Chapter 8: What if?

33 2 0
                                    

Di ko nalang sila tiningnan at sakto rin kasi dumating na sila Minju.


"Naghintay ka ba ng matagal?",tanong pa ni Minju at umiling naman kaagad ako.





"Ay siya nga pala,this is Wonyoung bestfriend ko",pakilala niya rito kaya naman nakipagkamay na rin ako kay Wonyoung. Pang model yung dating nitong si Wonyoung.






"Tama nga talaga sila Somi at Minmin ang cute cute mo nga talaga sa personal", compliment pa niya sakin kaya naman halos di na ko makatingin sa kanya kasi nahihiya ako.










"Ang swerte siguro ng magiging boyfriend mo", dagdag pa nito na ikinawala ng ngiti ko.





"Well,swerte nga sana kaya lang mas bet ko na yung mga kasing ganda mo ngayon",sabi ko na ikinatigil niya tapos natawa nalang kaming tatlo.




"Sorry, di ko alam so bi ka rin?",aniya na ikinatigil ko na naman.Wow, kung si Minju di ko inaasahang parte rin ng bahaghari ano pa tong si Wonyoung.Parang ako yung na-i-stress sa mga kabataan ngayon. Tsk.. nagsalita ang magaling na minjeong.





Parang ewan ako na rin bumabara sa sarili ko.






"Actually may girlfriend ako, her name is Yujin,you probably saw her doon sa gig niyo since fan talaga yun ng The 7th Cyclone",aniya na ikinangiti ko.May mga sumusuporta na talaga sa banda namin.


"Mukhang sa tingin ko nga ay magkakasundo kayo non pati na nung isa naming friend na si Chaewon", sabi naman ni Minju.






Magsasalita na sana ako nang biglang lumapit sa table namin yung kanina ko pang iniiwasan na makita.







"Minjeongieee, pwede makitable punuan na kasi,saka ayoko namang magutom ang prinsesa ko",biglang sabi ng kararating lang na si Giselle.









"Sure,no worries",sagot ni Minju sa kanya. Tapos yun nagpakilala sila Wonyoung at Minju kila Karina.








"Paano mo nga pala nameet itong si MJ?, eh di nga yan masyadong nakikipag-usap sa ibang tao", well Aeri's right. Introvert person kaya ako.





"Well, it's a long story basta one thing for sure and that is she really caught my eyes the first time I saw her sa gig niyo", nakangiting kwento ni Minju.










"Same lang pala tayo,pero si Karina nga lang ang nakakuha ng atensyon ko simula nung una ko siyang makita",pa sweet na sabi ni Aeri saka niya inakbayan si Karina.





Iiwas na sana ako nang tingin nang magtama ang mga mata namin ni Karina.







"How about you MJ,may tao rin bang nakakuha ng atensyon mo simula ng dito ka mag-aral?",biglang tanong ni Wonyoung.



"Actually meron, kaya lang may boyfriend na pala sayang nga e,kasi siya talaga yung mga tipo ko pero mukhang straight pa sa bagong rebond na buhok ng kapitbahay namin kaya tinigilan ko na". Kwento ko.








"Bakit namin? malay mo magkagusto rin siya sayo",sabi pa ni Wonyoung.






"Alam mo naisip ko rin yan pero may mga bagay lang sigurong di talaga aayon sa gusto natin. Nakita ko rin yung boyfriend niya at mukhang maalaga at mabait naman kaya di ko na sinubukan kasi mukhang masaya na naman siya ayoko namang maging hadlang sa lovestory nila.", sagot ko.

A Glance from a Distance Where stories live. Discover now