga mahal na mahal ko to pero not in a romantic way like eww kadiri HAHAHAHA.Pero actually maganda naman tong si Ningning, palabiro din siya kaya lang saksakan nang daldal yun bang tipo ng kapag naglalakad kayo sa daan ay gusto mo na lang takpan ang bibig niya, makapal kasi talaga ata mukha niya though that's one of the best thing about her not like me na kulang nalang magtago sa saya nang mama ko sa sobrang mahiyain ko. I'm an introvert kasi INFJ yung MBTI ko si Ningning di ko alam  pero sure akong Extrovert siya.



Pagkatapos nung araw na yun ay di ko na ulit siya nakita pa. Kaya naman sumuko nalang ako kaya lang habang pauwi na kami ni Ningning at Ryujin, isa ko pang bff, ay nakita ko siya nagkatinginan pa nga kami kaya naman agad akong tumingin pabalik sa harapan ko. Talaga bang nagka-eye-contact  kami? pero pano yan parang sinungitan ko ata ang mga mata niya kasi actually kapag bored ako ganon din yung mga mata ko kaya minsan napagkakamalan akong arogante o di kaya'y snobber na cold person kahit di naman talaga.









Pagkatapos nung araw na yun ay di na ito nasundan pa nang panibagong interaction namin. Maybe sign na siguro yun para tigilan ko na tong petty feelings na nararamdaman ko baka nainfatuate lang ako sa ganda niya or maybe it just a mere crush na mawawala rin kalaunan.




Pero akala ko lang pala yun not until I joined JPICE isang academic Org. para sa course ko.



~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~~


































A Glance from a Distance Donde viven las historias. Descúbrelo ahora