CHAPTER 33 ⚠️WARNING⚠️

2K 47 0
                                    

Kinuha ko ang phone niya kung saan ito nakalapag at sinagot ang tawag nito.




"Hello anak. Happy birthday at happy anniversarry sa inyo ni Jeremiah. Kailan pala kayo uuwi dito sa maynila?"-rinig kong boses ng mama niya ng sagutin ko ang tawag niya.



Birthday ngayon ni Sheon at anniversarry namin?


En-end call ko naman ito. Nahihiya ako sa mama ni Sheon, sobrang bait ng mama niya tapos minamaltrato ko lang anak niya at pinalayas ko pa dito sa bahay. 





Kasalanan niya naman kasi, ang kulit kulit niya.nKinalikot ko ang phone ni Sheon, kaming dalawa ang wallpaper niya sa phone. Binuksan ko rin ang socmed niya.



Kaming dalawa ang nakaprofile sa Fb account niya. Di ko nakita ito, kasi nga blinock ko siya.




Tinignan ko rin ang messenger niya. Maraming nagchachat na mga babae sa kaniya, pero lahat yon hindi niya renereplayan. Maliban sa isang babae na kapatid niya.





Pero sino yung babae na kausap niya sa bar noon? Bakit kailangan na yakapin siya ng babaeng yon na hindi naman kagandahan.



Lumabas ako ng kwarto ko, si tatay ang nakaupo sa sofa namin.



"Mag usap nga tayo Jeremiah."-sabi niya na hindi ako linilingon. Kaya naman lumapit ako sa kaniya at naupo sa tabi niya. "Alam ko ang mga pinag gagawa mo sa boyfriend mo anak."-sabi niya na sobrang seryoso at napabuntong hininga pa.



"Masyado na akong tumatanda, ilang taon na lang pwede na akong mamaalam sa inyo. Kaya gusto ko sana, bago mangyari yon. Makita ko man lang kayo na masaya kasama ang mga mahal niyo sa buhay."-sabi ni tatay at bumubuntong hininga.



"Napakabait ng boyfriend mo. Gusto mo ba matulad sa nanay mo, palagi niya akong pinapahirapan noon, tignan mo maaga pa siya nawala kaysa sakin."-sabi niya na para bang tinatakot pa ako.




Mga bata pa lang kami namatay ang nanay namin, palagi niya nga pinapahirapan noon si tatay. Madalas din silang mag away, siguro sa stress nagkasakit si nanay at nawala nang tuluyan.




"Tay naman, gusto ko lang naman po kasing turuan ng leksiyon ang lalaking yon."-sabi ko at napayuko pa.




"Hindi ka niya linoko, kwenento niya ang lahat sakin."-sabi ni tatay na kinalingon ko sa kaniya.




"Po? Anong sabi niya?"-tanong ko, pero bakit di niya magawang mag explain sakin.


"Siya ang dapat magsabi sayo. Pag isipan mong mabuti ang mga sinabi ko sayo."-sabi niya at tumayo at naglakad palabas ng bahay.


Bakit kay tatay sinabi niya, sakin hindi. Siguro puro kasinungalingan lang mga sinabi niya kay tatay.


******

Nakatayo ako sa may baybayin, habang tinatanaw ang malakas na alon na sa karagatan at malakas na hangin na humahampas sa mukha ko. Medyo linalamig na nga ako eh.



Hindi na siguro babalik si Sheon, dalawang oras ang nakalipas simula nung umalis siya, malamang nasa Naga city na yun.




Bahala na nga siya, pag hindi siya bumalik ayoko na talaga sa kaniya. Pag bumalik naman siya, papatawarin ko na siya. Medyo nakonsensiya kasi ako sa nagawa ko, birthday niya pala ngayon at anniversarry namin kunwari. Dalawang taon na nga ang nakalipas simula nang makilala ko siya sa labas ng bar, kung saan hinahabol kami ng pulis.







Possessive #1 MAID WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now