Chapter 22: LQ?

37 1 0
                                    

Minjeong's POV

"Gisingin mo na nga yan, baka malate pa tayo", rinig kong sabi ng isang boses.


"Baka may hangover pa to kagabi, kawawa naman", sabi naman bigla ng kausap nito.


May bisita ba si Karina?



Teka lang, oo nga pala hindi ako umuwi kagabi dahil...







Agad kong naidilat ang mga mata ko at agad na napabangon.



"O, gising na pala si MJ", rinig kong sabi ni Ryujin.





"Teka lang, MJ hindi ba masakit ang ulo mo?",tanong pa sakin ni Aeri at agad naman akong umiling. Pero actually medyo masakit nga pero di naman ganon  kasakit.






"Ok,so magready ka na dahil sabay sabay na tayong papasok", mahinahong sabi ni Aeri.





Kaya naman agad akong nagready. Nagbibihis nalang ako nang biglang magsalita sa likod ko si Ryujin.




"Kaya mo na ba siyang kausapin?",tanong pa nito.






"Ano ka ba, Oo naman saka I trust Yuji, hindi naman siguro niya ko lolokohin", ewan pero after namin mag-inuman kagabi ay napagtanto kong mali ako.




Mali ako sa part na iniwasan ko yung nakita ko imbes na harapin ko. Ganon naman kasi talaga ako noon pa man.
Bigla ko tuloy naalala si Ate Sullyoon, akala ko talaga noon siya na si the one pero hindi pala. Nung nalaman ko yung totoo noon ay lumayo ako kahit na alam kong minahal naman talaga niya ko. Sadyang natakot lang talaga ako sa mga posibleng mangyari.



Kaya nga narealize kong mali talaga ako, ang problema kasi kahit na gaano pa kalaki ay dapat hinaharap.






"Saka kailangan kong marinig ang side niya bago magdesisyon.So tara na?",sabi ko pa na ikinangiti ni Ryujin.





"Nagmamature na talaga ang baby MJ namin.", nakangiting wika nito kaya natawa nalang ako.






Palabas na kami ng condo ni Aeri nang magtagpo ang mga mata namin.





"Sana lahat sinusundo, wala pang label yan ah",rinig kong bulong ni Ryujin na ikinatawa ni Aeri.






"Tinext niyo ba siya?",tanong ko at agad silang umiling.





"Ikaw ata nagtext sa kanya, the truth is tumawag siya kanina sakin to check if kasama nga kita",sabi bigla ni Aeri, nang mapansin kong di siya makatingin sakin.






"May iba ka pa bang sinabi sa kanya?",tanong ko pa rito at agad itong napaiwas ng tingin sakin.Kaya naman agad akong tumingin sa gawi ni Ryujin pero nagkibit balikat lang ito.






"Sorry MJ, sige alis na kami",sabi bigla ni Aeri saka niya hinila si Ryujin paalis. At dito ko namalayang nasa harap ko na pala si Karina.





Nakatingin lang siya sakin, and there's a hint of worry sa mga mata niya.





Kaya naman agad akong napayuko.Ewan parang ngayon na nasa harapan ko na siya ay bigla akong nahiya. Nahiya sa part na nagselos ako kahit wala naman siyang responsibilidad sakin since wala namang kami. At ayokong obligahin siya gayong malinaw pa sa salamin na walang kami, maybe mutual yung nararamdaman namin pero wala naman kaming matatawag na label.








A Glance from a Distance Where stories live. Discover now