Chapter 29 ⚠️WARNING⚠️

2K 48 0
                                    

"Jemah"


Napalingon naman ako sa tumawag sa pangalan ko at natigil sa pagpagpag ng shorts ko.



Halos manlaki naman ang mata ni Maj at napatalon talon pa na parang kinikilig. Yung puso ko lumulundag rin sa sobrang tuwa at kaba sa lalaking nasa harap namin ngayon.



"Anong ginagawa niyan dito Jacob, paalisin mo nga siya!"-galit na saad ko kay Jacob. At umiiwas ng tingin sa lalaking nandito.



"Eh ate, hinahanap ka niya. Kuya salamat sa pasalubong mo ah. Ate binigyan niya ko ng bagong Phone at mukhang mamahalin pa."-tuwang tuwa naman na saad ni Jacob. At tinataas pa sa ere yung bagong phone na hawak niya.



"Pwede ba kitang makausap?"-he ask seriously. Napairap naman ako ng husto.


"Hoy, babaita. Bayaran mo na ako."-paniningil ni Maj sakin na hindi maalis ang ngiti sa labi. Napairap ako ng husto.


Taas noo ko namang hinarap si Sheon. Oo si Sheon nga ang nandito, at ang gwapo pa niya ngayon sobra. Tsk. Maharot ba ako? Galit ako sa kanya. Bawal ang marupok ngayon.



"Hoy lalaki! Gusto mo ko makausap diba?"-nakataas kong kilay na tanong rito. Tumango naman siya. "Kung ganun, bayaran mo ang utang ko sa babaeng ito."-sabi ko at tinutukoy si Maj.



"Ah sige"-sabi niya at dumukot sa bulsa niya at linabas ang wallet niya. "Magkano ba utang mo sa kanya?"-tanong niya at binubuksan ang wallet niya. Siniko ko naman si Maj.




"40K ang utang sakin nitong Jowa mo."-sabi ni Maj at linalahad ang kamay o palad niya sa harap ni Sheon.



"40k?"-tanong niya na parang nagulat pa. Tinignan ko siya ng masama.



"Oh, bakit may problema ka?"-matapang kong tanong rito.


"Kulang ang cash na dala ko eh. Magwiwithdraw lang ako, saan ba may withdrawal machine dito?"-he ask. Talagang magbabayad siya ah.


"Ibigay mo na sakin ang card mo, at ako na bahala mag withdraw. Okay ba? Baka kasi takasan mo ko eh."-saad ni Maj at mataray na nakatingin kay Sheon. "Wag ka mag alala, 40k lang kukunin ko. Ibibigay mo ba or aalis na kami nitong si Jemah?"-pananakot pa ni Maj kay babaero.



"Okay."-sabi ni Sheon at parang napilitan ang ibigay ang card niya. "5254 ang passcode niyan."-dagdag nito.


"May dala kang sasakyan diba? Pahiram ng susi."-hirit pa ni Maj. Abuso naman ng babaeng to. Binigay naman ni Sheon ang susi ng sasakyan niya.



"Tara na Jacob. Sayo na itong babaeng to."-sabi ni Maj at tinulak pa ako kay Sheon kaya napayakap ako rito nagkatitigan pa kami sandali nang magdikit ang mga katawan namin sa isa't isa.



Habang natanaw ko na yung dalawa na tumatakbo paalis. Tinulak ko naman si Sheon, kaya kumalas na kami sa isa't isa.



"Anong ginagawa mo dito?"-mataray na tanong ko rito.



"Gusto kita makita"-he said seriously.


"Nakita mo na ako. Pwede kana umalis."-sabi ko at naglakad ako pauwi sa bahay habang nakasunod siya sakin.



"Jeremiah, im sorry."-sabi niya mula sa likod ko. Pero dire-diretso lang ako nang marinig ko ang sigaw ni tatay mula sa bahay namin. Kaya nagmadali naman akong naglakad.



Nang nasa may likod na ako ng bahay namin, may hawak hawak siyang itak at may hinahabol na pusa.


"Tatay sandali po!"-pagpigil ko rito. Kinarga naman ni Sheon yung pusa. Teka si Layla yan ah, dinala niya rito si Layla. Napatingin naman si tatay kay Sheon.


Possessive #1 MAID WITH BENEFITSحيث تعيش القصص. اكتشف الآن