Chapter 13

76 25 2
                                    

"Ohh, is this my welcome greet from you, apo."

Nanlalaking mata kong tinulak ang taong nakapatong sa'kin ngayon na tila ba hindi rin inaasahan ang nangyari, pero mas nakakahiya do'n nang mapansin ko ang isang hindi katandaang babae na ngayon ay nakatakip ang mga mata pero halata naman na may butas ang pagitan ng mga daliri at tila nanunuksong nanonood sa'min.

"Pasensya na po," namumulang tumakbo ako palayo sa kanila habang patuloy pa rin sa pag kabog ng mabilis ang aking dibdib dahil sa kahihiyang nangyari.

Nakasalubong ko pa ang ilang katulong na may halong pagtataka sa mga mata pero minainam ko na lang na dumaretso sa'king silid para na rin makatakas sa kahihiyan.

"Bakit ba palagi na lang nangyayari sa'min 'to?" Bulong ko at napa upo na lang sa sahig.

Pakiramdam ko talaga ay may galit sa'kin si kupido dahil wala s'yang palya.

Habang nag e-emote ay naramdaman ko namang tumunog ang telepono ko sa bulsa.

"Hello po, nay." Masigla kong saad.

"Hello, Faith, kumusta na? Hindi ka na namin natawagan kahapon dahil may pinuntahan kami ng tatay mo. Ano nang balita d'yan? Nakarating ka ba ng maayos? Kumusta ang araw mo?"

Natawa naman ako sa sunod-sunod nitong mga tanong. "Nay, ayos na ayos lang po akong nakarating dito. Sa katunayan nga 'nay ay nag sisimula na po ang trabaho ko at bait-bait po nila,"

Hinubad ko muna ang suot kong gloves sa kamay dahil nararamdaman ko na rin na namamawis ang mga palad ko.

"Mabuti naman kung gano'n, ako'y nag aalala dahil hindi ka na namin matawagan nung gabi."

"Pasensya na nay, nakatulog na rin po kasi ako dahil sa pagod. S'ya nga po pala, kumusta po kayo ni tatay d'yan? Kauuwi n'yo lang po ba galing sa bukid?"

"Oo 'nak, kauuwi lang namin. Anong oras na rin kasi isa pa bumalik ang tatay mo sa bukid dahil naiwanan n'ya yung gamit sa pagtatanim. Balak kasi namin na huwag munang magtrabaho mamaya kaya binilim muna namin kila Dagul."

Natahimik naman ako sa sinabi nito. "Bakit po? Masama po ba ang pakiramdam n'yo?"

"Ah, teka anak at may tao. Tatawagan na lang ulit kita mamaya ha, mag iingat ka d'yan."

Hindi pa man nakakasagot ay naputol na ang linya. Pakiramdam ko ay may mali pero pinag sawalang bahala ko na lang 'to. Sakto namang pag bukas ko nang pinto ay s'ya ring bungad ng matandang babae at isang lalaki na nagtatalo ngayon sa harap ng pintuan.

"Ah, ano pong kailangan n'yo?" Naiilang kong saad.

Parehas pa nila akong tinignan. "Oh,"

"Lola, please stop. Mali ka nang iniisip."

Pinanonood ko lang silang dalawa na nagtatalo hanggang sa hinampas ng pamaypay ng matanda ang kamay ng amo ko para lang lapitan ako dahil nakayakap ito sa braso ng matanda.

"Tigilan mo ako, Peterson." Mariing saad nito bago ako binalingan nang tingin. "Magandang umaga, hija. Ako si Pamela, lola Pamela." Ngiting saad nito at niyakap ako ng mahigpit.

Kinakabahan namam ako dahil sa mga inaasta nila. "M-magandang umaga rin po, ma'am." Bulong ko.

"No dear, call me lola. Diba't kasintahan ka ng apo ko?"

Pakiramdam ko ay namula ang buong mukha ko sa narinig ko. "M-mali po kayo ma'am, wala po kaming relasyon ni sir Pete,"

Tinitigan naman ako nito nang makakalas sa yakap. "Really? As far as I know dito raw nakasilid sa kwartong 'to ang kasintahan ng apo ko? Nagulat pa nga ako dahil nakita ko pa kayo sa kwarto n'ya?" Nagtatakang saad nito.

"C'mon 'La, she's not. Halika na't kakain na tayo. You also need to rest. Please."

Pumagitna naman samin ang boss ko na ngayon ay mukhang iritado na habang namumula ang mga tenga.

"Then who is she? I thought she's Catherine," kunot noo na saad ng ginang sa'kin.

Gusto ko nang makaalis sa sitwasyon na 'to dahil pakiramdam ko ay ginigisa na ako ng buhay.

