Prologue

591 82 149
                                    

Pagbaba na pagbaba ko pa lang sa taxi ay natanaw ko na agad mula sa kinatatayuan ko ang isang pigura na nakasandal sa puno.

Pinapunta niya ako dito dahil may importante raw siyang sasabihin.

Napansin ko naman na tila may usok na lumalabas sa bibig nito kaya dali-dali ko na siyang pinuntahan. Bago pa man ako makalapit ay naamoy ko na agad ang pamilyar na amoy ng pinag halong alak at pabango.

Mukhang hindi nito naramdaman ang prisensya ko dahil nakatanaw ito sa malayo. Kaya hindi ako nag dalawang isip na hawakan siya sa balikat ngunit isang malakas na pag iwas lang ang natanggap ko.

Sandali akong natulala bago nagsalita. "Bakit mo pala ako pinapunta dito?" kabado kong tanong.

Isang sulyap lang ang binigay nito sa akin at muling humithit sa sigarilyo.

"Hinahanap ka na nila tit-"

"Can you please, stop?" iritadong sagot nito

Akmang magsasalita na ako pero napa atras na lang ako nang hinarap ako nito na may isang matalim at nakakairang titig.

"Mag hiwalay na tayo." matigas nitong saad.

Tila nilamon naman ako ng kaba at takot sa aking narinig. "Lasing ka lang, halika na at uuwi na tayo."

Tinatagan ko ang loob ko habang hina-hawakan siya sa kamay, pero muntik na lamang akong tumalsik nang bigla niya akong tinulak.

Isang nakakabinging sigaw naman ang nag pagising sa diwa ko, pati na rin sa tahimik na lugar na ito.

"Don't f*ckin' touch me!" Galit nitong sigaw bago ako tinalukuran.

Nag simula itong mag lakad papalayo kaya hinabol ko ito pero napatigil na lang ako ng bigla ako nitong harapin.

"Ayoko nang makita 'yang pagmumukha mo, bukas na bukas," malamig nitong saad.

"Nag bibiro ka lang, hindi ba?" kagat labing tanong ko habang nakayuko ako.

"Please, sabihin mong oo."

"Hindi."

Tila isang matalim na kutsilyo ang tumarak sa puso ko nang marinig ko ang mga salitang 'yon. Nagbabadya na ring tumulo ang aking mga luha. Tumayo naman ako nang tuwid at pilit siyang nilalapitan "Anong mali? ano ba ang mali, ha?!"

Buong akala ko ay mag papaliwanag ito pero, ngisi lamang ang natanggap ko mula dito. Sinimulan niya akong titigan mula ulo hanggang paa bago muling nagbagsak ng salitang ikakapang hina ko.

"You know, hindi naman kita minahal. Laro lang lahat ng nangyari at kahit kailan man hindi kita magagawang mahalin. Look at yourself, hindi ka nababagay sa'kin dahil isa ka lang pipitsuging kasambahay na humuhuthot sa magulang ko. Hindi ko inakalang seseryosohin mo pala lahat ng sinabi ko sayo." ngisi nitong sagot.

Halos mang lambot ang mga tuhod ko sa mga salitang binibitawan niya. Hindi ko naiwasang mapakuyom ng kamao kahit na nanlalabo na ang tingin ko sa kanya dahil sa luha.

"Pero bakit? ano bang nagawa kong kasalanan sayo para gawin mo sa'kin 'to?!"

Hindi ko na natiis ang aking sarili na suntukin siya kahit na alam kong hindi yun malakas. Muli ko sana itong susuntukin sa mukha pero isang tulak naman ang natanggap ko. Tumama ang tuhod ko sa isang matulis na bagay at dumugo ito pero hindi ko ito pinansin dahil mas mahalaga ang makausap ko siya ng maayos.

"ANO BA!" madiing saad nito ng bigla akong lumuhod.

Humahalo na sa lupa at damit ko ang pulang dugo ko at kahit masakit ito ay tinitiis ko.

"Sabihin mo sa akin na biro lang ang lahat ng sinabi mo!" pagmamakaawa ko habang niyayakap ang mga binti nito.

Sandali pa siyang natahimik bago nagsalita "Hinding hindi mo mababago ang sinabi ko."

Napabitaw na ako sa binti niya kaya malaya na siyang naglakad papalayo.

Sa hindi kalayuan ay nakita ko naman ang kotse nitong naka parada malapit sa cafe na madalas namin na puntahan.

Pero mas natigilan ako ng makita ko ang taong nag aabang sa loob noon. Pakiramdam ko ay pinag lalaruan ako ng tadhana. Nakakapang hina.

~~~~~~~~~~~~~~~~~

[Author's message: Hello po, sorry if ang panget. First time ko gumawa ng story hahaja nainspired ako sa jowa ko jwk hahaha atska sorry if my english is not good ..yun lang thank you]

P.P.s : (THIS STORY ARE UNDER EDITING)

Mr Badboy Personal MaidWhere stories live. Discover now