Chapter 31 ⚠️ WARNING⚠️

2K 39 0
                                    

"Attorney Sheon, wala ka bang trabaho ngayon?"-tanong ni Maj kay Sheon, ngayon na katabi ko si Sheon habang naglalunch kami.



"Ah wala, naka leave ako ng isang taon."-sagot ni Sheon. 1 year. Grabe naman yun, hindi siya magtatrabaho ng isang taon, ganun?



"Isa ka pala abogado Sheon?"-tanong naman ni Tatay.



"Yes po."-Sheon. Ang sarap naman nang ulam namin, si Sheon kasi ang nagluto. Masarap naman talaga siya, ay mali yung linutong ulam niya pala.



"Magkano ba ang sahod mo?"-diretsahang tanong ni tatay. Pati ba naman sahod tatanungin ni tatay. Pero magkano nga ba sahod ni Sheon na isa sa mga lawfirm sa New york.



"Mababa lang po ang sahod tay. Depende rin, pinakamababa na po ang 10,000 dollars lang pag Lawfirm on abroad."-sagot ni Sheon habang linalagyan niya ng pagkain ang pinggan ko kasi naubos na ang laman ng plato ko, nasarapan ako sa katabi ko eh, ay sa pagkain pala.


Lina-lang niya lang ang 10,000 dollars na yun? Kalahating milyon yan dito sa pinas ah. Ganun pala kalaki sinasahod niya.



"Dollars, ano ba yun? Anak ano ang dollars?"-tanong ni tatay kay Jacob.


"Range po yun sa ibang bansa, ibig sabihin lagpas sa kalahating milyon ang sinasahod niya at yun na ang pinakamababa."-jacob explained.



"Ang laki naman pala, mukhang yayaman tayo agad sa magiging bayaw mo."-halos pabulong na saad ni Tatay kay Jacob at natawa silang dalawa. Grabe naman ang dalawang ito, hindi na nahiya.



"Eh ano pala pinunta mo rito Atty. Sheon?"-tanong ni Maj habang sunod sunod ang subo niya.



"Sinundan ko lang yung kutsara ko, bigla na lang kasing nawala."-saad ni Sheon sa seryosong boses.




Napaubo naman si Maj at Jacob sa sagot ni Sheon. Pinagsasabi niya? Naka dřùgs ba siya?




"Anong sinasabi mo? Kutsara mo? Hahahah."-natatawang saad ni Maj, kahit ako gusto ko rin matawa. "Bumili kana lang kaya ng bagong kutsara mo, mumurahin lang naman."-natatawang saad ni Maj. Napatingin naman ako kay Sheon na nakatingin din pala sakin.



"Sobrang mahal ko ang kutsarang yon, wala siyang katulad at hindi mapapalitan ng kahit ano."-sabi niya na seryosong, habang nakatingin sa mga mata ko. Parang alam ko na ang ibig sabihin niya ng kutsara niya, ako ba yung tinutukoy niya?



Kasi noon sinabi ko sa kanya na siya ang tinidor ng buhay ko. Napaiwas naman ako ng tingin at pinagpatuloy ang pagkain ko.



Pagkatapos naming maglunch, si Jacob at Sheon ang nagligpit ng pinagkainan namin. Habang kami naman ni Maj nasa sala at nag aalaga ng mga pusa.



Maya maya nagsidatingan ang mga kasamahan ni tatay sa pangingisda, may mga dala itong alak at sa balkonahe sila nagpwesto.



Hay naku naman, bawal sana uminom ng alak si tatay kaso di naman yan magpapapigil.



"Sandali lang at tatawagin ko ang mamanugangin ko."-rinig kong saad ni tatay at pumasok ito sa loob at nagtungong kusina.



Seryoso siya, mamanugangin talaga? Ano kaya pinagsasabi ni Sheon kina tatay. Siguro sinabi niya na engaged kami, tingin niya naman papakasalan ko siya. Hindi noh.



Ang iingay naman nila, pumasok ako sa kwarto ko kasi matutulog ako. Medyo inaantok kasi ako, madalas ako antukin ganito talaga siguro pag buntis.



Possessive #1 MAID WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now