CHAPTER 7 ⚠️WARNING⚠️

3.6K 58 0
                                    

Author : Binibining Nadya



"Ibabawas ko ba sa sahod mo yung 300K? 6 months kang walang sahod."-sabi niya while smirking. Napairap naman ako ng husto.

Masyado ba akong masarap para kahit maubos pera niya ay okay lang.  Ang swerte ko naman kung ganun, napaka sarap ko pala.

"Sige, kahit 1 year pa akong walang sahod okay lang."-i said kaya pinakatitigan niya ako, kung seryoso ba ako sa sinasabi ko.


"So, aabotin pa tayo nito ng 1year. Gawin ko ng 2 years ang utang mo."-sabi niya at tumayo na.

What? Pinagsasabi niya? Parausan  niya ko in 2 years?

Binalik na sa kanya yung card niya ng sales clerk at naglakad na palabas ng Shop. Kaya tumayo na rin ako at binitbit yung mga binili  niya.


Naglakad-lakad lang kami sa isang Mall ng may dalawang tao kaming nakasalubong at parehong napahinto sa paglalakad.


"Oh. Atty. May pinalit ka na pala sakin."-nakairap nitong saad at tinignan ako mula ulo hanggang paa. Babae siya tapos nakakapit ang kamay niya sa braso ng isang lalaki.


Sheon pulled me closer than to him, habang nakahawak sa bewang ko.


"Oh yes, she's my Fiance."-sabi ni Sheon at ngumiti pa ito sa akin. Bakit niya ba sinasabi na fiance niya ako.?


"So, naipakilala mo na ba siya sa dad mo? Malamang di siya tatanggapin."-nakataas na kilay nitong saad.



"Actually, tinaggap siya. Kaya nga fiance ko na eh. Ang ayaw kasi ni dad yung mukhang pera."-sabi ni Sheon na nakangiti pero pilit.


"Tsk. How cheap. Let's go sweetie."-sabi nung babae at umalis na sila.

Ex-girlfriend niya ba yun?

Inalis ko na ang kamay ni Sheon na nasa bewang ko.

"Tara na, umuwi na tayo."-pag aya niya na parang walang gana at nauna nang naglakad paalis.


Siguro ex niya yun tapos di pa siya nakaka move on.  Naglakad na rin ako para sundan siya.

Habang pauwi na kami sa Condo, pareho kaming walang imik sa loob ng kotse. Siguro, minahal niya yung babae ng sobra, maganda nga naman siya tapos sexy.


"Any way, si Peter pala nasa Paris ngayon."-he said habang nakatuon lang atensiyon sa daan.


"Talaga? Bakit siya nandoon?"-tanong ko na parang naeexcite pa. Pangarap din ng kapatid ko na makapunta sa ibang bansa.


"Sinama siya ni Cyriel, brother in law ko. May importante lang silang gagawin. Pero uuwi din naman bago ang pasukan."-he explained.


"Akala ko Don emilio ang pangalan ng boss niya?"-tanong ko, pinasok niya kasi sa isang kompanya ang kapatid ko. Wala daw kasing space sa office niya.


"Kailangan kasi ng bayaw ko ng makakasama Abroad. Tiyaka sobrang nag eenjoy si Peter doon."-sabi pa niya. Hay naku. Ang swerte naman ng bunsong kapatid ko. Nakapunta na nang abroad, ako kaya kailan. "Tiyaka, before end of this month. Pupunta ako ng New york, 1 week lang ako."-he added.


Ay talaga! Buti naman, solong-solo ko nanaman ang condo.

"Isasama kita."-sabi niya na kinalingon ko sa kanya. Ano daw?
"Ako na bahala sa passport mo, baka kasi sumakit ang katawan ko don, kailangan merong magmamassage sakin."-sabi niya at nakakalokong ngiti.


Possessive #1 MAID WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now