Chapter 12

6 0 0
                                    

Tahimik lang akong nagluluto ngayon sa kusina. Maaga akong nagising dahil na rin sa maaga akong nakatulog kagabi marahil sa pagod.

"Faith, pakiabot naman yung mga plato para madala na sa lamesa,"

Napahikab pa ako bago ko sinunod ang utos ni Lira, ang kasama ko ngayon. Ka-edaran ko lang s'ya at bagohan rin pero mas nauna s'ya ng isang buwan kesa sa'kin.

"Huy, tulala ka na naman, bilisan mo na at baka maabutan na tayo ng tanghali. May pasok pa sila sir Lawrence."

Tumango lang ako dito bilang sagot at minadali na ang pag kilos. Simpleng umagahan lang naman ang ipinaluto sa'min dahil kadalasan ay hindi naman daw malakas kumain ang mga amo namin. Nag luto ako ng itlog, bacon, at sangag.

Nang matapos ay sabay na kami dumaretso sa dining room at naabutan namin ang mag kuya na nagtatalo na naman habang si ginang Yolly ay pinag sisilbihan sila sa gilid.

"Louis bilisan mo naman, male-late na ako sa game ko." Iritadong saad ng boss kong dragon. Nag tama pa ang mga mata namin pero mas nauna itong nag iwas na ikinagulat ko.

"Kuya ayoko pang pumasok. Bakit kasi monday na ulit. Make it saturday na please para mag-play na lang ako." Nakabusangot na saad ng bata sa kuya nito na ikinabusangot lalo ng mukha.

"Eat your food Louis or else,"

Napatikhim naman ako sa inasta nito.

"What?" Saad nito habang nakakunot ang mga kilay sa'kin.

Nag iwas naman ako dahil naiilang ako. "Wala," bulong ko.

"If you have something to say keep it to yourself. I don't want to hear voice and opinion."

Natahimik naman ako sa sinabi nito hanggang sa sumabat na lang muli ang batang maldito.

"Kuya, you're so sungit. May red tide ka ba like ma'am?"

"Shut up, Louis. Huwag mo akong galitin. Hindi ko pa nakakalimutan ang ginawa mo sa'kin kagahapon." Malamig na saad nito na ikinatahimik naming lahat. Hanggang sa matapos na nga silang kumain. Halos maiyak naman ako dahil sa pigil na tawa habang pinanonood ang boss ko na iika-ika pa sa paglalakad. Naalala ko na naman tuloy ang nangyari kahapon.

"Hoy, ikaw ha, close ata kayo ni sir?"

Napalingon naman ako kay Lira na ngayon ay nakikichismis na sa tabi ko habang ngumunguya ng natirang bacon.

"Ano ka ba, hindi no, wala lang s'yang galang kasi nasa harapan ng hapag pero nag a-away silang magkapatid." Bulong ko na ikinatawa n'ya.

Hinawakan naman n'ya ako sa balikat. "Alam mo, kulang pa 'yan sa mga nakita at naranasan ko. Mas malala 'yan kapag andito si ma'am Catherine." Saad pa n'ya at iniwanan akong nakatulala sa pwesto.

Nakita ko pa si nanay Yolly na natatawang nagliliglit ng pinag kainan.

"Teka, nay! Ano pong ibig n'yang sabihin?" Takang saad ko.

"Nako, Faith, huwag mo na tanungin para lang sa ikabubuti mo pero kung gusto mong malaman, isipin mo na lang 'yung nangyari kagahapon. Gano'n silang magkapatid."

Napatanga naman ako sa sinabi nito. Yung nangyari kasi kahapon ay isang hindi talaga inaasahan.

Sino ba ang hindi magugulat kapag may bumulagta sa harapan mo habang ginagapang ka. At ang malala pa do'n, isang batang bubwit pa ang may kagagawan no'n.

Oo, tama kayo. Si Louis ang may kasalanan kung bakit natigil sa pag buga ng apoy si sir Pete matapos nitong turukan ng pampatulog sa pwet. Kahit sila ang mga magulang nila ay hindi rin alam kung ano ang rason kung bakit ginawa 'yon ng bata, pero ang sabi lang ay ayaw daw kasing gumana sa tarantula n'ya na hay*p kaya sinubukan daw n'ya sa kuya n'ya tutal naman daw ay isa itong dragon.

Sa sobrang gulo nga namin ay nilayasan na lang kami ng mag-asawa dahil baka ano pa raw ang mangyari kay ma'am Clarise dahil sa nakikita n'ya.

