Chapter 11: Those Eyes

22 1 0
                                    

Ryujin's POV

"Bakit kasi di nalang bumili kanina ng de-botelyang inumin, edi sana di tayo natatagalan ngayon sa paghahanap",reklamo ko pa pero actually wala naman talaga sakin kung ako yung inutusan nila Renjun basta ba si Yeji ang kasama ko,kahit ikulong pa nila kami sa freezer.


"Sa tingin mo gising na kaya si Minjeong?",here she goes again, puro na lang siya Minjeong, Nagseselos na ako.





Bigla tuloy akong nalungkot sa ideya na baka nga si MJ ang gusto niya.Kung sana'y kasing cute lang ako ni MJ.







Napabuntong hininga nalang ako, parang nawala ako sa mood.






"Bumalik na lang tayo,baka nakabili na sila Jaemin ng bote yun nalang siguro ang gamitin natin", seryosong sabi ko saka ako lumabas sa likod ng warehouse nila Aeri.







"Pero malay mo may makita tayo diba?",aniya pero nagpumilit pa rin akong bumalik sa gumagabi na.






Pagdating namin ay medyo nagkakagulo sila.






"Ano ba kasing nangyari?", seryosong tanong ni Lucas kay Jaemin.






"May nag-iinuman kasi sa malapit, tapos hinagisan nila ng bote si Aeri buti nalang at nakailag kami kaya lang yung binti niya hindi", paliwanag naman nito.







"Sila Minju?",tanong naman ni Somi.







"Nasa police station sila, kasi gusto ipademanda ni Ning yung mga siraulong tambay",sagot pa ni Jaemin.






"I need to go",sabi ko pa kay Yeji.







"Samahan na kita",aniya pero agad akong umiling.






Patakbo akong sumakay sa kotse ni Lucas buti nalang talaga at na sa akin pa yung susi nito.







Pagdating ko sa pinakamalapit na police station ay rinig na rinig ko ang mga sigaw ni Ning sa loob.











"Talagang sinasabi ko sa inyo, na kapag di niyo inaksyunan ang mga walang magawa sa buhay na gaya nila ay pati tong police station niyo ipapasara ko", seryosong sabi nito.












"Hoy, ineng , sino ka naman ba para ipasara kami kung sakaling wala kaming gawin?", tanong naman ng isang pulis.








Magsasalita na sana si Ning nang unahan ko siya.







"Siya lang naman ang nag-iisang apo ng Police General ng bansa kaya naman kung ayaw niyong masibak sa trabaho,gawin niyo ang trabaho niyo", seryosong sabi ko.





Tapos yun bigla nalang silang umaksyon kailangan pa talagang takutin.







"Ayos din timing mo",nakangiting sabi ni Ning nang mapansin ko naman si Minju na tulala lang sa gilid.










"Takot na takot siya kanina,muntik na rin kasi siyang bastusin nung isang tambay",sabi pa ni Ning.






Kaya naman dahil sa narinig ay agad kong nilapitan si Minju.








"Tara Minju,balik na tayo sa beach house", kalmadong sabi ko kay Minju pansin ko kasing di na siya komportable sa pwesto niya.






A Glance from a Distance Where stories live. Discover now