Chapter 4: Giselle's Crush

32 3 0
                                    


Naging mas abala pa ko nang mga sumunod na araw. Napagpasyahan ko rin kasing mas ituon ang pansin ko sa mga responsibilidad ko bilang isang estudyante at parte ng Jpice Officers.

Nag-e-encode lang ako ng mga documents nang mapagpasyahan kong lumabas na muna nang room para bumili ng Ice Coffee.



Nang mapansin ko sa malayo si Giselle kaya naman agad akong kumaway para makuha ang atensyon niya nakuha ko naman ito kaya lang di napansing may kasama pala siya.

And it was her..

Gusto ko na sanang umatras kaya lang baka mapansin ni Karina na iniiwasan ko siya kahit yun naman ang totoo.





"Himala ata MJ, at lumabas ka sa Office?", pabirong sabi sakin ni Gi.





"Nagugutom ako saka alam mo naman kung gaano kahalaga sakin ang pagkain diba?",sabi ko habang hinahanda nung tindera yung Ice Coffee ko.

"By the way this is Ate Karina, yung sinasabi ko sayong naging close ko sa church namin", masayang pakilala ni Gi kay Karina.

"Then this is Minjeong a.k.a. MJ, yung friend kong matalino na mahilig sa chics", agad akong napalingon kay Giselle dahil kung ano ano nalang ang nalalaman niya. Ayoko pa namang ipaalam kay Karina na I like girls kasi wala na naman siya doon.

"We actually know each other pero I never thought na hindi straight tong si Minjeong ", sabi pa ni Karina at yun nagkaroon na sila nang sariling mundo. Dal-dal kasi nitong si Giselle nahawaan ata ni Ningning e.

"Win--",di na natapos ni Lia ang sasabihin niya nang agad ko siyang pinigilan.


"Hi Lia, dito ka rin pala nagpa-enrol?", parang tanga na sabi ko at tiningnan naman ako ni Lia ng tingin na nawiwirduhan.Kaya naman agad ko siyang sinenyasang tumingin sa phone niya.

Tanging si Lia lang kasi at ang parents ko at syempre si Yuji ang nakakaalam ng nickname ko na Winter.

Nang mabasa ni Lia ang text kong wag niya kong tawaging Winter ay agad niya kong tiningnan na tila naintindihan niya na ang ibig kong ipahiwatig.


"Baka naman matunaw si MJ sa titigan niyo Lia",biglang sabi ni Gi kaya naman agad kaming natawa ng katabi ko.


"Baka ako kamo matunaw sa mga titig niya, crush kaya ko nito noon", bwelta pa ni Lia. Actually sinabi ko kay Lia na crush ko siya dati pero hanggang happy crush lang tapos yun lumaki ata ulo kaya lagi akong inaasar.



"Grabe di mo ba alam yung kasabihang past is past never discuss?", reklamo ko at mas natawa pa silang dalawa ni Gi samantalang parang natahimik naman si Karina.






"Sorry guy's pero mukhang kailangan ko na ring bumalik sa SCEA office, see you around nalang dito sa Campus",nakangiting sabi ni Karina kay Gi saka siya tumingin samin kaya naman agad kaming nagpaalam na rin sa kanya.







Palabas na kami at nauna nga palang umalis si Gi dahil tawag na daw siya kasi oras na daw ng event nung ilang Sports competition.

"Bakit pakiramdam ko ay crush mo si Ate Karina?", biglang sabi ni Lia sa daan.

"Yung mga patagong sulyap mo kasi sa kanya ay kagaya nang tingin mo sakin noon.Hindi naman sa pagmamayabang pero I can feel your presence dati, yung mga tingin mo sakin di lang ako nagsasalita kasi baka dahil ganon ka lang talaga not until you confess to me in our Graduation.", explain pa niya. Ang talino talaga nitong si Lia.


A Glance from a Distance Where stories live. Discover now