Chapter 14

4 0 0
                                    

Faith's POV

"Nanny, diba may bisita pang darating so mainam na rin na yung ma-advance na yung pag lilinis diba." Pilyo nitong saad na nakapag pa-kunot ng noo namin.

"Louis, ikaw na bata ka, isusumbong kita kay mommy mo, ako'y tigil-tigilan mo. Halika't mag linis ka ng kwarto mo!" Saad ni aling Yolly na ngayon ay hinabol na ang batang paslit.

Natawa naman ako dahil sa nakita kong side ni aling Yolly. Hindi halata sa itsura nito na mabilis pa itong tumakbo.

Hindi ko na sila hinintay pa dahil bumaba na rin ako. Nakakahiya naman kung pag hihintayin pa namin ang mga amo namin. Naabutan ko silang masayang nag sa-salo sa hapag habang nakahain sa harapan nila ang mga putaheng hindi ko pa nararanasan tikman. Naramdaman ko pa ang pag kalaman ng sikmura ko dahil sa nalalanghap ko.

"Faith, come here. Join us."

Napalingon naman ako sa amo kong asungot nang tawagin ako nito. "Wow, biglang nag bago ang ihip ng hangin ha," bulong ko.

Mukhang narinig naman n'ya 'to dahil biglang nangasim ang ekspresyon n'ya. "Sasabay ka ba or what?"

Napa iling naman agad ako dahil sa tono ng boses nito. Pero mas nabaling ang atensyon ko sa babae na ngayon ay parang hinihusgahan na ang buong pagkatao ko at kung paano ako huminga sa mundong 'to.

"If you're not joining us, p'wedeng sa labas ka muna? Medyo nakaka ilang kasi na nasa harapan ka namin."

Nagulat naman ako sa saad ng babae. Aaminin ko na napakaganda nito at daig pa ang anghel, base rin sa dating n'ya at porma n'ya ay para s'yang sopistikada at mahinhin na babae, pero mukhang mali ata ako. Ang panget kasi ng tabas ng dila n'ya.

"Don't mind her, aalis rin 'yan mamaya," saad naman ng amo kong asungot.

Hindi ako nakarinig ng salita mula sa matandang kaharap nila kaya imbis na mas lumubog pa sa kahihiyan ay dumaretso na ako sa kusina para linisin ang mga pinag lutuan. Padabog kong binaba ang hawak kong mga basahan para simulan na ang pag u-urong.

"Grabe, mga pintasero, ang papanget naman nila. Bagay silang dalawa." Bulong ko pa.

"Seriously? Napapangitan ka sa itsura nilang 'yon?"

Nagulat naman ako nang tumabad sa harapan ko ang isang hindi pamilyar na lalaki. Nakasandal ito sa ref habang may hawak-hawak na alak.

Hindi ako nakasagot agad dahil natulala ako talaga. Hindi ko alam kung gulat ba 'to kasi may ibang tao dito sa kusina o gulat dahil sa kagwapuhang taglay nito.

"What? First time mong makakita ng tao?" Ngising saad n'ya na nakapag papula sa mukha ko.

Umiling naman ako at tumalikod na. Hindi ko na lang s'ya pinansin dahil baka ano pa ang mangyari.

"Sungit mo naman,"

Hindi pa rin ako umimik hanggang sa mag huhugas na sana ako ng plato nang naisipan kong lingunin s'ya pero mali ata ang ginawa ko.

"Ang ganda mo pala sa malapitan," bulong n'ya sa tenga ko.

Pigil hininga akong lumayo sa kanya dahil nito ko lang napansin na nakalapit na ito sa'kin at ilang inches na lang ang pagitan ng mukha naming dalawa. "Chill, mukha ka nang kamatis." Saad n'ya at tumawa ng malakas.

"What's your name, cutie?"

Kunot noo ko naman siyang tinitigan at pumamewang sa harapan n'ya na nakapag pasipol sa kanya. "Sino ka bang ponciong pilato ka?" Saad ko dahil pakiramdam ko talaga ay lalamunin na ako nang lupa.

"At isa pa, huwag mo nga akong tawaging cutie kung ayaw mong bangasan ko 'yang mukha mo."

Hindi ko na napigil ang sarili ko dahil umiinit talaga ang dugo ko kanina pa.

"Love it. Kahit ang sungit mo ang cute mo pa rin," Ngiting saad n'ya na nakapag palabas sa mga dimples n'ya.

Ang cute n'ya.

