Chapter 17: Space

28 2 0
                                    

Jaemin's POV

Matapos magkwento ni Minmin ay parehas kaming natahimik. Tapos bigla nalang ulit siyang naiyak at doon ko lang ulit naalala yung lalaking sinasabi niya at yung pagkakakilala ko kay Karina noon.



Oo nga no, Yu Jimin.Ba't ngayon ko lang napagtanto? Kaya ba ganon ka familiar yung mga mata niya?










"Kasalanan ko ang lahat, kung nagsumbong kaagad ako sa mga pulis baka buhay pa ngayon si Wonnie.Kung di siguro ako natakot baka sana..", di na natuloy ni Minjeong ang sasabihin niya nang agad ko siyang hinila at niyakap.













Lalaki ako pero di ko alam kung bakit di ko kayang pigilan ang luha ko. Kung namukaan ko lang sana yung pumatay kag Chaewon, nagkaroon siguro siya nang hustisya at di na malalagay sa ganitong sitwasyon ang trauma ni Minmin.









Iyak lang siya nang iyak hanggang sa nakatulog siya.










Inaamin ko na gusto ko talaga si Minjeong, kaya lang after the incident way back 2012, ay di ko na binigyan nang chance yung sarili kong i-pursue si Winter kasi nahiya na ko sa first love kong si Chaewon.Feeling ko isang malaking kasalanan na pati yung pinsan niya mahalin ko rin nanng higit sa pagiging kaibigan.Kaya nga tinuring ko nalang na parang nakababatang kapatid si MJ.











At gaya ni Chaewon, isa siya sa mga taong espesyal sakin.Kaya naman simula nung nangyari yung insidente noon ay sinumpa kong poprotektahan ko siya sa abot ng makakaya, ano nalang ngayon na alam ko na rin kung sino ang may pakana ng lahat.













"W-wonnie..",rinig kong iyak ni Minmin habang natutulog.









Kinabukasan...


Maaga akong nagising para magluto ng agahan saka dadalawin pa namin si Ninie, miss na miss na siguro ako non?








Nagising na rin si Minmin kaya naman nagsimula na kaming kumain.













"Min, paano na pala si Karina? Babalikan mo pa siya diba?",tanong ko kahit naman galit ako sa pamilya ni Karina, di naman ako ganon na pati kay Karina mismo magagalit rin.Alam kong biktima lang rin siya.












"Ewan,parang nagdadalawang isip na ko. And I think I need to fix first yung part na hindi ko nagawang solusyonan noon",aniya saka siya kumain.













"Then isama mo ko, tutulungan kita ", sabi ko pa tapos tumango lang siya at bahagyang ngumiti.













Naghahanda lang sa banyo si Minmin nang magtext sakin si Ningning.





From: Luningning

Uuwi pa ba kayo rito sa Manila?
Baka nakakalimutan niyo may pasok pa tayo, btw kamusta na pala si MJ, buhay pa ba ang kaibigan natin at di man lang ako nirereplyan?

Receive 10:23 am SMS

Mukhang di na kami makakaabot sa lahat ng klase namin.
Paki-excuse naman sa mga prof namin. Saka I think kailangan pa ni Minmin ng oras.

Sent 10:25 SMS


Di na rin naman nagreply si Ning mukhang gets na naman niya timing rin at kalalabas lang ni Minmim sa kwarto.





A Glance from a Distance Where stories live. Discover now