Chapter 32 ⚠️WARNING⚠️

2K 44 2
                                    

Maaga pala umalis si Maj, hayss. Nakakaboring naman dito, puro pusa nanaman kausap ko nito sa bahay.



Pinakaen ko na lang ang mga pusa ni Sheon, bakit niya kaya sinama ang mga ito dito.



"Hoy Lalaki! Ipag igib mo ko ng tubig, maliligo ako."-paanas na utos ko kay Sheon nang tapos na siyang maglinis nang kotse niya.



"Ate, may gripo naman ah."-Jacob, tinaasan ko lang siya ng kilay. Siyempre gusto ko pahirapan ang lalaking to.


"Hindi ikaw kausap ko, tiyaka pwede ba huwag mong tutulungan ang lalaking yan. Palalayasin kita rito."-galit na saad ko kay Jacob.


"Oaky lang yun ate, sasama na lang ako kay Sheon sa maynila."-Jacob said while chuckled. Ah ganun, suwail na siya ngayon. "Napaka sungìt mo naman lagi. Sige ka, papangìt ang anak niyo ni kuya."-Jacob. Napairap naman ako ng husto.



"Susunod ka ba sa utos ko Sheon?!"-nakataas na kilay na tanong ko rito.



"Oo na, susunod na."-sabi ni Sheon na parang napilitan pa.



"Napipilitan ka?!"-mataray na tanong ko. Umiling iling naman siya.



"Hindi po."-sabi niya at napayuko pa.


"Bilisan mo na, magpaplantsa ka pa."-sabi ko at tinalikuran na sila. Tsk. Tignan lang natin kung tatagal ka pa rito.



After mag igib ni Sheon, alam ko naman tinutulungan siya ni Jacob noh. Tatamaan talaga to sakin si Jacob. Nag plantsa na rin siya, kahit hindi ko naman talaga pinaplantsa ang mga damit ko.




Trip ko lang pag paplantsahin siya, marunong naman kasi talaga siya magplantsa, kasi nung andon ako sa condo niya siya ang nagpapalntsa ng mga damit niya at mga pang opisina.



After niya magplantsa, siya rin ang nagpapakain ng mga alagang manok ni tatay na 45 days.



Inayos ko naman ang mga gamit ni Sheon, hinanger ko sa Cabinet ko kasi baka magusot tong mamahalin niyang mga damit at suit.


Ang bango naman ng Bôxer niya. Hehehhe.


Bigla naman bumukas ang pintuan ng kwarto ko, at si Sheon ang pumasok. Kaya tinago ko sa likod ko ang hawak kong bôxer niya kasi baka sabihin niya pinàgnanàsaan ko siya.




"Anong ginagawa mo?"-tanong niya at linapitan niya ang mga gamit niya.


"Huh. Umhh. Inaayos ko lang, medyo nagulo kasi."-sabi ko at inupuan ko yung boxer niya.



"Nakita mo ba yung boxèr ko, favorite ko kasi yun. Para kasing nawawala."-sabi niya at hinalungkay ang mga undiès niya. Hala, baka yun ang tinutukoy niya.



"A-ako na lang maghahanap, sige na lumabas kana."-sabi ko at medyo nauutal pa.



"Pero gagamitin ko na."-sabi niya at nagtungo sa may likod ko. Teka, baka makita niya. "Ito pala."-sabi niya at bigla niyang hinila yung inuupuan ko. "Tsk. Palihim mo pala akong pinagnanàsaan, may pa sùngit sunģìt ka pang nalalaman."-sabi niya at medyo naiinis pa.



"Ang kapal mo."-kinakabahan kong saad. Lumabas na siya ng kwarto dala yung bòxer niya. Hay naku naman, dapat kasi mag lock ako ng pinto next time.



Masyadong feelingero. Maliligo na nga ako, sobrang  init na eh.



****



Papasok ako ng banyo namin nang bumukas ang pinto nito. Isang lalaking naka boxèr lang na si Sheon. Napatakip naman ako ng mga mata, teka inaakit niya ba ako.



Possessive #1 MAID WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now