Chapter 23: Make up

33 1 0
                                    

Minjeong's POV

"Mommy...,Tita Winter is here", rinig kong sigaw ni Taehyun bago ako pumasok sa restaurant nila Ate.





Agad naman kaming nagkatinginan ni Ate. Gusto ko siyang kausapin kasi gusto ko ng mag-out sa family ko. At gusto kong si Ate ang unang makaalam she's actually good in giving advices.






"Ang aga mo ata Win at teka umiyak ka ba?", agad akong nag-iwas ng tingin kay Ate.












"I'm fine Unnie, actually I'm here to tell you something pero bago yan kumain na muna tayo", nakangiting sabi ko saka ako lumapit kay Taehyun para kargahin ito.












"Mommy, I want more carrots", nakapout na sabi ni Taehyun kaya di ko mapigilang mapangiti ng malawak ang cute² kasi na bata nitong pamangkin ko, mana sakin.









Actually before akong maging baliko, ay dati ko ring pinangarap na magkaroon ng sariling pamilya gaya ni Ate. Mahilig kasi ako sa mga bata, kaya naman sobrang espesyal ni Taehyun sakin.









"Gusto mo ng dessert,Win?", tanong pa ni Ate pero umiling lamg ako.










"So, how's your day?", tanong ulit ni Ate.











"50/50 ata, 50% na masaya at 50% na malungkot",casual na sagot ko saka ko ininom yung blue lemonade ko.







"May problema ba kayo ni Karina?".








"Mukhang masama ang loob niya sakin, may nagawa kasi akong mukhang ikina-disappoint niya",sagot ko naman. Ba't ba kasi ako di kaagad nakasagot kanina? Yan tuloy naagaw pa siya nung Heesung na yun.













"Halata nga sa mga mata mo. Pero alam kong maaayos niyo naman yan, normal lang naman yan sa magkarelasyon", sabi pa ni Ate na ikinatigil ko. Teka? Does my sister know?











"Ano ka ba Win, bata ka pa lang ay alam na namin nila Mom na lumihis ka na ng daan.Kaya nga sobrang bait sayo nila Mom, nagbabakasakaling magbago pa ang desisyon mo.Alam mo namang gusto nilang magkaroon ng apo sayo", biglang pag-amin ni Ate. Sa totoo lang kinakabahan akong mag-out sa family ko kasi like what Ate said, malaki ang expectation nila Mom sakin. Handa na nga sana akong mahagisan ng tsinelas kung sakaling di magustuhan nila Mom yung pag-out ko.









"They even shipped Jaemin with you, hoping na kayo ang magkatuluyan sa future. Pero alam mo medyo natigil na rin yung pagship sa inyo ni Mom. Simula kasi nung makilala niya si Karina ay lagi na niya itong bukambibig,like ang gandang bata daw, tapos mabait pa. Baka nga kapag inamin mong kayo na ay baka ipakasal niya kayo kaagad sa simbahan.", masayang kwento ni Ate, na ikinangiti ko.











"It's nice to hear na ok lang sa kanila, but Unnie, I think I messed up", malumanay na sabi ko saka ko kinuwento sa kanya yung nangyari kanina.











"Eh, ba't ba kasi di ka umimik nung tinanong ka? Alam mo kung ako si Karina ay siguradong madi-disappoint rin ako sayo.", komento pa ni Ate.









"Natigilan kasi ako nung marealize ko yung sinabi ni Yuna kanina, na kung ano ba daw ang meron samin. At alam kong meron kaya lang wala kasi kaming alam mo na matatawag na label, kahit na gusto kong ipagsigawan na merong kami", sabi ko pa.












A Glance from a Distance Where stories live. Discover now