Chapter 11

8 0 0
                                    

Pete's POV

"Sh*t, hindi ko palalagpasin ang ginawa mo sa'kin," Yan ang unang lumabas sa bibig ko habang ika-ika akong nag lakad pababa ng hagdan. Inaayos ko na rin ang gusot kong damit ngunit napahinto ako ng mapansin ko ang bubwit kong kapatid habang hinihimas ang ulo ng aso nito. Parehas pa na nanonood ng spongebob.

"Where's mom and dad?" Tanong ko sa kanya. Dumaretso ako sa kusina para kumuha ng pain reliever, sinagot ko lang ito nang malalabas na ako.

"They left already," saad n'ya.

Hindi ko na sana ito papansinin nang bumuka na naman ang madaldal n'yang bibig

"What did you do kuya? I heard your voices upstair. She sounds like a crying pig," saad nito habang nakatutok pa rin ang mga mata sa tv.

"It's none of your business, Louis."

"Then I will tell to mom that you bullied your new yaya,"

Napahilamos naman ako sa mukha sa sinabi nito. "Will you stop? I swear kapag nagsumbong ka kay mom ay sisiguraduhin ko rin na malalaman ni mommy lahat ng kalokohan mo sa school. Fyi little bro, she's my slave so I can do whatever I want."

"Wrong. Slave and personal maid are different. You dumb kuya," saad n'ya pa.

Nagulat naman ako sa sinabi nito. "What the? Seriously  Louis? Bata ka pa, where did you learn that?"

"Secret," maloko n'yang saad.

Nilapitan ko naman ito at hinawakan ang teddy bear n'yang spongebob. Nagulat naman ito sa inasta ko.

"Louis, is that how mom and dad teach you? Where did you learn being a brat?" Seryoso kong saad.

"Kuya stop!"

"No. Answer me." Madiin kong saad.

Pero hindi pa rin talaga natinag 'to at ngumuso lang. "I'll tell this to Ate Catherine."

Napahinto naman ako ng marinig ko ang sinabi nito at sinamaan ko na lamang ito ng tingin kaya binaba ko na ang spongebob n'ya bago ko pa s'ya igapos sa puno.

Bakit ba kasi nag bigay pa ng bagong chanak ang mga magulang ko. Buhok ko ang namumuti, hindi kanila. Dahil sa inis ko ay lumabas na lang ako dahil balak kong umalis pero iba ang naabutan ko.

Nakita ko lang naman ang mga magulang ko na ngayon ay nakikipag tawanan sa babaeng kanina ko pa hinahanap.

"You!"

Hindi ako nag dalawang isip na lapitan s'ya at bigla na naman akong nakaramdam ng galit nang maramdaman ko na naman ang pag kirot ng hita ko, mabuti na lang ay hindi sa patpat ko tumama kung hindi ay baka mabugok pati ulo ko.

Hindi pa man nakakalapit ay tumakbo na 'to papalayo sa'kin.

"Bakit ka ba tumatakbo! Stop! I need to talk to you." Sigaw ko.

At ang babae, mas binilisan pa ang takbo.

"The heck? May lahi bang rabbit 'to?" Bulong ko.

"Bobo ka ba? Hinahabol mo ako tapos tatanungin mo kung bakit ako tumatakbo?" Sigaw n'ya. Narinig ko pa ang tawa ng mga magulang ko marahil sa sinabi n'ya.

Ah talaga lang ha, lagot ka talaga sa'kin kapag nahuli kita.

Malapit ko na sana s'yang mahawakan nang bigla na lang itong nadapa. Nagulat pa ako dahil sa nangyari.

"A-aray,"

Pinapanood ko lang s'ya na umupo ng maayos at marahang inaangat ang palda hanggang tuhod n'ya.

"Are you okay, hija? Can you walk?"

Nabalik lang ako sa ulirat nang marinig ko ang boses ng ina ko na ngayon ay tinutulungan na s'yang tumayo. Tahimik ko lang silang pinanonood.

"Peterson, can you bring Jane to her room?" Saad ng ina ko.

Parehas ko naman silang tinitigan at bakas na sa mukha ng manang na babaeng 'to na tila naiiyak na.

