Chapter 23 ⚠️WARNING⚠️

2.2K 49 0
                                    

"Tol, nandito pala kayo."-Miggy, na kararating lang habang papalapit samin ni Sheon at may mga dala pa ito.

"Ah, yes. Paakyat na rin kami sa Unit. So, let's go."-pag aya ni Sheon kaya sabay sabay na kami pumasok ng elevator habang hawak pa rin ni Sheon ang kamay ko.



Miggy you saved me, thank you.


"Mag uusap pa tayo mamaya, hindi pa tayo tapos."-bulong niya sa may tenga ko. Okay. Makakapag isip pa ako ng palusot mamaya, pero medyo kabado pa rin ako ng konti.

Hanggang sa makarating kami sa Unit ni Sheon ayaw niya bitawan ang kamay ko. Naabutan namin na busy manood ng TV yung magjowa na nag ano sa banyo kanina. Malinis na rin at hindi na nakakalat ang mga damit nila. Buti naman, wala man lang kasing pasabi ang mga ito.



"Hi Jemah, maganda ka nga sa personal."-bati sakin nung gf ng kaibigan ni Sheon.



"Hindi naman masyado, sakto lang."-sabi ko na parang nahihiya pa.


"Ano na, mag inuman na tayo."-sabi naman ni Miggy. Naupo naman sa couch si Sheon at hinila niya pa ako paupo sa lap niya.



"Ano ka ba, may mga tao."-bulong ko kay Sheon.


"Naku Jemah, its okay. Ganyan talaga pag malapit na ikasal. Dapat palaging sweet."-sabi naman ni Girl. Ikasal? Sino naman nagsabi na ikakasal kami, sa bagay ang alam pala nila engaged kami ni Sheon.



Nagsimula na silang mag inuman, isang mamahaling wine. Cindy pala name ng babae, grabe makaungòl kanina ang babaeng ito.


"Jemah, pasensiya kana pala ah. Pumasok kami dito kanina wala ka pa, binigay naman kasi samin ni Sheon ang passcode ng unit kaya naka pasok kami at nakigamit din kami ng banyo."-sabi niya at tumawa pa ng nakakaloka na parang inaamin niya ang ginawa nila sa banyo.


"Masyado niyong binaboy ang kwarto ko. Umiyak pa ng husto itong si Jemah, kasi akala niya ako at ibang babae ang nasa loob."-Sheon said while chuckled. Bwèśit siya! Kaya ayun nagtawanan sila.



"I'm sosorry Jemah."-sabi naman ni Cindy. "But, Sheon is really change. Napaka babaero kaya niyan, kulang na lang ubusin lahat na babaeng pumupunta sa Bar niya."-sabi ni Cindy at lumagok naman ito, natahimik naman ang tatlong lalaki. At napayuko pa si Sheon nang tignan ko ito.


"Ginagawa niya pa ba yun? Last year? This year?"-sunod sunod na tanong ko.


"Pagkakatanda ko, last year may babae siya sa bar."-she said.


"Hon, ano ka ba."-saway sa kanya nung jowa niya.


"Okay lang yun."-sabi ko at umalis ako sa pagkakaupo sa lap ni Sheon. "May kukunin lang ako sandali."-sabi ko at nagtungo ako ng kitchen, at iniwan silang tahimik lahat.



Tsk! Okay lang yun, wala naman kaming relasyon eh. Wala akong karapatan magalit, tiyaka last year pa yun noh. Kumuha ako ng malamig na tubig sa ref at nagsalin ng konti sa baso at uminom.



Nakita ko mula sa gilid ng mata ko na pumasok si Sheon at papalapit sakin.


"Jemah, yung sinasabi ni Cindy, last year pa yun. Before tayo magkakilala."-he explained, i look at him and fake smile.


"Hindi mo kailangan mag explain, buti pa nga si Cindy honest eh. Kadalasan kasi babae naman talaga ang loyal at hindi ang lalaki. Ang pinggan kasi, kahit linisin mo pwede pa rin maging madumi ng paulit ulit."-seryosong saad ko sa kanya. "Bagay naman sayo maging pinggan, para pwede kitang basagin kung gustuhin ko."-dagdag at madiin na sabi ko na parang napalunok pa siya ng laway ng sunod-sunod.



Possessive #1 MAID WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now