Chapter 10: Outing feat. nightmares

27 1 1
                                    

Matapos ang dalawang linggo ay nangyari na rin yung outing namin.
At sa mga araw na nagdaan ay pilit ko pa ring di pinapahalata ang pag-iwas kay Karina. Though sometimes I feel like parang nararamdaman niya rin na iniiwasan ko siya.

Pero isa sa mga ipinagtataka ko ay ang mga di na paghatid ni Aeri kay Karina,kasi usually hinahatid talaga siya pauwi nito pero these past few days ay di ko na nakikita si Aeri tuwing umuuwi si Karina.

"Spacing out?",rinig kong sabi ni Karina sa gilid ko. Hinihintay kasi namin yung Van nila Ryujin.

"Sorry, busy lang sa acads", simpleng sagot ko. Napansin ko namang parang naiinitan siya, saan na ba kasi sila Ryujin sabi niya kanina ay malapit na daw sila kaya napagdesisyunan naming dito na sa labas ng bahay mag-antay.


Kaya naman bago pa masunog yung makinis na balat ni Karina ay agad kong kinuha yung payong ko at agad na pinayungan siya.


"Mukhang kailangan mo",sabi ko saka ako medyo lumapit sa kanya, actually medyo mataas siya sakin ng onti kaya naman medyo nahihirapan akong payungan siya.

Kaya naman di nako nagtaka nung bigla niyang kinuha yung payong mula sakin.

"Kaya ko naman, medyo lumapit kalang sakin para mapayungan kita ",aniya.




"By the way,Yuji.Ba't parang di ko na kayo nakikitang magkasama ni Aeri?",tanong ko pa kasi kating² na kong malaman yung dahilan.








"The thing is.. ", di na niya natapos yung sasabihin niya nang biglang dumating sila Ryujin.



"Hi Karina and di ko kilala, sorry natagalan kami ,so tara na?", sabi pa ni Ryujin na agad kaming tinulungan sa ilang bagahe namin. Agad naman kaming sinalubong nila Yeji,Ning,Haechan,Somi,Lia, and Minju.

"Minjeongiee",rinig kong tawag sakin ni Yeji kaya naman agad ko siyang kinawayan.

Buti nalang at malaki yung Grandia nila Ryujin kaya naman nagkasya kami.

Bale si Ryujin yung driver for today's video, katabi naman niya sa front seat si Yeji. Sa likod naman nila ay sila Somi,Lia, at Minju.Tapos sila Ning at Haechan tapos sa kami naman ni Karina sa dulo.

Nag-offer pa kanina si Haechan if gusto ba daw ni Karina na tumabi lay Ningning kasi baka daw di niya bet sa likod na part pero agad itong tumanggi.



Nagkatinginan pa kami ni Ningning, like iba yung ngiti ni bruha.Napansin ko namang nakatingin sakin si Minju.
Kaya naman nang lumingon ako sa kanya ay agad itong kumaway at ngumiti sakin.

Nabalik naman kay Karina ang tingin ko na kasalukuyang nakatulala habang nakatingin sa labas ng bintana.


"Gusto mo bang makinig sa playlist ko?",alok ko kay Karina.

Akala ko nung una tatanggi siya pero mabilis pa sa kamay ni Ningning na kinuha niya yung isang earphone na inalok ko.




[Now Playing: Those eyes by New West]

Nang magsimula yung kanta ay agad kong pinikit ang mga mata ko.

At unti unti na akong niyayakap ng antok.



Ryujin's POV

Nagmamaneho lang ako nang mapatingin ako sa rear-view mirror at nakita ko sa likod na lahat sila ay tulog na pero mas napangiti ako nang makita ko kung paano sumandal sa isa't isa sila MJ at Karina sa likod.




Sa totoo lang mas ship ko silang dalawa kaysa kila Gi at Karina.Di naman sa pagiging unfair pero napapansin ko kasing mas naipapakita ni MJ ang totoong siya kapag kasama niya si Karina di tulad ni Giselle na mas madalas na nagpapakitang gilas rito.






A Glance from a Distance Where stories live. Discover now