Chapter 30 ⚠️WARNING⚠️

2.2K 49 0
                                    

******



"Seryoso ba talaga siya Mars?"-tanong ni Maj, habang tinatanaw namin si Sheon na nagsasampay na nang mga linabhan na mga damit ko sa may gilid ng bahay namin. "Para naman wala siyang reklamo sa mga utos mo. Seryso naman ata siya sa na magkabalikan kayo."-sabi pa ni Maj.


"Hayaan mo siya, pakitang tao lang yan. Susuko din yan at aalis dito."-sabi ko. Baka nga bukas or mamaya umalis na yan eh. 



"Ang lupet mo naman. Pero may point ka din, kung talagang seryoso siya. Gagawin niya ang lahat."-sabi ni Maj.



Kung nakuha niya agad ang loob ni tatay, ako hindi.



Kinagabihan.


Nakita kong papasok ng bahay si Sheon na karga karga niya ang mga pusa, kaya bago siya makapasok humarang ako sa may pinto.


"Saan ka pupunta?"-mataray na tanong ko rito.


"Matutulog na."-sabi niya, medyo haggard na siya. Pero kahit na ganun, hindi pa rin maalis ang kagwapuhan niya.



"Sino nagsabing dito ka sa loob ng bahay namin matutulog. Doon ka sa kotse mo, kasi walang aircon ang bahay namin."-nakataas na kilay na saad ko rito at nag cross arms pa. "Ibaba mo mga pusa, dito sila sa loob matutulog."-sabi ko pa. Binaba niya naman ang mga pusa sa sahig.



Then tumalikod na siya at naglakad paalis para pumunta sa kotse niya na nakaparada sa bakuran namin.



Tsk. Ang kapal ng mukha. Magtiis ka diyan. Natanaw ko na linapitan ito ni Tatay kaya naman tumakbo ako para lumapit rito.



"Sa loob kana hijo matulog."-sabi ni tatay rito.


"Pero tay, wala siyang matutulugan sa loob."-sabi ko rito. Ano ba yan.


Sa sofa kasi natutulog si Jacob, kasi si Maj natutulog sa kwarto ni Jacob ngayon.



"Eh di don siya sa kwarto mo."-sabi ni tatay na kinangiti ni Sheon at kinalaki naman ng mata ko.



"Pero tay, hindi pwede."-pagkontra ko rito. Ano siya siniswerte.




"Sa sahig mo siya patulugin, ang laki ng kwarto mong bata ka. Kawawa naman siya rito, ano na lang sasabihin ng mga kapit bahay natin."-sabi ni tatay at medyo parang galit pa ito sa akin.




Grabe, pinapaboran niya ng husto ang lalaking to.



"Sige na hijo, dalhin mo na mga gamit mo sa loob."-sabi ni tatay rito. At binuksan ni Sheon ang trunk ng kotse niya kung saan nakalagay ang mga gamit niya. Tsk. Padabog naman akong naglakad papasok ng bahay hanggang sa kwarto ko.



Nakakaìnìs siya sobra! Linabas ko na lang yung makapal na comforter ko, para yun ang higaan niya.



Maya maya pa, pumasok na siya kasama si tatay.



"Buntis ang anak ko, bawal muna."-sabi ni tatay at bahagyang natawa pa silang dalawa.



"Opo, dont worry."-Sheon. Subukan niya lang gapangin ako rito. Sisigaw talaga ako. Lumabas na si tatay ng kwarto sinara na ito ni Sheon at linock pa.


Teka? Baka may balak siya sakin. Kinakabahan tuloy ako. Lumapit naman siya sakin at inagaw ang comforter na hawak ko at linatag niya sa sahig.



Binato ko naman sa kanya ang unan. Na nasalo niya naman at nahiga na siya sa lapag. Hayss. Buti naman. Pero wala pa rin akong tiwala sa kanya.


Possessive #1 MAID WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now