Matapang ko naman s'yang tinaasan ng kilay. "Pake ko kung cute ako, umalis ka nga at sagabal ka sa trabaho ko. Huwag mo akong kakausapin." Saad ko pa at tumalikod na.

Halakhal lang n'ya ang naririnig sa apat na sulok ng kusina at ang lagaslas ng tubig.

"May dalaw ka ba?"

Napasinghap naman ako sa narinig ko at nilingon ang lalaki na ngayon ay nasa likuran ko na.

"Ang kapal ng mukha mo. Bastos!"

Hindi ko na napigil ang sarili ko at nag mamartsang lumabas ng kusina. Ramdam ko pa ang mga titig na nakasunod sa'kin hanggang sa makalabas ako.

Minainam kong sa hardin na lang dumaretso para mag lalamig.

"Grabe, hindi pa ako nakaka isang linggo dito pero parang ilang dekada na akong nag t-trabaho dahil sa mga ugali nila." Bulong ko.

Mula sa pwesto ko ay tanaw na tanaw ko ang buong lupain ng mga amo ko. Napakalawak, mas malawak pa ata sa brgy na tinitirhan namin sa probinsya.

"Buti wala ka pang puting buhok,"

Napapikit naman ako ng mariin. "Kung wala kang maganda sasabihin ay p'wede ba na umalis ka na," bulong ko.

Natawa naman ito sa sinabi ko at sumubo lang ng slice ng cake. "Alam mo, magiging aso't pusa talaga kayo since sobrang layo ng gap ng ugali n'yo."

Umirap naman ako dahil sa sinabi nito. "Oo, pati tayo ay hindi rin mag kakasundo." Dugtong ko pa.

"Pero inferness, hanga ako sayo, ngayon lang ako naka-encounter ng babaeng mag t-tyaga na mag trabaho sa kanya." Saad n'ya pa na ikinalingon ko. Saktong pag harap ko ay hindi ko na namalayang nakatitig rin pala s'ya sa'kin habang ngumunguya.

"Gusto mo?" Saad n'ya pa.

Hindi ako nag patinag na titigan siya at pakiramdam ko naman ay natutunaw na ako dahil sa bughaw nitong mga mata. Oo, bughaw. May lahi atang aso 'tong kaharap ko, yung kamukha nung napapanood ko sa youtube na may itim at puti ang balahibo at maingay. Daig pa ang mga nanay at manok na putak ng putak kapag tumatahol.

"Ayoko, baka kasi mahawa ako sa kadaldalan mo," bulong ko.

Medyo kumalma na ako dahil kahit papaano ay nawala na nang kaunti ang pagod at hilo na nararamdaman ko.

"Parang nag tatanong lang naman, hindi ka naman ganyan kanina ah," nakangusong saad n'ya.

Kanina? Bakit, ano ba ako kanina?

"Kung makapag salita ka ay parang dragon ako kanina."

"Totoo naman,"

Kumunot naman ang noo ko sa sinabi nito. "Ano kamo?"

"Eto naman, hindi mabiro." Natatawang saad n'ya.

Muling nabalot ng katahimikan ang paligid pero natawa naman ako sa sunod na sinabi nito.

"Pogi ba ako?" Seryoso n'yang saad.

Napansin kong ubos na rin ang kinakain nito kaya mas may lakas na s'yang kausapin ako nang harapan harapan.

"Ha?"

Ngumisi naman ito at nag crossed arm na mas lalong nag palabas sa mga pandesal sa braso n'ya. "Ang sabi ko, pogi ba ka ko ako? Pakiramdam ko kasi ay nahihiya ka lang sa'kin kaya ayaw mo akong kausapin ng mahinhin," Saad n'ya pa.

"Hatdog." Hindi ko na napigil ang sarili ko na sabihin 'yan. Aaminin ko naman na pogi talaga s'ya pero shempre, hindi ko sasabihin sa kanya 'yun.

"Ano bang akala mo sa'kin? Hindi pa ba kita kinakausap n'yan?"

Ngumuso naman ito sa sinabi ko. "See, nag susungit ka na naman sa'kin."

"Alam mo, para kang asong pinitpit ang nguso, tigilan mo nga at ang sagwa." Saad ko.

"Pfft,"

Sabay naman kaming napalingon sa taong nag pipigil ng tawa sa gilid namin at laking gulat ko nang makita ko na 'yung amo kong asungot ay naka upo na sa gilid namin at pinanonood kami.

"What? Just continue your conversation, wala akong naririnig." Seryoso n'yang saad at dumekwatrong sumandal pa sa upuan.

To be continue...







Mr Badboy Personal MaidWhere stories live. Discover now