Chapter 25: Rivals

22 2 2
                                    

Minjeong's POV

Nasabi ko na na ba sa inyo na minsan gusto ko nalang ipagdamot si Yuji sa lahat?

Gaya ngayon..

"May gusto ka pa bang i-add on?", mukhang paa na sabi ni Hyunjin habang binabasa yung ilang pagpipilian na flavor at add ons.Nasa isang milktea shop kami sa tapat ng school kasama ko si Yuji, President Hwang, Ryujin, at itong kinulang sa atensyon na kapatid ni President Hwang.

"I'm already fine with this", nakangiting sabi pa ni Rina dito kaya naman mas lumawak yung ngiti ni Hyunjin, tapos lumingon pa siya sa gawi tapos nagsmirk ba naman. Masyado talagang two face.



"MJ, ngumiti ka naman baka mahalata ka ni Karina", bulong pa sakin ni Ryujin kaya naman kinalmahan ko nalang.

"Wait lang Jinjin (referring to Hyunjin, baduy nung nickname), Winter ano nga palang gusto mo?".tanong pa ni Yuji.




"Ikaw... este Mint Chocolate lang",agad na sabi ko na ikinangisi nito. Sobrang lutang ko na ba?

Napatingin naman ako sa mga katabi ko at alam niyo yun sarap din nilang paghahampasin, kung magpigil naman ng tawa parang di ko sila kita.


Naghihintay lang kami sa order namin nang biglang may isa pang uninvited na dumating.




"Hey, Rina, late na ba ko?", nakangiting tanong ni Heesung kay Karina. Ewan ko ba sa kanya kung bakit tulad ni Hyunjin ay sobrang kulit din niya aware naman silang nililigawan ko si Rina, tapos lagi nalang silang sumisingit sa mga date namin ni Rina. At ito namang si Karina hinahayaan niya lang sila.




"Nope, you're just in time, order ka na rin", nakangiting sabi ni Yuji, kaya naman agad akong napaiwas ng tingin sa kanila at timing pa na nagkatinginan rin kami ni Hyunjin na mukhang gaya ko ay di rin kayang tingnan ang dalawa.



Nagsmirk nalang ako sa kanya at ganon din naman siya sakin. Kung may tao mang mataas ang tsansang di sagutin ni Yuji, iyon ay si Hyunjin since baby brother ang tingin ni Karina sa kanya, siya lang tong mapilit. Pero sa kanilang dalawa ni Heesung ay mas nagseselos ako kapag siya yung dumadamoves kay Rina, paano ba naman kasi kahit wala siyang pag-asa ay hinahayaan lang siya ni Yuji na akbayan, at yakapin and most of the time ay mas napapangiti niya si Yuji ng walang kahirap hirap.






Kumakain lang kaming lahat ng biglang dumating si Minju, at di siya nag-iisa dahil kasama niya rin si Ate Chaewon.




"Winter? ikaw nga", nakangiting malawak na sabi ni Ate Chaewon. Napansin ko naman ang katahimikan at pagtataka ng mga kasama namin.









"Magkakilala kayo?", tanong bigla ni Minju saka ito lumapit sakin.









"It's a slightly long story to tell Minmin, how about you? paano mo siya nakilala? Wait so siya pala yung MJ na sinasabi mong cr--",di na natuloy ni Ate Chaewon yung sasabihin niya nang agad na tinakpan ni Minju ang bibig niya.









"Ay oo nga pala MJ, si Chaewon..", - Minju. Parang nahihiya pa si Minju na ipakilala sakin si Ate Chaewon, siguro dahil sa magkakilala na naman kami nito.











"Manliligaw niya", biglang sagot ni Ate Chaewon na muntik nang ikahulog ng panga ko.











"T..talaga?",hindi makapaniwala na napalingon ako sa gawi ni Minju. Dahil sa natatandaan ko ay gusto niya ko pero may manliligaw pala siyang iniintertain.




A Glance from a Distance Where stories live. Discover now