Chapter 5

152 57 66
                                    

"MANILA NA! MANILA NA!"

Naalipungatan ako sa lakas ng sigaw ng kondoktor kaya dali-dali akong umayos nang pagkaka upo. Nag iinat naman ako nang may mahulog na bagay sa paanan ko.

"Pamilyar ang itsura ng telang 'yon. Saan ko ba nakita 'to?"

Kunot noo ko 'tong pinulot at napansin kong wala na yung lalaking katabi ko. Nagtataka kong minadali ang pag aayos at lumapit sa konduktor para magtanong.

"Kuya, may lalaki po ba kayong nakita na ano matanggkad na maputi po? Yung katabi ko kuya napansin niyo?" tanong ko habang kumukuha ako ng pera sa bag pero bigla na n'ya akong pinigil.

"Bayad ka na atsaka yung mukhang mayaman na lalaki? Nako, kanina pa siya bumaba sa may Ayala, sa tapat ng Starbucks. May nag aabang ata sa kanya, eh." Saad nito habang nagbubutas ng papel, marahil nakalimutan niya ako kanina.

"Bakit kaano-ano mo ba 'yon? Inpernes sa itsura mong yan, nakadakwit ka pa ng mayaman." Mapanukso niyang sagot nang maiabot sa'kin ang papel. 'luh, chismoso si manong'

Naiilang ko siyang inilingan bilang pagtugon. "S-Starbucks? atsaka manong sinong nagbayad sa'kin?"

"Yung nobyo mo, hija. Bakit?"

Natigilan naman ako sa sinabi niya. 'Nobyo? eh, wala nga akong jowa. Joker ba 'tong si manong?'

"Ah, wala manong. Sige, salamat po" Magalang kong sagot bago ako lumabas ng bus. Hindi ko na rin pinahalata na hindi ko alam kung anong lugar ang Starbucks at Ayalang tinutukoy niya pero may ganun ba talaga? Saan gawi 'yon?

Mas mabuti siguro kung maghanap na 'ko ng masasakyan papunta sa mansyon ng mga amo ko, baka nag hahantay na sila.

Nang makababa sa ay inilapag ko muna sa isang tabi ang mga gamit ko dahil na rin sa init. Nangangawit na rin ako sa mga dala ko. Ilang minuto rin akong nakatayo bago nagpatuloy sa paglalakad.

"Ang dami kong dala jusko, pinalayas na ba ako?" sigaw ng isipan ko ng magpatuloy ulit sa paglalakad.

Pero naligaw lang ako kaya nagtanong na 'ko baka may alam sila.

"Ganito pala sa manila, ang dami tao at ang dami malalaking building. Sobrang nakakalula." bulong ko sa hangin habang nakatingala sa isang mataas na gusali.

"Ang alam ko sabi sakin ni inay mas maganda raw dito pag gabi kasi madami ilaw," bulong ko pa. Narinig ko ang ilang bulungan ng iba marahil sa itsura ko. Daig ko pa kasi ang manang sa suot ko at sa kakasalita kong mag-isa.

Dahil sa hiya ay nagpatuloy na lang ako sa paglalakad, pero napatigil din ako dahil uhaw ko. Kaya tumambay muna ako sa isang tindahan at bumili ng mineral.

"Ate, isang mineral nga po," magalang kong saad.

Nag abot naman ito ng maliit na mineral. "Kinse pesos, hija."

Natigilan naman ako sa sinabi niya.

"Kinse?" nanlalaking mata kong sagot. Natawa naman siya dahil sa inasta ko sa kanya.

"Oo,"

'Grabe, ang mahal ng mineral 15 pesos sa ganun kaliit? sampo lang dapat 'yun.' gulat kong sabi sa sarli ko.

"Bibilhin mo ba?" nagtataka niyang saad.

Kahit nanlulumo ay inabot ko sa kanya ang bente na dapat pamasahe ko. Inabot naman niya 'to at nakangiti akong sinuklian.

Ilang lagok lang ang nagawa ko marahil din sa uhaw. Nakanguso kong sinilid sa bag ang gamit ko bago nag ayos ulit ng maalala kong balak ko nga pa lang magtanong.

Mr Badboy Personal MaidWhere stories live. Discover now