"Ah, ma'am ako po pala si Faith, bago n'yo pong kasambahay specially ni sir Pete po," Singit ko.

Hindi ko na pinatagal pa dahil hindi ko na gusto pang madamay sa kung anong pagtatalo ang nangyayari sa kanilang mag lola.

Tinitigan naman ako nito mula ulo hanggang paa. Napakagat naman ako sa labi dahil sa sitwasyon ko ay madungis pa ang damit na suot ko habang ang mga paa ko naman ay walang suot na swelas sa kadahilanang nag ma-mop ako ng sahig kanina.

"Nice to meet you, hija. Your name suits you. I'm so sorry about earlier, akala ko kasi ikaw ang ikinukwento sa'kin ng apo kong si Louis. By the way, did you ate already?" Ngiting saad n'ya.

Napatitig naman ako sa boss ko na ngayon ay nakatalikod samin habang hinihilot ang sentido. "Ah, yes po madam, kayo po, kumain na po kayo. Tatapusin ko na po yung sa silid n'yo para makapag pahinga na rin po kayo pag tapos." Magalang kong saad at marahang isinara ang pintuan ng kwarto ko.

Mukhang napukaw naman 'yon nang pansin ng amo ko at hinawakan na sa balikat ang matanda. "Let's go 'la, you also need to meet Louis, kanina ka pa n'ya hinihintay. Jane, please finish your work tapos sumunod ka samin." Saad n'ya habang hindi ako tinatapunan ng tingin.

"Lola! Are you there?!"

Mukhang nabaling naman ang atensyon ng matanda sa boses ng batang pasaway sa ibabang palapag.

"Yes dear apo! Faith, sumunod ka ha, para naman makapag kwentuhan pa tayo. I want to know more about you," kinikilig nitong saad na nakapag patango sa'kin.

"Lola, stop."

Hindi ko na hinintay na umalis sila at nag paalam na rin ako para dumaretso sa silid na tinakbuhan ko kanina.

"Ano ba naman 'yung mag lola na 'yon." Bulong ko. Nakasalubong ko pa si aling Yolly na galing sa kwartong lilinisan ko. Bitbit n'ya pa ang mga gamit na naiwanan ko kanina.

Nginitian naman ako nito. "Halika na hija at mag umagahan na tayo. Tapos na rin naman yung linisin."

Nahiya naman ako sa sinaad nito. "Bakit kayo po ang nag linis? Ako po ang nakatoka doon e, nakakahiya naman po."

Natawa naman ito sa sinabi ko. "Hija, kakapirangot na lalampasuhin na lang rin naman 'yun"

"E, ang lawak po kaya ng kwarto?" Saad ko pa na ikinakunot ng noo n'ya.

"Sa katunayan nga hija ay yari na talaga 'yung gagawin. Kinuha ko lang rin 'tong gamit. Isa pa, nalinis na namin 'yon kahapon pa kaya huwag mo na intindihin 'yun."

Nagulat naman ako sa sinabi nito. "Po? Kahapon pa? E bakit panay alikabok po at puno pa ng agiw? Ang dami pa pong linisin 'yun." Kunot noo kong saad.

"Saan ka ba nag linis kasi, hija?" Takang saad nito.

Tinignan ko pa ang likuran n'ya para kumpirmahin ang kulay ng pinto.

"Doon po sa kulay pulang pintuan," takang saad ko at marahang hinawi ang buhok kong tumatabing sa mukha ko.

"Ano? Sino ba nagsabi sayo na doon ka maglilinis? Sa kabilang kwarto ang tutuluyan ni ma'am ngayon. Yung tapat ng master's bedroom."

Parehas pa kaming nagulat dahil sa sinabi ko.

"Sabi po kasi sa'kin na doon daw po ako mag linis, nakita ko pa nga pong inayos na rin yung kurtina doon nung isa pong kasamahan natin e," bulong ko pa.

"Nako, kabilin bilinan pa naman samin ni Peterson na huwag gagalawin ang kwartong 'yon. Kilala mo ba kung sino ang nag sabi sa'yo n'yan?" Saad ng matanda na ngayon ay mukhang problemado na rin.

"Ako po ang nag utos sa kanya."

Sabay kaming napalingon dahil sa pamilyar na boses. Mula sa pwesto ko ay tanaw na tanaw kong nakapamewang na nakatayo ang batang na pinag lihi ata sa masamang engkanto habang nakasandal pa sa dingding.

"Jusko kang bata ka, lagot na naman ako sa mama mo, Louis!"

To be continue...

Mr Badboy Personal MaidWhere stories live. Discover now