Chapter 18 ⚠️WARNING⚠️

2.3K 49 0
                                    

"Ate, samahan mo ko may pupuntahan tayo."-sabi ni Peter nang kakalabas ko lang ng room namin. Hinintay niya ko dito sa labas hanggang sa matapos ang last subject ko.



"Bakit saan tayo pupunta?"-tanong ko. At sabay na kaming naglalakad sa hallway.



"Susunduin ko si Sir Cyriel sa airport. Pinapasundo siya ni Don Emilio eh."-sabi ni Peter, Si Cyriel? Pero bakit kasama pa ako?



"Anong kinalaman ko don?"-nagtataka kong tanong.


"Basta ate, sumama kana lang."-sabi niya.



*Kotse


"Bakit ba kasi kailangan pa isama ako?"-naiirita kong tanong sa kapatid ko, habang nakaupo sa tabi ng driver seat at siya ang nagdadrive ng sasakyan.



Galing nang kapatid ko, professional driver na agad siya.



"Dami mo namang arte ate."-sabi niya. Ah talagang ako pa maarte ngayon?



"Bilisan mo na nga, hatid mo ko sa condo ah. Madami pa akong homeworks na gagawin."-mataray na saad ko. Masakit lang talaga ulo ko ngayon.




"Napaka sungit mo ate, namimiss mo lang nang sobra si kuya Sheon eh."-pang aasar niya. Napairap naman ako. "Malamang may ibang babae na yun abroad."-sabi pa niya, hinampas ko naman siya sa balikat. "Aray naman ate!"-reklamo nito.



"Edi magsama sila ng babae niya, wag na siyang uuwi sa condo."-naiinis kong turan. Kaya natawa naman si Peter.



Nang makarating na kaming Airport. Nasa may waiting area na kami, para antayin ang boss niyang si Cyriel.



"Matagal pa ba Peter?"-naiinip kong tanong rito.



"Parating na sila, ayun oh."-sabi niya at may tinuro ito. Sinundan ko nang tingin ang tinuturo niya. Dalawang lalaki na may hila hilang maleta ang naglalakad papunta samin.



*Dug.dug.dug.*



"Sheon."

Napatakbo naman ako para salubungin si Sheon, yinakap ko naman siya nang makalapit ako rito.

"Sheon, na miss kita nang sobra."-sabi ko habang yakap yakap siya. Sabi niya 8 months siya doon, 7 months pa lang naman ah.


Binitiwan ko naman siya at hinawakan ang mukha niya.



"Ikaw nga Sheon, akala ko namamalikmata lang ako."-sabi ko na parang hindi makapaniwala.



"Hindi ba sinabi sayo ni Peter na uuwi ako ngayon kasama si Cyriel?"-tanong niya, umiling naman ako.



"Namiss kita."-sabi ko. Na kinangiti niya nang husto.


"I miss you too."-he said and he kissed my lips. Pero smack lang naman, siyempre kilig na kilig ako, kasi ito na si Sheon nasa harapan ko na siya. Sana hindi siya nangbabae doon.



"Ano ba yan! Dito pa talaga kayo maglalandian na dalawa."-naiinis na saad ni Peter.



"Tara na nga, para hindi na ma inggit tong dalawang bayaw ko na walang partner."-natatawang saad ni Sheon at sabay sabay na kami naglakad palabas ng airport habang hawak hawak niya ang kamay ko.



Nang nasa kotse na kami, si Peter ang nagdadrive at katabi niya si Cyriel. Habang kami ni Sheon sa backseat.



"Diba sa Paris si Cyriel? Pano kayo nagkasabay?"-nagtatakang tanong ko kay Sheon.



Possessive #1 MAID WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now