Chapter 17 ⚠️WARNING⚠️

2.3K 49 0
                                    

Anong oras kaya kami uuwi?


Kasama ko sa table ang mga kaibigan ni Audrey. Ang kukulit pala nilang kasama, akala ko makakarating si Peter at Cyriel hindi pala.



"Basta ako hindi na ako papasok nang school, magiging model na lang ako forever."-rinig kong sabi ni Chelsea sa usapan nila ng mga kaibigan niya.



"Oh Girl, andito ka pala."




Napalingon naman ako sa babaeng nasa may gilid ko. Babaeng nakasuot ng sleeveless at kulang na lang lumuwa yung dibdìb niya.



"Diba ikaw yung Fiance ni Sheon?"-she ask while she look at me from head to foot. "Ano bang ginawa mo at nagpropose sayo si Sheon?!"-sabi nito na matalim ang tingin sakin. Ito yung ex girlfriend ni Sheon eh.



"HUH? Wala, w-wala akong ginawa sa kanya."-sabi ko at medyo kinakabahan.



"Really, para sabihin ko sayo! Ako pa rin ang mahal niya, ginagamit ka lang naman niya para pagselosin ako at para balikan ko siya."-sabi nito na parang very confident pa. Nagtinginan naman yung ibang tao sa amin.



"Fiance ka, pero wala kang singsing, how sad? Sa bagay isa ka lang naman na hampas lupa!"-sabi pa niya at tumawa pa nang mahina.


"Hoy Babae!"-sabi ni Nikki at dinuro duro pa nito si bruha. "Sino kaya sa tingin mo ang hampas lupa. Diba penerahan mo lang naman si Kuya Sheon noon?!"-said Nikki, na kinalaki ng mata ni babae.



"Oo nga, diba nanlalaki ka, kaya ka hiniwalayan ni kuya Sheon! Diba?"-taas noo na turan ni Chelsea.




"At hindi lang yun, sobrang makati lang talaga siya. Akalain mo yun, pinagsabay mo ang dalawang lalaki. So, gross!"-mataray na saad ni Shin.



Grabe, nakakatakot naman pala ang batang ito. Sobrang tatapang nila.



"Diba, Makie? Bagay nga sayo ang pangalan mo, Makie? Makati! Hahahah!"-sabi ni Nikki at nagtawanan yung tatlo.


"Hindi yun totoo!"-sabi ni Makie, makati.



"Anong nangyayari dito?"-tanong ni Sheon nang lumapit ito sa amin kasama si Miggy. "Makie, ano bang ginagawa mo dito? Diba sabi ko sayo wag ka nang pupunta pa dito."-galit na saad ni Sheon base on his facial expression.



Ibig sabihin, palagi pala pumupunta dito ang ex-girlfriend niya?


"Gusto lang kita makita."-malambing pa na saad nito.




"Hibang ka lang, pwede ba umalis kanang mukhang pera ka. Bago ka pa namin hilahin palabas!"-Chelsea said habang ineerapan nito si Makie.



"Halika na, Makie. Ihahatid na kita sa labas."-sabi ni Miggy at hinila nito yung babae palabas ng bar. Grabe! Na speechless ako doon ah. Nakakahiya, madami pa namang tao.



"Jemah, are you okay?"-tanong ni Sheon na parang nag aalala. I just nodded. "Maiiwan ko na ulit kayo, pag bumalik dito ang babaeng yun. Tawagin niyo ko agad."-sabi ni Sheon at umalis na ito. May mga costumer kasi siya na mga ka law firm niya na kailangan niyang kausapin at asikasuhin.



"Ang kapal talaga ng babaeng yun, feeling niya naman babalikan siya dahil sa suot niya kanina. Duh!"-Chelsea said.



"Ang tatapang niyo kanina, akala ko kasi mahinhin kayo."-i said and i chuckled.



"Siyempre naman ate, pero kung matapang kami. Mas matapang po ang isa pa naming kaibigan na kapatid ni kuya Sheon."-sabi pa ni Chelsea. Nagpatuloy na kami sa pag iinum, sobrang dami ko nang nainum pero hindi man lang ako nalalasing.



Possessive #1 MAID WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now