"May lalabas na train d'yan,"

Hindi ko alam pero 'yan agad ang unang lumabas sa bibig ko nang gumawi ang tingin ko sa tuhod nitong nag durugo na.

"Really Peterson?" Gulat na saad ng ina ko.

Naramdaman ko naman ang pagtapik sa balikat ng ama ko kaya tahimik na akong lumapit sa ina ko. Kasalanan ko rin naman pero mali rin s'ya kasi tumakbo s'ya. Hindi n'ya tinitignan ang tinatapakan n'ya.

Aakayin ko na sana s'ya pero nagulat ako nang sigawan ako ng ina ko.

"Peterson! Ganyan mo ba tratuhin ang mga babae? Be gentle! Lift her. Not like that."

Mariin naman akong napapikit dahil sa sibat nito sa'kin at hindi na nag dalawang isip na buhatin 'tong manang na 'to in bridal style.

"Ibaba mo ako," mariing saad ng babaeng buhat ko.

"Huwag ka nang maarte. Kasalanan mo rin naman dahil boplaks ka, tatakbo ka na nga lang doon pa sa mabatong parte," bulong ko.

Natahimik naman ito sa sinabi ko hanggang sa makarating kami sa kwarto n'ya. Hindi pa man nakakahakbang papalabas ng pinto ay lumitaw na naman ang kapatid ko at inabot ang first aid kit at malakas na binagsak ang pinto sa mukha ko.

"What the? Buksan n'yo ang pinto!" Inis kong sigaw.

"Anong nangyayari?"

Napalingon naman ako sa babaeng ngayon ay naka upo sa kama nito. "We're locked." Inis kong saad.

Nilapitan ko naman ito at inabot sa kanya ang hawak kong box. "Oh, gamutin mo 'yang sugat mo." Saad ko.

Tinitigan lang ako nito na para bang baliw dahil bakas sa mukha n'ya ang gulat. "Wow, ang bait mo talaga. Thank you, ha." Sarcastic nitong saad.

Ngumisi naman ako at umupo sa sofa n'ya. "You're welcome."

Muling natahimik ang buong kwarto. Pinapanood ko lang s'ya na ginagamot ang sugat n'ya hanggang sa maibalot n'ya ng benda ang tuhod n'ya.

Tumayo naman ako at nilapitan s'ya. "Now, can we continue what we're doing earlier."

"Ha?"

Nilingon naman ako nito habang nanlalaki ang mga mata at mabilis na sumampa sa kama habang tinatakip ang mga kumot sa katawan.

"The hell are you doing?" Kunot noo kong saad.

"Wala tayong dapat pag usapan, deserve mo 'yan. Hambog ka kasi! Walang puso" Sigaw n'ya.

Mariin ko s'yang tinitigan dahil sa sinabi nito.

"Lumayo ka sa'kin kung ayaw mong sumigaw ako."

Bakas sa mukha n'ya ang kaba at gulat habang nag susumiksik sa headboard ng kama. Ngayon ko lang napansin na magaganda pala ang kulay ng mga mata n'ya dahil wala na itong salamin.

Cute.

"Okay, sorry na, sorry na!"

Hindi ko pinansin ang sinasabi nito hanggang sa makasampa ako sa kama n'ya at dahan-dahan s'yang nilalapitan.

"Naririnig mo ba ako? Hindi ko sinasadya yung kanina okay, kaya p'wede ba na lumayo ka na." Saad pa n'ya at mas lalong lumayo pa.

Huminto naman ako at natawa sa sinabi n'ya. "Really? Hindi sadya? You almost crushed my balls earlier tapos hindi sadya? Are you kidding me. Ano 'yan, nasagi tapos three points sa target?" Mapakla kong saad at marahas na hinila ang kumot na tumatakip sa paa n'ya at marahas s'yang kiniliti sa sakong.

"Ahhh! Tama na!"

Nagulat naman ako sa pagtili nito pero mas nagulat ako nang maramdaman kong may tumusok sa pwet ko hanggang sa tuluyan nang nag dilim ang paningin ko.

To be continue...

Mr Badboy Personal MaidWhere stories live. Discover now