Chapter 9: Yellow

33 2 0
                                    

"I like you,Winter", nakangiting sabi niya na ikinatigil ko,like hindi naman to panaginip diba?

"MJ, parating na raw si ma'am",rinig kong sabi ng isang lalaki tapos biglang nawala bigla sa paligid si Karina. Sabi ko nga panaginip na naman.

"Oh, ba't ka naman nakasimangot MJ?", tanong ng walang malay na si Haechan.

"Ang pangit kasi ng panaginip ko, btw may tanong ako". nagsign naman siya ng ok.

"Pangit ba ko?".tapos bigla siyang tumawa.

"Ngayon mo lang nalaman?",aniya.

"Eto naman, syempre hindi naman ganon ka pangit saka ako pa talaga tinanong mo sa dami ba naman ng admirer mo",aniya sabay turo sa locker ko na punong puno ng mga regalo at sulat.

Kumanta kasi ako nung nakaraan sa isang event sa school.

"How about you? do you like someone now bukod sa bestfriend ko?", tanong ko bigla tapos ang mokong biglang nagblush tapos umiwas ng tingin.Kadiri talaga tingnan.

Ito kasing si Haechan ay na love at first sight kay Ningning, ang ganda daw kasi ngumiti ni Ning tapos ang ganda daw ng boses like? sana kinilala niya muna.

"MJ, my favorite seatmate, ilakad mo naman ako sa bestfriend mo.Promise di ko siya paluluhain good boy kaya ako",aniya.

"Ok, actually may plano yung isa naming friend na mag bakasyon sa beach house nila and I think pwede kitang isama",sabi ko pa syempre mabait kaya ako and I know Haechan grade school palang kami ay classmate na kami kaya lang noon sobrang tahimik niya nerd kasi kaya di kami masyadong nag-uusap naging close lang naman kami dahil sa naging seatmate ko siya sa Physics at sa ibang subjects.


"But in one condition",nakangising sabi ko na ikinatahimik niya.

"Pahiram naman nung Camera mo mukhang wala rin kasi akong mapagkakaabalahan don",sabi ko pa agad naman siyang ngumiti.

"Sure, wag mo lang talagang sirain",aniya at nagshake hands pa kami.

"Starbucks tayo after class?",tanong ko at agad namang pumayag ang mokong.

Kung alam niya lang na siya ang first crush noon ni Ning, baka umakyat kaagad siya ng ligaw.

~~~~~~~~~~~~~~~~~~~

"Himala ata Mj, at nagyaya kang magkape?", nakangiting sabi ng kararating na si Ningning.

"Libre ba to bestfriend?",tanong naman ni Ryujin.

"Oo", nakasmirk na sabi ko.

"Akala ko ba sad girl ka kagabi? ba't para namang nanalo ka sa lotto at gawain mo na ring manglibre samin ngayon",sabi pa ni Ning.

"Di ko naman sinabing ako", at timing at paparating na rin si Haechan.

Agad na napasmirk si Ryujin habang natahimik naman si Ning. Ang gaga parang naging dalagang pilipina, ang hinhin ng kilos.

"I guess long time no talk?", awkward na sabi ni Haechan.

"Ano ka ba wag ka ngang mahiya samin, dapat nga kami yung mahiya kasi ililibre mo pa kami, late graduation treat ba to,Mr. Valedictorian?", nakangiting sabi ni Ryujin.Buti nalang talaga at sumama ang isang to baka kasi maging sobrang tahimik namin.

Actually kaya ganyan ang reaction ni Ning is because 7 years niyang naging crush si Haechan at may ilang beses pa na pasekreto niya itong binibigyan ng chocolates. Inlababo kasi tong kaibigan ko.Kaya lang nalaman niyang nagkaroon ng girlfriend tong si Haechan nung summer kaya naman ang gaga sobrang heartbroken.

A Glance from a Distance Where stories live. Discover now