Chapter 25 ⚠️WARNING⚠️

2.3K 55 2
                                    

Kinabukasan.


"Jemah, ano ba.!"-sigaw ni Sheon mula sa labas ng kwarto.


"Oo, sandali na lang."-ako. Ano pa nga ba ang nakalimutan ko. Kumpleto na ata tong notes ko. Bakit ba kasi late na ako nagising.


"Bilisan mo na."-malakas na boses ni Sheon mula sa labas ng kwarto ko. Bwèsìt naman, hindi naman siya yung malelate sa school ko eh. Nagmadali na akong lumabas ng kwarto bitbit ang bag ko.



"Tara na."-pag aya ko ng lumabas ako ng kwarto. Ihahatid niya kasi ako sa school. May driver nanaman ako ulit.


School.


Nagmamadali akong naglalakad papasok ng building, kasi ilang minuto na lang mag s-start na ang exam namin.



Hinatid ako ni Sheon hanggang sa classroom ko at sa upuan ko.


"Sige na umalis kana."-pagtataboy ko kay Sheon kasi dumating na ang prof namin, sakto naman at andito na kami. Pano ba kami hindi makakarating agad, eh halos paliparin na ni Sheon ang kotse niya, wag lang ako malate sa exam ko.


Ang sweet ng jowa ko noh, kahit muntik na ko mamatay kanina.


"Babantayan kita."-sabi ni Sheon at lumabas na ng room.


Maya maya nga nagsimula na ang first subject namin for examination. Basic lang ito para sakin, lalo na't andiyan ang inspirasiyon ko.


Naka ilang subject na kami, at walang break time yan ah. Nakita kong sumisilip sa may bintana si Sheon at kumakaway pa sakin.



Nandiyan pa pala siya, talaga bang babantayan niya ko hanggang sa matapos ang exam namin.


"Ang sweet naman ni Atty. Binabantayan ka talaga niya Jemah."-sabi nang classmates ko at nakatanaw sila sa may bintana at parang kinikilig pa ang mga ito.



"Kung ganyan ka sweet at ka gwapo ang boyfriend ko, mas gugustuhin ko na lang makasama siya kaysa sa magpakahirap sa mga exams natin."-sabi naman nung isa.


"Oo nga, kahit ako ganun rin."

Wow! Grabe, okay lang sa kanila yon? Ang hirap kaya makapasa sa Pol-sci tapos mas pipiliin lang ang boyfriend?


Sa bagay, mas mahirap kung mawawala sayo ang boyfriend mo. Lalo na kung ganyan ka sweet.


Lunch break.


Hayss. Makakapaghinga na din kahit papano. Paglabas ko ng classroom nasa may pinto pa rin si Sheon at inaantay ako. Kilig na kilig naman ang mga kaklase ko paglabas namin ng classroom.


"Ako na magdadala ng gamit mo."-sabi niya at kinukuha sakin ang bag ko at mga notes ko. Binigay ko naman kasi medyo nangangalay na ang kamay ko.


"Perfect ba ang lahat na sagot mo?"-tanong ni Sheon habang sabay kami na naglalakad sa hallway.


"Hmm. Secret."-sabi ko. Hindi nga ako sure kung tama ba lahat na sagot ko, pero okay na yun. Papasa naman yun kahit papano.



Naglunch lang kami sa Cafeteria ng School, masarap pala kasabay kumain sa school ang boyfriend mo. Maraming mata kasi ang nakatingin samin, malamang na iinggit sila ng husto sakin.


After mag lunch, sinamahan rin ako ni Sheon sa library para maka pagreview ako ng konti bago ako sumabak ulit sa exam namin.


Sana nga ganito na lang kami palagi, magkasama at palaging masaya. Pero pano kung malaman ng parents niya na dati niya lang akong bayaran at parausan, gugustuhin pa kaya nila ako para kay Sheon.


Possessive #1 MAID WITH BENEFITSWhere stories live. Discover now