Chapter 15: Her Past Trauma

27 2 0
                                    

Jaemin's POV

Gabi na nang makarating kami sa probinsya namin. Agad naman akong nag-alok na doon na muna sa resthouse namin tumuloy.





Buti nalang talaga at di pa to binebenta nila Lola.







"Ayos ka lang?",tanong ko saka ko inabot yung kapeng tinimpla ko.








"Oo naman, may inisip lang ako pwede ko naman sigurong i-share sayo lahat diba?", seryosong sabi niya at kahit kinakabahan ako sa tono niya ay agad rin akong tumango.









11 years ago
Year 2012

Minjeong's POV

"Apo buti at bumalik ka ngayong bakasyon.Sakto rin at nandito yung pinsan mong si Chaewon dito rin siya ipagbabakasyon ng Tito Siwon mo", masayang sabi ni Lola nang salubungin niya ko kaya naman dahil sa excitement na makita si Chaewon ay agad akong pumasok sa loob.






Agad ko namang nadatnang naglalaro ng Nintendo si Chaewon. Actually di kami close pero somewhat and sometimes ay nagki-click rin ang tandem namin.











"Wonnie, buti at dito ka nagbakasyon", nakangiting sabi ko saka ako tumabi sa kanya.










"Akala mo naman may choice ako? ",aniya nang di tumitingin sa gawi ko at focus lang sa nilalaro niya.












"Eh baka naman namiss mo lang si Minmin",sabi ko pa na ikinakunot ng noo niya.












"Sinong Minmin? ang bulok naman ng pangalan niyan ano siya kuting?", sabi pa ni Wonnie na ikinatawa ko.












"Si Minmin,yung apo ni Aling Jema na sipunin na mahilig maglaro ng baril barilan",kwento ko pa.











"Ah yun bang lalaki na nakatira sa likod? Yung kung tumitig sakin parang sobrang laki ng utang ko sa kanya",aniya.











Natawa nalang ako at dahil busy siya ay pumunta na agad ako sa magiging kwarto ko saka ako nagbihis na rin.














"Ayaw mo ba talaga akong samahan sa tindahan?",medyo malayo kasi yung tindahan dito.














"Ayoko ba di na ko pauwiin ni Jaemin,makulit pa naman yun",aniya, ay oo nga pala allergic na ata siya sa bestfriend ko. And oo close na kami ni Minmin, tapos sabi pa niya crush niya daw si Wonnie.














At dahil ayaw akong samahan ni Wonnie si Minmin nalang ang niyaya ko nang di pa kami nakakarating sa main road nang makalimutang dalhin ni Minmin yung pera niya na pinatong daw niya sa ibabaw ng TV nila. Tinawanan ko lang siya at sinabing doon nalang ako sa may waiting shed maghihintay.














Nang bigla nalang....















akong makarinig nang umiiyak na bata kasi daw yung pusa niya nalulunod at ako naman si tanga na agad na tumalon sa ilog.




















A Glance from a Distance Where stories live. Discover now