Chapter 13 ⚠️WARNING⚠️

2.6K 53 0
                                    

So ayun, another day another pamamasyal nanaman. As asual, photographer ko nanaman si Sheon.

Ang sarap magkaroon ng bestfriend na photographer, haha. Tapos masarap pa sa kama. Hihi

Habang nagpapahinga kami sa bench ng park, tumatawag ang isa kong kapatid via video call. Sinagot ko naman ito, katabi niya si tatay.

"Ate, happy birthday."-bati sa akin ni Jacob na pangalawa saming magkakapatid. "Pinagluto ka ni tatay ng maraming pagkain dito."-sabi niya at pinakita sa akin ang mga nakahandang pagkain for lunch.

"Hindi ka ba uuwi ngayon anak? Hindi ka ba pinag di-day off ng amo mo?"-tanong ni tatay, na kinalingon pa ni Sheon nasa may tabi ko kasi siya pero di ko siya pinapakita sa video call.



"Eh, tay. Nag out of the country po kami ng boss ko, para po sa business niya."-palusot ko at medyo napakamot pa sa batok ko.



"Ganun ba, baka naman palagi kang pinupuyat ng amo mo. Makakatikim yan sa akin."-sabi ni tatay na parang galit pa dahil parang nanggigil ito on video.



Kaya nakakunot naman ang noo ni Sheon na nakatingin sakin. Ang alam kasi nila na trabaho ko ngayon, assistant ako ng boss ko.

"Hindi po tay, ang totoo po niyan. Marami po siyang regalo sa akin."-sabi ko at kunwari tuwang tuwa.

"Mabuti naman kung ganun, nandiyan ba amo mo at may ibibilin lang ako sa kanya."-tanong ni tatay at bigla akong kinabahan. Ang alam rin kasi ni tatay, babae ang amo ko.

"Pero tay, busy po siya n-ngayon eh."-palusot ko, nagulat naman ako ng agawin ni Sheon ang phone ko.

Humarap siya sa camera at parang inaayos niya pa ang nagulo niyang buhok sa phone ko, kaya kitang kita ko ang reaction ni tatay na nanlalaki ang mata at nakanganga pa.

"Anak, sino ang poging artistahin na yan?"-tanong ni tatay na parang namamangha pa sa nakita. Grabe! Na pogian pa talaga sila sa mayabang na ito.

"Hello po."-sabi ni Sheon via video call at kumaway kaway pa, kaya kumaway kaway din si tatay. "Ako po ang boss ni Jemah, kumusta po kayo?"-said Sheon na puro pa cute lang naman.


"Ay ikaw ba? Akala ko matandang dalaga ang boss ng aking anak. Isa pa lang pogi at artistahin."-tuwang tuwa naman na saad ni Tatay.


"Lumipat na po ng work anak niyo eh. Bukod kasi sa 'Magaling' itong si Jemah sa trabaho, Masarap pa ho kasama sa trabaho."-sabi ni Sheon na ngiting ngiti na kausap si tatay, na pinagdiinan pa talaga yung salitang Magaling at Masarap.

"Magaling talaga ang anak kong yan, sa lahat na bagay. Madali lang yan matuto."-sabi naman ng tatay ko na sobrang pinagmamalaki ako. Natawa naman si Sheon.

"Naku, totoo po yan tay. Sobrang bilis niya nga po matuto."-sabi pa ni Sheon at tumingin sa akin na parang nang-aasar kaya kinurot ko siya sa tagiliran niya. "Aray naman!"-reklamo niya tinignan ko siya ng masama. Then tumingin na ulit kay tatay. "Wag niyo pong alalahanin si Jemah, ako pong bahala sa kanya sa lahat na oras."-sabi pa niya. At ayun, nagkwentuhan sila at kung ano ano pang kayabangan ang kinukwento niya sa tatay ko.


Maya maya pa nagpaalam na si tatay kaya pinatay niya na ang video call. Inagaw ko naman sa kanya ang phone ko.

"Tsk! Pakialamero ka talaga Sheon, ang yabang pa!"-naiinis kong sabi.

"Bakit? Totoo naman ah. Magaling ka talaga, magaling sa gawaing bahay. Magaling magpaligaya."-he said while chuckled. Wala talagang preno bibig nito eh.

Possessive #1 MAID WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now