"Jane, halika dito at may ituturo ako sayo," ngiting saad ni nanay Dina nang maabutan ko itong nag aasikaso sa mga halaman. Si Ginang Dina ang namamahala sa hardin ng pamilya lalo na sa mga bulaklak, habang ang asawa naman nito ay suma-sideline bilang driver ng mag-asawa.

"Ano po 'yan?" Bulong ko nang makita ko sa malapitan ang hawak-hawak nitong mga buto.

Sa tabi n'ya ay ilang kagamitan sa pagtatanim. "Sunflower hija, paborito kasi 'to ni sir Pete kaya nakisuyo na ipagtanim s'ya tutal naman ay maganda ang panahon ngayon." Ngiting saad n'ya.

Ha? Sunflower? Bakla ba s'ya?

'Yan agad ang pumasok sa isip ko at marahil ikinatawa naman ng ginang 'to. "Ano ka ba, siguro ay iniisipan mo na nang masama si sir. Nagkakamali ka na agad kung oo."

Mabilis naman akong umiling. "Hindi po ah, ngayon lang po kasi ako nakakilala ng ganun. May lalaki pa palang mahilig sa bulaklak."

Saad ko habang iniiwas ang tingin, at para makatakas na sa pang gigisa ay dumaretso na ako sa bodega para kumuha ng pang linis nagagamitin. Nag habilin kasi muna si sir Pete na linisin yung isang silid sa dulo ng second floor.

Balita ko kasi ay may espesyal na bisita ang darating ngayong araw. Sa katunayan ay ayaw pa akong pagkatiwalaan ni sir Pete kaya si manang Yolly na ang nag-asign sa'kin dahil wala pa naman akong ganap ngayon bilang personal na julalay ng amo ko.

Habang pumapanik sa hagdan ay napansin kong halos lahat ng kasambahay ay nagmamadaling kumilos at para bang aligaga dahil kahit kasulok-sulukan ng bahay ay hindi nila pinalampas linisin.

"Nanay Linda, sino po ba yung darating na bisita ni sir Pete?" Tanong ko nang makasalubong ko ang ginang.

May hawak pa 'tong mga pinag palitan ng kurtina galing sa kwartong lilinisin ko.

"Ah, si ma'am Scarlet- ay, yari ka na bang linisin 'yung kwarto? Nako mag madali ka at parating na raw sila." Saad nito at nilayasan din ako.

"Scarlet? Wow, ang ganda ng name." Bulong ko.

Hindi pa man ako nakakapasok sa kwarto ng marinig ko ang boses ng amo kong may regla.

"Manang Yolly! Yari na po bang malinis yung kwarto?!"

Nanlaki naman ang mga mata ko dahil saktong pag banggit nito ng kwarto ay saktong bumungad sa harapan ko ang napakadumi at sobrang maalikabok na silid.

"Ano 'to? Kwarto pa ba 'to?" Bulong ko. Pakiramdam ko kasi nasa ibang dimensyon ako.

Huminga muna ako ng malalim bago ko sinimulan ang trabaho. Nag umpisa ako sa sahig dahil mas unti na lang rin naman ang lilinisin ko kapag napagpag ko na lahat ng nasa cabinet.

Siguro ay wala pa ako sa isang oras nang makarinig ako ng boses sa likuran ko.

"What's this? Hindi ka pa rin nakakatapos?"

Napalingon naman ako sa boss kong naka pamewang ngayon sa harapan ko.

Tinignan ko muna ang sitwasyon ko pati ng kwarto bago ko s'ya sinagot. "Sir, hindi naman ako si flash para mayari agad 'to ng isang oras."

"E, sino ka? Si turbo kasi mabagal kang kumilos."

Pumintig naman ang tenga ko at sinalubong rin s'ya nang tingin. "Bakit, ano bang akala mo sa kwarto na 'to? Isang eskenita? Tapos ako lang mag-isa pag lilinisin mo?"

Hindi ko na hinintay ang sasabihin nito sa'kin at muli nang tumalikod para palitan ng mga punda ang unan sa sofa.

"Kung gusto mo na mayari ako dito agad mas mainam na na umalis ka na dahil iniistorbo mo lang ako." Habol ko pa dito pero mukhang mali ata ang sinabi ko.

Minabuti ko na lang na lumayo ako dahil hindi ako kumportable sa prisensya pero mukhang mali ata dahil natapakan ko lang naman ang basahan sa sahig na naging sanhi nang pagkadulas ko.

Mariin akong napapikit at hinihintay na lang tumama ang pwet ko sa sahig ko pero iba ang naramdaman ko dahil imbis sa pwet ko tumama ay sa labi ko 'to naramdaman.

"Ohh, is this my welcome greet from you, apo?"

To be continue...
---
(Follow the RBP)

Mr Badboy Personal MaidWhere stories live. Discover now