Chapter 3

168 65 84
                                    

"Captain! mauna na kami." sabi ng iba sa teamates ko habang papalabas na ng shower room.

"Oo, ingat tol." maikli kong saad habang dinadama lalo ang lamig ng tubig.

Katatapos lang namin maglaro ng basketball. Naisipan na din naming maligo tutal may pupuntahan din ako. Dadaretso pa ako sa mall dahil may kailangan akong daanan doon.

"Mukhang problemado ang captain natin, ha?"  natatawang sabi ni Steven, ang shooting guard ng grupo.

"Halata nga pre, kita mo naman ang mukha, parang nalugi HAHA." sagot din ni Troy

Mariin lang akong napapikit dahil wala na akong lakas na makipag kulitan sa kanila dahil masakit pa rin ang katawan kk matapos ang nangyari kahapon. Kinabukasan din noon ay laro namin sa kabilang unibersidad kaya wala akong gana para makipagsabayan pa sa kanila.

"Manahimik nga kayo, baka mamaya ay umuwi kayong bugbog sarado," natatawang saad naman ni Daimon

Bago pa ako umalis sa pwesto ay binigyan ko na muna nang matalim na titig ang dalawa kaya natahimik din sila mula sa pagtawa.

"Tapos na ako, mauuna na ako sa inyo." malamig kong saad bago ko binalot ng tuwalya ang kalhati ng aking katawan.

Nang makabihis ay agad ko ding nilisan ang iskwelahan at mabilis na pinaharurot ang sasakyan ko. Gusto ko nang mahiga sa kama dahil sobrang sakit ng katawan ko.

Habang nag mamaneho ay nakatanggap naman siya ng mensahe. Sinigurado niyang naka red light bago niya 'to binuksan.

+09*********

Hey babe, how are you? I miss you so much. Btw, malapit na ako umuwi sa pilipinas! Let's meet at my condo when I get home, ok?"

Receive (5:48 PM)

Hindi niya alam kung sino ang nagmamay-ari ng numiro na'yon pero isa lang ang kilala niyang babaeng pumasok sa isipan niya.

Si Maddie Mendoza, she's a spoiled brat at hindi siya gusto ng magulang ko para sa'kin, especially my mom. Ewan ko ba pero stalker ko ang babaeng 'yon at wala akong gusto 'don.

Hindi ko na lang ito nireplayan dahil sayang lang sa load at nag green light na din kaya pinagpatuloy niya lang ang pagmamaneho.

Habang humaharurot ay doon ko lang napansin na may mali.

"What the?" irita kong saad.

Tangkang ililiko ko na sana ang aking sasakyan nang bigla akong naharang ng isang nakakotse at sa loob nun ay may lalaki na nakasuot ng all black at tinututukan na ako ng baril.

'Great' bulong ko pa.

Pinaandar ko na ang sasakyan ko na parang nangangarera sa bilis. Kasabay ng pagtakbo ng sasakyan ang siya ding bilis nang putok ng mga baril.

"Shit! Limited Edition 'tong sasakyan ko at bagong bili lang!" Sigaw ko ng biglang nabasag ang bintana sa likod ng sasakyan ko.

Bigla kong kinabig ang kambyo pakaliwa ng bigla akong pinaputukan ulit nito. Tinamaan ako pero daplis lang naman, malayo sa bituka.

Nag paputok itong muli ngunit natamaan nito ang gulong ng kotse ko kaya sumalpok ako sa puno, buti na lang ay hindi sumabog.

"Kapag minamalas nga naman oo."

Mabilis kong tinakbo ang gubat. Mabuti na lang ay sa dulo noon ay may highway at madaming mga tao. Kasabay nang paglabas ko  sa gubad ay nakarinig naman ako ng pagsabog. Paniguradong pinasabog nila ang sasakyan ko.

Tumakbo ako hindi dahil sa takot, kung hindi dahil sa mauubusan na ako ng dugo. Wala rin akong dalang armas para lumaban sa kanila. Habang tumatakbo ako ay may bus akong nakita kaya pinara ko agad ito. Mabilis naman akong pumasok sa loob dahil napansin kong malapit na ang mga humahabol sa'kin.

Mr Badboy Personal MaidWhere stories live. Discover now