Chapter 16

3 1 0
                                    

Halos mabaliw na ako kaka-ikot sa kwarto ko matapos ang nangyaring eksena kaninang hapon. Aaminin ko na kulang na lang ay lamunin na ako ng kahihiyan dahil sa inasta ko, ngunit ano ba ang magagawa ko? Tinawag ako ng kalikasan. Hindi dapat 'yon pinipigilan. Mabuti na nga lang ay umalis na yung dalawa nang makalabas ako ng banyo.

"Oh, hindi ka pa inaantok? Maaga pa ang alis mo bukas. Baka mamaya ay tanghaliin ka nang gising n'yan,"

Napalingon naman ako kay aling Yolanda na ngayon ay mag ti-tiklop na ng mga bagong labang damit.

Ngumiti naman at marahang umupo sa harapan n'ya. "Aling Yolly, kailangan po ba talaga ako bukas? Baka p'wedeng kayo na lang po."

Ilang beses kong pinag kiskis ang mga palad ko sa harapan n'ya para malaman n'yang ayoko talagang pumunta sa paaralan ng amo kong impakto, bukas.

Oo, pupunta ako bukas sa paaralan ng amo ko para mag pa-enroll. Nakakagulat hindi ba? Ngayon ko lang nalaman na ang mga katulong na kagaya ko ay pinag a-aral rin pala ng mga amo nila. Except sa tunay na amo kong impakto.

"Hija, hindi naman ako ang mag a-aral, isa pa, hindi ba't 'yan naman ang gusto ng mga magulang mo? Tignan mo kanina, daig pa nila ang nanalo sa lotto nang ibalita namin na ipag papatuloy mo ang kolehiyo mo."

Napanguso naman ako dahil sa sinabi nito. "Pero aling Yolly kasi, hindi ako sigurado na kung tama ba na ituloy ko pa ang pag a-aral ko. Parang mas gusto ko na lang po na mag-focus ako sa trabaho."

Natahimik naman saglit ang matanda sa sinabi ko at kalaunan ay tinabihan ako sa pwesto.

"Malaki ang maitutulong nito para sa'yo hija, huwag mong sayangin. Isa pa. Alam namin na may pangarap ka. Bata ka pa. Huwag mong hahayaan na pangunahan ka ng takot. Sige na. Matulog ka na at sasamahan ko kayo bukas ni Pete."

Hindi na ako nakasagot dahil umalis na rin ito, dahilan para maiwanan na naman akong mag-isa sa napakalaking silid.

Nakatitig lang ako sa kisame hanggang sa hindi ko na namalayang nag umaga na. Sa sobrang lalim ng iniisip ko ay hindi man lang ako naka idlip kahit sampong minuto. Jusmiyo marimar.

"Faith, sweetie, gising ka na ba?"

Marahas akong napa baling sa pintuan nang bumalik ako sa ulirat.

"Diyos ko, anong oras na? Umaga na? Hala! Hindi pa ako nakakatulog!"

Mabilis akong tumayo para pag buksan nang pinto ang taong kanina pa kumakatok sa pintuan ko. Mukhang daig pa nang nakakita ng multo ang matanda na ngayon ay nakatayong pustura sa harap ko.

"M-magandang umaga po, ma'am. Bakit po pala kayo nandito?" Kabado kong saad at marahas na hinawi ang buhok ko.

Tinitigan pa ako nito mula ulo hanggang paa. "Mukhang excited ka, hija." Ngiting saad nito.

Nakita ko naman sa likuran n'ya ang dalawa kong among busabos na ngayon ay may pandidiring ekspresyon sa kanilang mga mukha.

"Ew. Amoy itlog na bugok ang hininga, kuya."

Halos lamunin na ako ng hiya dahil sa narinig ko. Marahan ko pang hinawi ang ilang hibla ng buhok ko, gano'n na rin ang panis na laway na naramdaman kong tuyo na sa labi ko.

"Hija, don't mind them. Gumayak ka na at sabay-sabay na tayong mag breakfast, hihintayin ka namin." Ngiting saad ng matanda. Hindi na ako nakasagot dahil baka totoo nga ang sinabi ng bubwit kong amo.

Sinara ko na ang pintuan dahil sa kahihiyan na nararamdaman ko.

"Lord, bakit mo ba sa'kin ginagawa 'to. Hindi mo ba ako favorite talaga?" Mangiyak-ngiyak kong saad at dumaretso na sa banyo para mag ayos.

Suot ang maluwag na t-shirt at wide leg pants na chekered, sinigurado kong nakapusod ang mahabang buhok ko dahil ayokong mag mukhang manang lalo. Pababa pa lang ng hagdan ay tanaw ko na ang mag lola na masayang nag ku-kwentuhan.

