Chapter 21: Another guy?

29 1 0
                                    

Ryujin's POV

Patapos na ko sa pagpirma ng ilang dokumento pero di pa rin bumabalik si MJ. Kaya naman agad kaming nagkatinginan ni Ningning.



"Una na muna kami sa labas",paalam ni Ning sa kanila, nagthumbs up lang sila Aeri at Lucas samantalang busy pa sila Jaemin at Renjun. Kaya naman agad na rin kaming gumayak sa labas.




Papunta lang sana kami sa Parking Lot, nang makasalubong namin si Jisung. Same year lang pala kami kaya lang Computer Science Engineering ang course niya.





"Jisung Oppa", pacute na sabi ni Ning rito kaya naman agad akong napangiwi. Diba may Haechan na to?




"Oh ikaw pala Ning, and Ryujin right?",sagot naman nito at agad naman akong tumango sa tanong nito.

"Tapos na ba kayo sa loob?", nakangiting tanong nito. Ba't ang kwento ni MJ samin ay medyo intimidating ang aura ng isang to? Pero mukha naman siyang fuckboy sa paningin ko?



"Hindi pa nga e, saka di pa tapos si MJ. Hahanapin nga namin siya kasi kanina pa yun umalis pero di pa nakakabalik",sagot naman ni Ning.




"Mukhang di na kayo mahihirapang  hanapin siya", biglang sabi ni Jisung saka siya tumingin sa gawi ng Cafeteria nila.Kaya naman agad kaming lumingon sa tinitingnan niya.




At doon namin nakita si MJ, na may kausap na chics. (A/N: Di ko alam ang tamang spelling pero hayaan na nga)





Nasabi ko na ba sa inyo na matinik talaga sa babae tong si MJ, ay kahit pala sa mga lalaki. Kakaiba kasi talaga ang cuteness ni MJ kaya siguro lahat ay agad niyang napapaamo hindi pa kasali dyan yung mabuti niyang puso.




Bigla ko tuloy naalala yung unang babaeng naging fling niya. First time kong nakitang kiligin si MJ noon, kaya lang di rin nagtagal kasi napag-alaman naming pinagpustahan lang pala siya nung barkada nung babae. Although inamin naman ni Ate girl na totoong nagkakagusto na rin siya sa kaibigan namin, ay di pa rin namin siya hinayaang mapalapit kay MJ ulit. Alam kasi namin kung gaano ka vulnerable yung puso ni MJ, since simula nung bumalik siya galing sa probinsya nila noong bata palang kami ay mas naging tahimik siya na hindi naman talaga niya ugali noon.



Medyo bumalik lang siya sa dati nung makilala niya si Ate Sullyoon, oo siya si Ate girl sa kwento ko kanina. Buti na lang at nalaman kaagad ni MJ na pinagpupustahan lang siya nito. Ayoko na kasing makitang malungkot si MJ.








"Kilala mo ba yung kasama niya?",tanong ni Ning kay Jisung.







"Ah si Yuna,Oo, actually same department lang kami niyan. At hindi sa pinag-aalala ko kaya pero si Yuna, kilala siyang playgirl dito sa Campus namin at marami rin siyang fans club. Sikat rin kasi siya kasi siya ang Center ng YGU Dance Troupe tapos model din siya.", kwento bigla ni Jisung.




Agad kong binalik ang tingin ko don sa Yuna, ba't ba parang familiar siya?







"Wow, ngiting ngiti talaga ang MJ natin, paano pagnalaman to ng roommate niya?",bulong sakin ni Ning kaya naman agad naming nilapitan si MJ at yung Yuna.







"Sige una na ko may meeting pa kasi kami",rinig kong paalam ni Jisung saka ito umalis.



"Nakakainis nga yung ilang Prof namin sa SMU, lalo na yung Prof namin sa CWTS",rinig naming kwento ni MJ rito. Tapos ngiting ngiti namin si Yuna girl habang tumatango.






A Glance from a Distance Where stories live. Discover now