CHAPTER 6 ⚠️WARNING⚠️

3.5K 68 3
                                    

1 month had passed.


Nag aasikaso ako ng lulutuin ko ng almusal sa kitchen, nang may yumakap mula sa likod ko.

Bat may payakap, close ba kami?


"Gusto mo, mag almusal muna tayo?"-rinig kong tanong niya malapit sa may tenga ko, kaya parang nagsitayuan naman ang balahibo ko sa katawan. Masyado pa namang maaga ah? Saturday kasi ngayon, kaya dumidikit na siya sakin.



"Eh. Mamaya na. May ginagawa kasi ako."-sabi ko.


"Mag-almusal tayo sa labas ang ibig kong sabihin. Wag kana muna magluto."-sabi niya at bumitaw na sa pagkakayakap sakin at nagtungo sa may gilid ko. "Pero kung gusto mo yung iniisip mo ngayon, pwede nating ituloy."-sabi niya na while he smirking at me. Grabe! Mali pala ako ng iniisip, every week kasi ganun naman siya, didikit sakin tapos aayain niya ko mag ganun.



"Tsk. Hindi ah."-pagdedeny ko pa, first time niya ko ayain kumain sa labas. Palagi kasi sa kwarto niya ko kinakain. Ackk.



Hays. Ayoko na lang isipin.


"Magbibihis lang ako."-sabi ko at linigpit ko ang mga linabas kong lulutuin ko na sana para sa almusal. Pero inagaw niya ang mga ito.


"Ako na, magbihis kana."-pagpresenta niya, kaya hinayaan ko na lang siya at umalis na ako ng kitchen.


Nagtungo ako ng kwarto ko, halos tatlong buwan na akong parausan ni Sheon, pero unti unti din nagka Crush ako sa kanya. Nakaka turn on din kasi siya minsan, gwapo naman siya eh, kaso nga lang babaero talaga. Baka nga, hindi lang ako kinakama niya sa loob ng tatlong buwan na ginagawa niya akong parausan. Tsk.


Nagbihis ako ng shirt at Jeans. Okay na siguro ito. Nakaharap ako sa salamin, habang tinitignan ang sarili ko.



Naalala ko naman na may binigay pala sakin na Dress si Chelsea, na kaibigan ng kapatid ni Sheon. Binuksan ko naman yung paper bag kung saan ito nakalagay. Ang ganda nito eh.


Pag sinuot ko daw ito, baka magustuhan ako ni Sheon. Tsk. Baka hindi naman, Crush ko si Sheon pero hindi ko naman pinangarap na magustuhan niya ko. Pero pwede ko pa rin namang subukan. Malay natin magandahan siya ng sobra sakin at baka di na niya maisipan na maghanap pa ng iba.



Kaya naman agad kong hinubad ang pants ko at shirt at sinuot itong mamahaling dress na binigay ni Chelsea. Galante naman pala ang kabigan ng soon to be sister in law ko. Hahahha.



After ko masuot ang dress, saktong sakto lang naman sakin. Inayos ko ng konti ang buhok ko at naglagay ng konting powder sa mukha ko naglipstick na rin. Tsk. Hindi pa rin ako nagagandahan sa sarili ko. Tsk. Tama na nga ito. Baka naiinip na si Sheon. Sinuot ko lang ang lumang flat shoes ko. Hindi pa kasi ako nakakabili ng bago.



Then lumabas na ako ng kwarto. May kausap naman sa phone si Sheon.

"Sige, sige. Mag enjoy ka diyan. Halatang masayang masaya ka eh. Oo ako na lang bahala magsabi sa kanya."-sabi nito at mula sa kausap niya sa phone. Then binaba niya na ang phone at lumingon ito sa akin.



Para siyang natulala. Nagandahan ba siya sa lagay kong ito? Or napangitan?

"Tara na."-pag aya ko sa kanya. Pero nakatayo lang siya at parang tulala sa kawalan. Problema niya? Napasukan ata ng hangin ang utak niya.




"Sheon. Tara na."-ulit ko saka lang siya bumalik sa ulirat.


"Umh.. sige mauna kana, may kukunin lang ako sa kwarto."-sabi niya. Kaya agad naman ako naglakad palabas ng Condo niya. Mauuna na ako sa basement, ayoko magsabay kami. Baka isipin ng iba magjowa kami.

Possessive #1 MAID WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now