"Ma-magandang umaga po," nahihiya kong saad.

Mariin kong hinawakan ang bag ko nang balingan ako ni Peterson pero mukhang mali ata ang desisyon nito dahil nabuga lang naman n'ya ang kinakain n'ya. May lumabas pang kanin sa ilong n'ya.

"Fuck- Ano ba 'yang suot mo?!" Sigaw nito at marahas na hinampas ang dibdib. Tinulungan naman s'ya ng ibang katulong.

"Why? She looks cute." Saad ng matanda na ngayon ay nakahawak pa sa baba n'ya habang tinititigan ako. "Come, sit and eat with us dear, huwag mong pansinin si Peterson."

Nahihiya naman akong umupo sa tabi nito, pero mukhang mali ata ako ng pwesto dahil daig ko pa ang pinapaulanan ng darts.

Napalunok na lang ako at nag simula na lang kumain. Hindi ko na pinansin ang mga titig ng dalawang amo kong may regla.

"So Faith, anong kurso ba ang kinuha mo ngayong college?"

Napa upo naman ako ng tuhid dahil nagsisimula na ata ang hot seat show ko ngayong araw.

"Ah, Business Administration po ma'am," saad ko at sumubong muli.

"Why? Siguro may business kang gustong itayo?" Saad nito. Nilingon ko naman ang matandang katabi ko na ngayon ay naka titig sa'kin.

Tumango naman ako. "Opo, sa katunayan ay gusto ko po talaga maging flight attendant kaso-"

"Baka hindi umandar ang eroplano, mataba ka pa naman."

Napalingon ako kay sir Peterson na ngayon ay nag lalakad na palabas ng dining area. Napayuko na lang ako dahil sa sinabi nito.

"Shut up, Peterson- kanina pa kayong mag kapatid. Umalis na kayo sa harapan ko at mag hintay kayo sa sasakyan!"

Napakagat ako nang labi dahil sa nangyari. Ang aga-aga sira na agad ang araw ko.

"Shh, don't mind them. Kulang sila sa buwan kaya ganyan ang mga ugali. Kumain ka na lang hija, dapat may lakas ka dahil mag so-shopping tayo."

Napatango na lang ako at pinilit ang sarili kong huwag maiyak. Grabeng almusal naman 'to. Ramdam hanggang buto yung linamnam.

Hindi rin nag tagal ay umalis na rin kami. Nauna nang umalis ang bubwit kong amo dahil mas maaga ang pasok nito, hindi kagaya ni sir Peterson na papasok lang ngayon dahil sasamahan lang n'ya ako mag-enroll.

Iniwanan lang din namin ang lola nito sa bangko. Mag kikita na lang daw kami sa mall mamaya.

Tahimik lang ang buong byahe. Ayokong maka usap ang amo kong busabos at bastos ang bunganga.

"Huwag kang gagawa ng kalokohan."

Napalingon naman ako sa kanya, nahuli ko pang umiwas ito nang tingin. "Huwag kang mag alala, hindi hamak na mas matino ako sayo, baka ako pa ang sumakit ang ulo sa gagawin mo." Saad ko at inirapan s'ya.

Saktong pag tingin ko sa labas ay huminto na rin ang sinasakyan namin sa parking area. Lumabas na ang amo ko at marahas pang sinara ang pintuan.

"Ano ba, masira!" Saad ko at hinabol s'ya. "At isa pa, p'wedeng bagalan mo naman? Ang bilis mo mag lakad." Naiinis kong saad.

Tumigil naman ito dahilan para mauntog ako sa likod n'ya. Kunot noong hinawakan ko ang ilong ko nang harapin n'ya ako.

"Mainam nga 'yung maiwanan ka, baka kasi isipin ng iba na may kasama akong baliw. Tss. Bilisan mo lakad mo. Ayoko ng mabagal." Saad nito at nag lakad na.

Napanganga naman ako sa sinabi n'ya. "Ang kapal ng mukha mo, kung ako mukhang baliw, ikaw baliw na! Sira ulo!" Saad ko at hinabol s'yang muli.

Kahit naiinis ay sumunod lang ako sa kanya. Rinig na rinig ko ang mga bulungan ng mga nakakasalubong namin. Gano'n na rin ang mga titig nila na may halong pag tataka, inggit, at panlalait.

Mula sa pwesto ko ay tanaw na tanaw ko ang amo ko na ngayon ay malayo na sa'kin, para bang wala itong pake talaga na wala ako sa likod n'ya. Napabuntong hininga na lang ako dahil sa nangyayari.

Mukhang hindi ata maganda ang magiging buhay ko dito sa paaralang ito.

To be continue...

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 12, 2023 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Mr Badboy Personal MaidTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon